• KABANATA 21 •

227 12 0
                                    

Walang imik at tahimik na pinakikinggan ko ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni De Silva. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ang lahat ng bagay na iyon.

Kanina lang ay ibinalita ang pagkamatay ni Finral Macata. Marami akong tawag na natanggap dahil doon. Nakalkal ulit ang kaso ng kapatid kong si Neon. Case solved, at sa wakas malalagay na din sa tahimik ang buhay ko.

Nalantad na din sa media ang tungkol sa Organization at hinarap ng Ama ng organisasyon ang Reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong, gayun din ang nakakataas na miyembro nito. Reclusion temporal naman ang isinampa sa iba pa nitong kasapi.

Masyadong maikli ang reclusion temporal sa ilang miyembro na pumatay ng daan daang tao. Pero wala ako sa posisyon para magsalita pa tungkol sa bagay na iyon.

"Paanong hindi ako naaresto. I was a member too." baling ko kay Brandish.

"Ginawan na ng paraan iyon ni Zeus. I told him beforehand to infiltrate the Organization. Kaya kahit anong gawin ng batas wala silang mahahanap tungkol sayo."

Napakunot ang noo ko. So she planned this all along? Hindi na rin naman masama. Ngayon malaya na ako. Mayroon na akong peace of mind at alam kong matutuwa si Aunt kapag binalita kong kasado na ako sa grupo. Of course pati na si Google. It really bothers him dahil narin sa safety ng pamilya niya.

"Bakit mo ginagawa ang mga ganitong bagay? Are you not afraid? Not with humans but with the law that binds you for being who you are now?"

I heard her chuckled.

"Living for how many centuries sa tingin mo may kinatatakutan pa ako?" she asked. Hindi ako nakakibo. I know. Siya pa nga ang naghahabol kay kamatayan.

"No law can bind me. I made myself like this. It is we, that we decide our fate. Atsaka, I couldn't tolerate it any longer."

Napatigil siya sa pagkain ng cake. Nasa sala kaming dalawa ngayon, magkaharap na naguusap habang siya ay inuubos ang chocolate cake na pinadeliver niya kanina.

"Tolerate the what?" taka kong tanong.

"I didn't end them dahil sa deal nating dalawa na give and take. Alam mo ba ang history ng Organization na pinasukan mo?" tinuro niya pa ako ng kutsara.

Umiling lang ako. I dont really care much about the Organization back then dahil kailangan ko lang naman gawin ang trabaho ko at mangalap ng impormasyon tungkol kay Finral Macata. Isa pa, walang sinuman ang nakakaaccess sa data ng Organization maliban sa nakakataas. Minsan ko na ding pinasubukan kay Cygnus na i-hack ang system ng Organization pero wala siyang napala.

"Well I knew something that is out of the book."

Nakangiti niyang sabi at naupo ng swabe na parang sinusubukan na magmayabang pero pumalpak.

"Matagal ko na silang binalaan. That Organization didn't took me seriously though. They even murdered me. So I died,nagising nalang ako sa isang tabing ilog. But i dont hold a grudge against them just for that reason. Masyado iyong mababaw."

Saglit akong natameme sa kanya. Halatang mina mani lang niya ang kanatayan. Iba talaga kapag madami kang buhay. Kapagkuway napakunot ang noo ko sa dami ng pasikot sikot sa sinasabi niya. Atlast, tumingin na siya sa akin na seryoso ang ekspresyon.

"Ayaw kong dungisan pa nila ang samahang nabuo ng mga tinatawag ninyong bayani sa panahon ngayon."

"What? Would you get straight to the point." asar ko sabi.

"Well, kagaya ng historians ninyo, hindi ko din alam lahat ng pangyayari sa history cause I had my own struggles back then. Year 1992 pagbalik ni Rizal mula sa espanya I think, tinatag niya ang La Liga Filipina July at the same year kasama ang ilang bayani like Andres Bonifacio. Of course layunin nito na maging malaya ang bayan from the Spanish rule. Marami silang layunin basahin mo nalang sa libro para magkaroon ka naman ng alam sa kasaysayan hindi iyong puro ka lang walang katuturan." inirapan niya ako.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon