•KABANATA 8•

339 22 0
                                    

Nakauwi na ako ng Pilipinas galing Hongkong. Sinigurado kong hindi ako aabot ng dalawang linggo doon dahil ayaw ko sa hassle. Tiningnan ko ang phone ko na isang linggo mahigit na ding hindi nabuksan habang nagaantay ng masasakyan.

114 missed calls and 15 messages.

Lahat iyon galing kay Tita Nancy. Napangiwi ako. Nagtext ako sa kanya nong nakaraang linggo na magbabakasyon lang ako hindi ko naman alam na ganito na pala siya ka praning ngayon.

Noon kapag nawawala ako she rarely texted or called me at pinakarami na iyong 5 missed calls and 2 messages. Saglit pa ay may pumaradang magarang sasakyan sa harapan ko. Napapikit ako ng mariin dahil kilala ko na kung sinong bubungad sa akin. Tsk. Mas lalong sumakit ang ulo ko nang muka nga ni Beltran ang nakita ko pagbukas niya ng tinted na bintana ng sasakyan niya.

"Hi bhebzx! Kamusta mission natin?"

"Bakit ikaw pa? Wala na bang iba?"

Sumakay na ako sa passenger's seat dahil napansin kong may tao sa likuran. Kung hindi ako nagkakamali kapatid niya iyon.

"Ganon kasi kita kamahal honeybunchsugarplum, nagpasundo iyang si Licht, galing sa fan meeting niya sa Cebu nabalitaan kong ngayon din pala ang dating mo kaya sinabay na kita bhebsko." mas malala pa sa jetlag ang napapala ng sakit ng ulo ko dito kay Faust. Nagseatbelt naalang ako, saktong napatingin ako sa rearview mirror at nakatingin din pala si Licht, ang nakababatang kapatid ni Faust ng isang taon. Muka siyang nakadrugs kaya napangisi ako. Pihadong walang tulog ang isang iyan.

"Mas guwapo pa din ako Chrome kaysa sa babaerong iyan." saad niya na mukang nabasa ang nasa isipan ko. Napailing nalang ako dahil sumabat naman si Faust.

"Sikat ka lang pero hamak na mas pogi ako kaysa sayo boi! No eyebags, no stress! Be happy, be free!"

Hindi ko na pinakinggan ang magkapatid na Beltran na magbangayan. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng pagod ko sa halos mahigit na isang linggo kong panghahunting sa Hongkong. Hassle. Maybe a nap will do, total traffic naman paglayo namin ng airport mamaya kaya aabutin pa kami ng ilang oras.

"Go to hell Beltran, with that loud mouth of yours." anas ko bago pumikit.

"Which is which?" Sabay na sabi nilang dalawa.

"Beltran brothers parehas pogi may malaking eyebags lang iyong isa kaya mas lamang ako."

"Pero malaki ang t*ti. Ikaw Beltran na walang bayag manahimik ka."

"Beltran na tinubuan ng puro bayag, itlog mo namamaga."

"Tit* mo nilulumot!"

Damn both of them. Are they kids? Kung puwede ko lang sanang sipain silang dalawa palabas ng sasakyan bakit hindi. Ilang oras bago namin marating ang hospital. Nagtaka naman si Faust kung bakit sa hospital ako nagpahatid imbes na rekta nalang sana sa bahay. Pero wala siyang nakuhang sagot nang sinubukan niya akong tanungin. May inasikaso akong trabaho and that reason alone is more than enough for him to conclude an answer for himself.

Tinatahak ko na ang hallway papunta sa kuwarto kung saan nakaadmit si De Silva. Bumuntong hininga muna ako, tiyak na kagagalitan na naman ako ni Aunt, ano pa nga ba. I relax before opening the door. It takes a lot of courage though.

Huh? Nagkamali ba ako ng napasukang kuwarto? Sa pagkakatanda ko ito ang kuwarto ni De Silva noong nakaraan. Room 444. I checked the number na nakalapat sa pintuan. It's the same. Nilipat ba siya or-no way she's dead,right?

"Nurse nasaan na iyong dating patient dito?" tanong ko sa nurse na papalabas na at mukang kakatapos lang asikasuhin ang bagong pasyente dito. Kung hindi ako nagkakamali siya din ang nurse incharge kay De Silva.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon