"Kapag nilangoy ko siguro isip mo di na ako makakaahon." napasulyap ako sa kampon ni satanas na nagsalita at nagbalik sakin sa kasalukuyan.
"Malunod ka, mamatay ka na wala akong pakialam sayo Faust." anas ko kay Beltran na bigla nalang tumubo mula sa dumi ng opisina ko, what the heck? Pinalinis ko naman ng maayos at sinisigiradong walang alikabok pero may kurikong padin na sumulpot at hindi ko sinasabing si Faust iyon.
"Ouch!"humawak pa siya dibdib niya."Babae iyang iniisip mo, Am I wrong?"
"Mali, na nabuhay ka pa Beltran. Get off my face will you." tinawanan na naman niya ako. Nagmuka siyang masayahing tae.
"Ito naman alam mo namang mahal na mahal kita ih, ipagpapalit ko na si Cyg, ikaw na ngayon ang aking wananonli, dahil ikaw ang icing sa ibabaw ng coke float ko--icecream--dairy cream--whip cream??" mas lalong sumama ang timpla ko dahil may pagkindat pa niyang sinabi iyon. Hindi na ako nasanay sa kabaklaan ni Faust. No,no, he's definitely straight. Paano ko ba naging kaibigan ang gonggong na yan.
"Get a life dude." anas ko,iningusan niya lang ako bago nagmartsa palabas ng office. Ganyan lang si Faust pero matinik yan. Kahit saan mo dalhin nagkakagirlfriend yan na good for 1 week ang maximum and 3 seconds ang minimum.
Bago pa man ako makapagsimula na kalkalin ang sangkatutak na papel ay bumalik si Faust.
"What?!"
"Nakalimutan ko ung sasabihin ko kanina nilandi mo kasi ako eh. Inuman daw tayo, si Racer ang taya sabi ni Gunner."Sabi niya na ulo lang nakapasok sa pintuan.
"Pass."
"Oh come on Chrome! It's your time to shine! Pede ka dun magluksa dahil wala ka ng bebe, you can have my shoulder to cry on dude, wag ka kay Cygnus, mabantot yung amoy tulok na yun. Same place padin beb ko. Punta ka ah." kinindatan niya pa ako bago tuluyang umalis. Napailing nalang ako.
Wala ako sa wisyong magtrabaho ngayon. Naiisip ko lang iyong babaeng bulag-este iyong napagkamalan kong bulag. I don't usually care sa mga ganoong babae lalo na't nandyan si Hammurabi, nasa kanya lang ang atensiyon ko, that's why I'm asking my freaking self, why?
Natatakot ako sa aura niya baka hindi ko na matikmanang paborito kong kape at maligo sa amoy ng aroma ng coffee shop na yun. Napagkamalan niya ata akong manyakis. Napakamot ako ng ulo. What a failure as a man.
Pinilig ko ang ulo ko. I need to concentrate. Ugh. Mapapatay ko talaga iyong kapatid kong mahilig sa nakaphcare na itago nalang natin sa pangalang Google.
Bago mag alas kwatro ng hapon ay tinapos ko na ang trabaho sa opisina. Oras na para sa panibago kong raket. Nagbihis ako sa loob ng kotse ng simpleng tokong at tshirt bago ko ito ipark sa garahe. Paglabas ko bumungad agad sa akin si Mang Dolphy, na naglalakad patungo sa akin na nauuna ang tyan kaysa katawan. May dala pa siyang isang litro ng beer na kadalasan niyang tinutungga.
"Uy tisoy! Naparito ka na naman, alam ko na ang sadya mo."
"Opo. Wala ho kayong takbo sa hapon?"
"Aba'y oo, iyong anak ko ang bumabyahe. Ako'y nanghihina kapag hindi nakakainom ng alak eh." natawa ako. Sinabit ko ang maliit na twalya sa leeg ko at nagpaalam kay Mang Dolphy na papasada na ako. Rush hour ngayon kaya maraming nangangailangan ng masasakyan, yun nga lang sobrang traffic pihado.
"Pinakaingatan at inalagaan ko iyan habang wala ka dito tisoy!"
"Salamat ho, maaasahan ka talaga!"
Pinaandar ko na ang jeep palabas ng garahe. Binili ko ito noong nakaraang taon kaysa nakikipasada lang ako at hindi napupunta sa akin ang buong kita.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Historical FictionShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.
![Because This Is My Last Life[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/187738842-64-k924124.jpg)