•KABANATA 11•

413 28 0
                                        


Sa ganito ko nakilala ang pinakaunang Crusinaide na nagdala sa inyo ng kapalaran at tungkulin na dapat ninyong gampanan...

Year 1887

Nagluluksa ang lahat sa pagkamatay ni Don Frolo De Silva taong 1887. Siya ang butihing kabiyak ng Señora Malumayi De Silva na walang iba, kundi ako. Hindi man mapayapa ang dati kong pamumuhay bagaman ay mas tahimik na iyon kumpara ng nasangkot ako sa pangaalipin at nagsilbi sa pamamahay ni Don Frolo De Silva. Matanda na ito pero mataas padin ang libido sa katawan. Pumanaw na ang pangalawa nitong asawa kaya naman naghanap ito ng kaaliwan at ako ang nakita niya. Puwersahan ang ginawang pagpapakasal sa akin ng matandang iyon. Hindi ko magawang tumuligsa dahil habang panahon akong hahabulin ng batas. Ganoon kalakas ang kapit ng Don sa Gobernador Heneral ng Pilipinas.

Naisip ko na sa oras na mamatay ang matanda ay sa akin mapupunta ang lahat ng pagaari niya maging ang lupaing ito na hindi ko matanaw kung hanggang saan ang hanggangan. Napakalaki din ng mansion na ilang taon pa lamang nakatayo. Pagod na akong mamuhay ng naghihikahos. Pagod na akong gumising sa umaga hindi dahil may gana kundi dahil kailangan na mulat ka.

Naalala ko matapos ang kasal namin na dalawa. Nagkulong ako sa kuwarto ko para lamang takasan siya ng gabi na iyon. Hindi ko maatim na ibigay ang puri sa matanda na katawan lamang ang habol sa akin. Galit na galit siya noong panahon na iyon at kinabukasan ay walang mintis ang kanyang ginawang pananakit sa akin. Halos mawala na ako sa ulirat pero pinilit kong gapangin ang hagdanan para makababa lamang at makalayo sa kanya. Kung hindi dumating ang cabeza de barangay upang dalawin siya ay matagal na niya akong nakuha. Ilang araw din niya akong kinulong kasama ng mga baboy at hindi pinapakain at binibigyang tubig man lamang. Kung hindi ko lamang nais na mabuhay ng mapayapa ay akin ng tinapos ang kanyang buhay.

Napagisip isip ko na kailangan kong maging mabait sa kanya. Pinagsilbihan ko siya at tinuring parang tunay na asawa kahit saloobin ko'y nanghihimutok na. Nilalagyan ko ng lason ang kanyang inumin maging ang pagkain na aking hinahain. Lason na unti unting pumapatay sa laman loob ng isang tao. Dahil sa oras na biglain ko ay malalaman ng lahat na ako ang pumatay sa ulirang si Don Frolo De Silva. Pero sa kalagitnaan ng gawi kong iyon ay sumulpot ang isang lalaking tagapagsilbi sa pamamahay ng De Silva.

"Senyora, malaking kasalanan ang inyong ginagawa. Hindi lamang sa mata ng mga tao kundi maging sa ating panginoon." sabi niya isang araw habang nagpapahangin ako sa aming hardin.

"Isa ka lamang hamak na tagapagsilbi. Anong karapatan mong ako'y masamain." marahas na aking tiniklop ang pamaymay dahil sa kawalan niya ng modo.

"Ang mga halaman na iyong pinipitas, sa oras na mainom ang katas ay hinay na papahintuin nito ang pagtibok ng isang puso."

"Maalam ka bata."

"Lubos ko pong inakala señora na tayo ay magkasing gulang lamang." wika niya.

"Ano ang iyong ngalan?"

"Vicente Crusinaide po Señora." inilapat niya sa kanyang dibdib ang kanyang palad at nagyuko ng ulo bilang pagbibigay galang sa akin. Napailing ako. Isa lamang din akong indio at hindi na hihigit pa doon ang pagkatao ko ngunit sapat na ang pagiging indiong Pilipino upang ipagmalaki ang lahi ko.

Simula noon madalas na nagpapakita sa akin sa may hardin si Vicente. Nagtataka man ako, sapagkat hindi niya ako nagawang isuplong sa kinauukulan subalit iyon ay akin na lamang pinagsawalang bahala.

Nalaman ko na magaling pala siyang gumuhit at magpinta. Kaya lamang siya nagsisilbi sa pamilya De Silva dahil sa pagkakautang ng kanyang pamilya. Indio ang kanya ama at kastila naman ang kanyang ina kung saan niya nakuha ang apelyidong Crusinaide sapagkat pumanaw na ang kanya ama bago pa man siya maisilang sa mundo.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon