Tanghali ng araw na iyon, tahimik ang dinadaanan niyang kabahayan sa buong nayon. Sadyang maingay at makulay ang lugar na iyon ngunit sa kanyang pagdaan tila ba kusang nagsipagsarado ang mga tarangkahan ng mga pintuan at durungawan. Dinig ang sipol ng hangin at paghakbang ng mga paa niyang panyapak ay hinabing mga pising gawa sa pinatuyong uri ng halaman.
"Nandirito na naman siya at napapadaan. Dali at baka tayo ay mahawaan ng sumpa ng babaeng iyan."
"Mga paa ko'y naging bato, hindi ko magawang tumakbo, dali buhatin mo ako! "
"Nilalang kang walang silbi, ako'y may tungkod iyo bang nakikita? Ako'y iyong buhatin--ah! sandali lamang! nilalang kang walang galang ang matanday iyo bagang kinakaladkad!"
Nang makalampas siya sa lugar ay saka pa lamang nagsibukasan ang mga tarangkahan at bintana ng mga kabahayan. Nang matanaw nila ang bultong nakabalabal sa malayo saka pa lamang sila nakahinga ng maigi.
Sa kalagitnaan ng pagbaybay sa daan, napahinto siya dahil sa biik na humarang sa kanyang nilalakaran.
"Oyy! Pika! Bumalik ka! Malalagot ako kay ina!" sigaw ng tumatakbong bata palapit sa kanya. Sa takot na tumakbo ang biik,nang makalayo ay tinalunan ito ng bata na kinagulat niya dahil tumama ang bahagi ng katawan nito sa paanan niya.
Nais niya sanang tulungan ang bata pero mukang ayos naman ang kalagayan nito,may galos lamang ang siko siguradong mayroon din ang tuhod nito ngunit di niya makita dahil sa suot nitong bestida. Matapos yapusin ng batang babae ang biik ay nagangat ito ng tingin sa kanya. Mula sa ibaba ay kita ng nakatingalang bata ang kanyang muka. Inasahan niyang magugulat at iiyak ito ngunit isang matamis at puro na ngiti ang pinakawalan nito para sa kanya."Marahil manang ay wala kang makain, nais mo bang uminom ng tubig sa aming barong? Wala po kasi kaming maihahandog na biyaya sapagkat nasa laot pa si ama at mayroong karamdaman si ina. Kaya't ito nalang si Pika ang gagawin naming laman tiyan bilang kaarawan na din ni ina bukas may ihahanda na siya hehe!" sabi ng batang nakangiti sa kanya kahit na wala itong dalawang pares ng ipin sa harapan. Parang hinaplos naman ang puso niya. Napakabuting bata. Nagpumiglas naman ang biik na takot maging laman tiyan mula sa bising ng bata.
"Biro lamang Pika! Palalakihin ka pa namin at kapag ika'y nanganak ng marami ,sila naman ang aming kakatayin. Hihi." mas lalong nagingay ang biik bilang pagtutol.
Hahakbang na sana siya paalis pero hinawakan ng bata ang kanyang suot na bestida kaya't siya'y napahintong muli.
"Hali ka binibini, dadalhin kita sa aming munting tahanan." at hinila siya nito. Hindi siya makatutol na wari ba isa siyang dahon na nagpadala sa tangay ng hangin. Walang lumalabas na salita at kahit tunong man lamang ng pagtutol ang kanyang bibig. Hindi na niya maalala ang huling paginom niya ng tubig.
Tahimik na sumalampak siya sa sahig na gawa sa kawayan. Pinagmamasdan niya ang batang hindi magkandaugaga sa paghahanap ng ipapakain sa kanya. Nais niya sanang magpaalam na ngunit sa labis na panunuyo ng kanyang lalamunan ni katiting na boses ay hindi siya makalikha. Karagdagan pa, hindi niya nais mawala ang kislap sa mata ng batang iyon. Ilang saglit lamang ay may inilapag itong nilagang kamote at tubig sa kanyang harapan na nakalagay sa loob ng pinutol na kaawayan. Nakangiti itong sinabihan siyang kumain.
Kailan nga ba huling nagkalaman ang kanyang sikmura? Hindi na niya maalala. Kailan nga ba siya huling nakaramdam ng gutom? Wala siyang matandaan. Gayon pa man ay malugod niyang tinanggap ang munting handog ng maliit na bata.
Nanginginig ang kamay na inabot niya ang tubig na bumasa sa tuyot niyang lalamunan. Matapos ay tinulungan niya ang sarili sa pagkain ng kamote. Nakamasid lamang sa kanya ang mata ng maliit na bata.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Ficção HistóricaShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.