Napako sa pader ang paningin ko habang nakasandal ako sa headboard ng kama. Madaling araw na hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko maiwasang isipin ang mga bagay na pinagusapan namin ni Brandish kanina.I dont wanna lose her but I need to respect her decision.
Saka ko lang naisip kung paanong nakakasigurado si Randi na kaya kong wakasan ang buhay niya,ni hindi ko nga siya mapatay noon. Ano ang pinagkaiba ng noon sa ngayon?
I LOVE HER NOW.
Para akong kinidlatan sa realization na tumama sa utak ko. Naalala ko ang isa niyang tanong sa akin noon.
"Urgh. What a psycho. Do you think you're inlove with me?" I was caught off guard to what she said.
"No." walang atubili kong sagot. Then what would she do If I said yes?"Then that's good." she said then relax herself. Tinurok ko na sa kaniya ang syringe na may lamang euthanasia.
Kasunod ng ala-ala na iyon ay may ilang mga bagay pa na bigla na lamang lumutang sa aking isipan.
"Sa bloodline niyo, ikaw at si Vicente lang ang kaya akong patayin. You ask me why? Cause Im unkillable."
"Soon you'll understand,you're my trump card and I dont wanna lose you."
Naalala ko din ang sulat ni aunt Nancy noon para sa akin noong pumunta ako sa lumang bahay nila sa Centeli Heights, kung saan ko nakuha ang lumang diary na pinagpasa-pasahan ng pamilya hanggang sa mapunta sa kasalukuyang henerasyon.
Diary?
Napabalikwas ako ng bangon noong maalala ko ang Diary ni Lola Elisa Crusinaide. Kinalkal ko ang laman ng mga drawers ko hanggang sa makita ko ang lumang talaarawan. Minsan ko na din itong naumpisahan pero nakalimutan kong tapusin. Bakit ba tuluyan kong nakaligtaan na nageexist pala ang lumang bagay na ito. Masyado na ba akong nakontento sa piling ni Randi?
Umaasa ako na makahanap ako ng kasagutan sa talaarawan na ito. Ngayon alam ko na na hindi lang basta basta namili si Brandish. Mula sa bloodline ni lolo Vicente,ako lang ang maaring magwakas ng buhay ni Randi. Kung ganon ano nag pinagkaiba ng ibang kasapi ng pamilya kay Lolo Vincente? O ano ang pinagkaparehas naming dalawa ni lolo Vicente? Ano ang meron siya na meron ako? Ano ang hindi niya nagawa na posible kong gawin para kay Randi?
Marahan kong binuklat ang lumang diary. Huli kong nabasa ay ang sulat ni Lola Elisa tungkol kay Brandish na noon ay si Malumayi De Silva. Ang sumunod na pahina ay pakiwari ko ay isinulat na ni Lolo Vicente.
Kinabukasan ay ilang beses kong tinawagan si Brandish dahil wala na siya sa bahay pagkagising ko,ramdam ko padin ang di maipaliwanag na sakit ng ulo ko.Buong maghapon ko siyang kinontact pero out of reach ang linya niya,kaya naman nagpasya akong bumyahe palabas ng metro at sadyain ang mansiyon niya sa Bulacan.
Gabi na at ilang mga bukas na lampara at kandila ang nadatnan ko na nagbigay ng liwanag sa buong Mansiyon pero wala doon si Brandish. Napatingin ako sa kabuuan ng lupain. Maliwanag ang kabilugan ng buwan at malakas ang ihip ng hangin sa paligid.
Napapitlag ako nang may pumagaspas sa likuran ko,paglingon ko ay bumungad sa akin ang hubad na kabuuhan ni Zeus. Napatikhim ako. Gigantic.
"Kalachuchi."iyon lamang nag salitang lumabas sa bibig niya ngunit sapat na iyon para halos liparin ko ang lugar na dating pinagdalhan sa akin ni Randi. Kalat sa paligid ang pinaghalong amoy ng mga halaman gawa ng ihip ng hangin.
"I can feel that soon I'll be leaving this place. Do you mind if you handle this?The garden and these." sabi niya habang nakatingala sa mga bulaklak ng kalachuchi.
"You leaving means dying?" it must be, where else does she want to go cravingly?
"Yes, nararamdaman ko na malapit na iyon. Just take good care of me." hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya sa sinabi niya noong una. But how would I? I tried right but she came back again from hell.
"Nawalan na ako ng gana para tapusin ka. How can you feel it when I can't even kill you, and in the mean time, you mentioned that only I have the chance to end your life like it was that easy for me to do so."I said.
She turned her back at me and gaze to whatever she's seeing.
"Soon you'll understand,you're my trump card and I dont wanna lose you."
"Am I that important to you?"
"Yes. Paulit ulit ka naman dyan,ibaon na kaya kita." inirapan niya ako.
Napahinto ako sa pagtakbo nang maramdamn kong tuluyan ng tumulo ang luha mula sa mga mata ko. I can feel the pain peirced and made a hole through my freaking heart. I wiped it out at nagtuloy sa paghakbang. Tanaw ko na ang mga nakahilerang puno ng Kalachuchi at matapang na din ang halimuyak ng mga bulaklak niyon na naamoy ko.
Sa kalayuan ay naaninag ko ang bulto ng isang tao. It is her. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa mga oras na to pero pinili kong maparito dahil gusto ko siyang makita.
"So ano ngayon?! Sinira mo naman ang mga plano ko! Are you happy now?!" sigaw ni Brandish habang nakatingala sa kalangitan. Nagulat ako nang biglang tinamaan ng kidlat ang isang puno na nasa tabi ni Brandish. Nanlaki ang mga mata ko,ganon nalang din ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang kaninang mapayapang kalangitan ngayon ay napuno na ng makakapal na ulap.
Mabilis kong dinaluhan si Randi.Agad kong kinabig ang braso niya at hinapit siya ng yakap. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
"Im sorry. Nandito na ulit ako. Thank you for waiting for me,alam kong pagod ka na,ayaw mo bang magpahinga na muna sa tabi ko?"Hinaplos ko ang ng bahagya ang buhok niya saka ko inamoy ang dulo niyon.
"Napakaganda padin ng buhok mo..."
Naramdaman kong bahagya niya akong tinulak kaya naman pinakawalan ko na siya.
"You're being weird Chrome." umatras siya ng isang hakbang palayo sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hindi ba dapat masaya ka? Nagbalik na ako Malumayi." Nakangiti kong wika sa kanya,I even extended my arm para mapaghandaan ang pagyakap niya pero mas lalo siyang umatras palayo sa akin.
"NO. NO. YOU'RE JOKING." ika niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong reaksiyon sa muka ni Brandish. Namumutla siya na para bang tinakasan siya ng kaluluwa. Bakas ko sa kanya ang takot at pangamba na pinagtaka ko.
Hindi ko man gustuhin pero matapos kong mabasa ang talaarawan na sinulat ni Vicente-ng dating ako,ay bigla na lamang may mga bagay at pagiisip na pumasok sa isipan ko. Parang may bagong enerhiya na nagpupumilit sumiksik sa utak ko at kalaunan ay hindi ko din kinaya at nawalan ako ng malay. Pagkagising ko kaninang umaga ang mga bagay na iyon ay naging parte na ng aking ala-ala. Parang kahapon lang nangyari ang lahat at pakiramdam ko matagal na nagpapatuloy ang daloy ng buhay ko kagaya ng kay Brandish.
Kung ako ang dating Chrome,hindi ko paniniwalaan ang mga bagay na iyon na ngayon ay nakatanim na sa ala-ala ko,dahil magkukusa mismo akong pumunta sa psychologist o magpacheckup sa isang psychiatrist. But now is different,Brandish exist, so how can I be so sure that these memories were not mine? Para akong sinilang sa isang bagong katauhan but I'm still who I am.
Ako si Chrome Crusinaide na nabubuhay sa kasalukuyang panahon at ako din ang lalaking pinakahihintay ni Randi ng sanlibung taon. Ilang beses na akong dumaan sa kalunos lunos na kamatayan pagkatapos kong makatagpo si Brandish alin mang panahon at buhay ang mayroon ako noon. Ngayon naiintindihan ko na ang sinasabi ni Randi na katapusan ang matagal na niyang hinihintay na hindi matagpuang hangganan.
Ilang buhay at ilang pangalan na ang dumaan bilang bago kong katauhan. Pero sa buhay na ito ako naging pinakamasaya dahil sa wakas magkakatuldok na din ang kuwento naming dalawa,ng nagiisang babaeng iniibig ko. Pero bakit parang hindi siya masaya sa muling pagbabalik ko? Bakit parang kinasusuraan niya ang buo kong pagkatao?
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Fiction HistoriqueShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.
![Because This Is My Last Life[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/187738842-64-k924124.jpg)