Blangko ang muka ko at naging tuod ako nang makarating na kami sa mismong school. Nakatayo kaming tatlo sa tapat ng entrance at napapagitnaan namin si Chitose, pero kahit na ganoon ay para akong may dalawang anak.
No offense kay De Silva ah.
Parang nabasa naman ni Randi ang isipan ko at sumenyas na gigilitan niya ako sa leeg. Ganoon na lamang ang pagkaasar ko nang mapansin kong muli ang cat ear na suot niya dahil naalala ko na ganon din ang suot ko ngayon at kay Chitose.
Tsk.
Buti nalang walang nakakakilala sa akin dito. Nakakahiya, parang gusto ko nalang balutan ng sako bag iyong ulo ko. Naka family shirt pa kaming tatlo na kulay pink na may print na hindi ko maintindihan kong anong klase ng animal ito. Si Randi ang pumili nito at wala na kaming nagawa ni Chitose.
"Dyan na kayo." nauna na siyang pumasok sa gate. Bakit siya may dala dalang payong? Aanhin niya yan sa loob ng school? Kailan pa naging silver-ash ang kulay buhok niya? Did she make her hair done? Maybe it's a wig.
"She's weird." anas ni Chitose. Nagtaka ako when something slipped into my hand, pagtingin ko kamay lang pala iyon Chitose. Sinundan na namin si Randi bago pa siya maligaw.
"Nope. May appointment ako sa araw na hinihiling mo. Siguro si Ran nalang ang isama mo ijo." napakamot ako ng ulo sa sagot ni tita.
Pinagpapaalam ko sana sa kanya ang family day sa school ni Chitose and she turned me down. Iniisip ko palang na makakasama ko ng buong araw ang babaeng ito ay kinikilabutan na ang buong pagkatao ko. Maybe I'm just thinking differently 'bout her.
Napabuntong hininga nalang ako. As we proceed to the children's classroom I slowly felt uncomfortable. Hindi ko matanggap itong lintek na tenga ng pusa sa ulo ko dahil hahawakan ko palang ay nararamdaman ko na iyong hindi magandang titig ni Randi. WTH?
"Oyy! Papa ni Chitose! Smile!"lihim akong napamura dahil pagpasok namin sa classroom na puno ng sabit sabit na designs mula pintuan hanggang ceiling,at nandoon din si Racer na may hawak na camera, nakaflash pa. I glared at him. What the hell is this dude doing here?
"Ay kay bata naman ng mga magulang ni Chitose."
"Oo nga, what a genes, napakagaganda."
"Ay hindi niya ba kapatid ni Chitose iyong babae?"
Dinig kong chismisan ng mga nanay at tita sa gigilid. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon pero hindi ki mapigilan na mapangisi sa huling narinig ko pero pinigil ko ang sarili ko na mapangiti.
"Ano ho, excuse me, we're just Chitose's guardians po. Muka po ba akong nanay?" sabi ni Randi na mukang nainsulto pa.
"Ay ganon ba iha, pag pasensyahan mo na." at pinalibutan na nga siya ng mga nanay, single moms and titas. Tinanong kung anong brand ng skin care products ang ginagamit niya, ano ang skin care routines niya, saan siya nagpapaderma, and so on.
"Uhm, ano, Chitose, gusto mong mauna na tayo sa ground? Magsisimula na din naman ang program nandoon na din ang ibang classmate natin saka mukang may sasabihin pa si teacher sa kanila dito." sabi ng batang babaeng kakalapit lang at may bunny ears naman na suot. Mukang nahihiya pa siyang lapitan si Chitose sa tabi ko noong una.
"Sige. Mauna ka na. Bye." tipid na sagot ni Chitose. Naluha naman iyong bata na nagtago sa mahabang binti ni Racer.
"Alicante, don't tell me..."
"Idiot. She's my 'lil sis. Bobo nito kung ano anong laman ng utak."
"Dalawa lang naman iyon, kung hindi ka pedophilia ay may anak ka na."
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Ficción históricaShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.