• KABANATA 17 •

237 22 0
                                    

Isa siyang babaeng nagtataglay ng daang taong ganda. Mahirap man paniwalaan ngunit nabubuhay ang katulad niya. Isang buhay na may katapusan ngunit walang kasiguraduhan kung kailan ang hangganan. Sa ilang daang taon ay patuloy siyang naglalakbay, hihinto, nagpapahinga dahil siya'y may isang lalaking hinihintay na dumating at dumaan ng paulit ulit sa kanyang buhay.

Si Vicente.

Ang lalaking lubos kong inibig at inibig din ako ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, patikim lang pala ang lahat. Oo at ako'y inibig niya ngunit hindi sapat para ako'y maging natatanging lubos para sa kanya. Mahal niya ako ngunit iba ang hanap ng kanyang puso. Tila ba hindi iyon kayang punan ng ibinuhos kong pagmamahal sa kanya.

Sa maraming taon na kami ni Vicente ay magsama marahil sinubok ako ng tadhana. Isang araw ay namulat ako sa katotohanan na kailanman ay hindi ako magiging sapat para sa uhaw at tigang niyang puso. Uhaw sa pagmamahal na hindi ako ang kayang pumuno.

Hindi man ako lubos na tinalikuran ng sinta kong si Vicente, naupos naman ang aking pagkatao. Wari ba ay isa akong pako na binabaon maging ang ulo. Nangaliwa si Vicente. Nabulag siya ng nararamdaman niya para sa isang babaeng nagngangalang, Malumayi.

Kilala ng lahat si Malumayi dahil isa itong dalagita na ipinakasal kay Don Froilan De Silva na doble o triple ang edad sa kanya. Maraming nagsasabing salapi lamang ang habol nito upang makaahon sa hirap at may ilan namang nagsasabing walang kasing sahol ang Don kagaya ng ibang kastilang nakikitira lamang sa ating bansa at napikot lamang nito ang dalaga.

Baon sa utang ang mga magulang ni Vincente sa De Silva kung kaya't kapalit niyon ay serbisyo ni Vicente sa kanilang lupain. Kanyang ginagawa ang iba't ibang uri ng trabaho, mabigat man o magaan. Madalas umuuwi siyang matamlay wari ko ay dahil sa pagod ngunit araw ay dumating nang siya'y umuwing nakangiti at muka'y maaliwalas.

Ganoon din siya nang mga sumunod na araw. Nais ko sanang malaman kung ano ang pinagmulan niyon, nais kong magkuwento siya sa akin. Nais kong maging kasapi ng kanyang kasiyahan ngunit lumipas ang mga buwan nararamdaman ko ang paglayo ng kanyang loob sa akin. Ngunit kasabay niyon, akin padin nararamdaman ang kagustuhan niyang bumawi sa aming dalawa ni Centeli. Kalaunan, naging maayos muli ang daloy ng pagsasama ng aming pamilya ngunit sandali lamang iyon.

Wala sa bahay si Vicente nang makatanggap ako ng isang liham. Liham na mula pa sa isang taong hindi ko lubos akalain na magkakaroon ng kinalaman sa aking asawa. Aking kinabigla ang laman ng liham na aking nabasa. Nasaktan ako ng sobra sapagkat napagtanto kong hindi lamang pala isang beses na nagpadala ng liham si Vicente sa isang senyora na ngayon ay wala ng asawa. Nagpapalitan sila ng liham, hindi lang isa ngunit maraming beses na. Lubos na nadurog ang aking puso ngunit itinago ko ang liham na iyon. Nagtataka lamang ako kung saan at paano sumusulat ng liham si Vicente kay Malumayi na hindi ko man lang nahuhuli. Sadyang napakamadhid ko wari o lubha lamang malaki ang aking naging tiwala sa aking asawa.

Mukang nalaman na din ng senyora na ang lalaking minamahal niya ay may kabiyak na sapagkat kanya akong pinatawag sa mansiyon ng De Silva. Isa akong babaeng walang lakas ng loob at tiwala sa sarili kaya't nang una kong masulyapan si Malumayi, ako'y nakaramdam ng kilabot maging buo kong pagkatao. Wari ba'y napakataas niya't napakahiram abutin tulad ng isang bituing nagniningning. Subalit lahat ng tao'y may kadiliman ang puso, sa liwanag niyang taglay kadiliman ay hindi niya maitatago. Nakaramdam ng silakbo ang aking puso. Ang babaeng aking kaharap ang laman ng isip at puso ng aking Vicente. Ako'y nakaramdam ng takot sa mga matang iyon ngunit sinubukan kong hindi matinag.

Totoo ang sinabi ng lahat, palaging may nakataling tela sa ulo ng Señora na para bang may sakit siya at nakabalunbon doon ng buhok niya. May usap usapan sa bayan na tinatago lamang ng senyora ang ahas niyang mga buhok, ngunit gayun pa man natatangi parin ang taglay nitong ganda ng isang purong pilipina.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon