"Cyg,nalocate mo na ba ang lugar, is five minutes not enough?Kanina pa ako nagpapaikot ikot dito sa sinasabi mong area."
"Kailan ka pa naging atat? Mukang bigatin ang makakabangga mo. Take care man. We will always love you no matter what and take things carefully life is like a rosary that's full of misery."
"You're weird man, stop reading those books please. I'm not dying."
Makalipas ang ilang sandali ay tumunog na ang cellphone ko at pagbukas ko nakita ko ang map ng isang area at nakapinpoint doon ng exact location na kinaroroonan nila. Wala na akong sinayang pang oras at agad ko ng tinunton ang lugar.
Dumating ako sa isang lumang bahay na kulang nalang siguro ay ipademolish nalang dahil mukang nagigiba na ito. Nagparada ako ng sasakyan sa may di kalayuan at nilakad ko nalang ang abandonadong bahay.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay may mga tauhan ng pumalibot sa akin saka tinutukan ako ng mahahaba nilang mga baril. Ano na naman ang ganap ng mga taong ito ngayon? Hindi na sila nagsawang bulabugin ako. Tinulak nila ako papasok sa loob ng abandonadong bahay hanggang sa makarating kami sa sala. Nadatnan ko si De Silva na prenteng nakaupo sa sofa habang kumakain ng mansanas na hawak ng dalawang kamay niya dahil pawang nakatali ang paa at mga kamay nito. Grabe, hindi man lang siya nagaalala. May pakialam pa ba ang isang ito sa mundo? The perks of being an immortal.
Ayaw ko namang madamay pa si Hammurabi sa gulong ito dahil papatayin talaga ako ni Google kapag nagkataon na nasangkot ang asawa niya sa gulo ko. Im a total opposite of Google, siya iyong tipong palaging goodvibes, palangiti at mabait sa mga nasa paligid niya, halos lahat nakakasundo niya while I am the dark version of him.Isa pa sa dahilan kung bakit hindi kami magkasundo ni Google ay dahil narin sa pinasok kong trabaho. But I had my reasons na hindi niya magawang intindihin kung bakit ko nagawang ipasok ang sarili ko sa gulong ito.
"Yo. Chrome." bati niya sa akin na parang walang mga naglalakihang katawang tao ang nakapaligid sa amin at ang naghahabaan nilang mga baril.
Initsa niya sa akin ang natira sa kinain niyang mansanas na parang kinagatan ng rabbit. Matik na kumunot nag noo ko sa pagkairita ko sa kanya. Ngumiti naman siyang hanggang taenga ng hindi labas ang ipin at hindi na kita ang mata tapos ay sumeryoso ang muka niya at masama ang tingin na pinukol sa akin. Naguumpisa na tuloy akong magtaka kung ano ang nagawa kong mali.
Nagsipagatrasan ang mga naglalakihang tauhan na mukang bouncer sa club nang may lalaking bumaba sa hagdanan mula sa second floor ng bahay. He's wearing suit and tie na hindi bagay sa approach ng ginagawa niyang pangingidnap kay De Silva. Tama nga si Peyton. Mukang delikado nga ang isang ito dahil napansin ko ang nakasilip na tattoo ng apoy sa kanyang leeg. Nagtama ang paningin naming dalawa at nakaramdam ako ng panganib sa kanyang awra. Bumuga pa siya ng usok saka inapakan ang upos ng kanyang sigarilyo.
"It's really hard to find and kill you talaga ano Crusinaide. Nagkakaedad na ako at hindi ko na gustong makaranas ng hassle. Bakit ba hindi mo nalang isuko ang buhay mo sa amin." siya habang marahan ang pag hakbang sa hagdanan hanggang sa magkatapat na kami.
Hindi ako puwede magkamali. Isa siyang miyembro ng Organization at isa siya sa may mga matataas na katungkulan kung tawagin ay Pitong Anak ng Katipunan in short PAK. All this time I was serving the Organization palagi akong nakasalang sa apoy ng impyerno. Whether I kill for them or not they intend to silence me. Wala na ngayon ang nagiisang taong naging panangga ko laban kanila, ang taong nagpasok sa akin sa Organization na isa din sa Pitong Anak ng Katipunan. Si Wrath. Iisa kami ng hangarin, ang pabagsakin ang Organization pero sa huli parehas din nila kaming inipit. Mataas na ang narating ni Wrath na katungkulan sa Organization dahil malakas siya but his strength was not enough to protect his life and the lives of his love ones. I was a threat and Wrath's subordinate kaya ako naman ang isusunod. Habang kasali ka sa Organization you should distance yourself from your family if you have one,or else avoid to be attached with people because that will be your weakness. You need to be heartless na siyang hindi ko kayang gawin sa sitwasyong ito.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Fiction HistoriqueShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.
![Because This Is My Last Life[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/187738842-64-k924124.jpg)