Magtatanghali na ng marating ko ang lumang bahay na ito ni Aunt Nancy sa Centeli Heights. Nagpark lang ako ng sasakyan sa tapat ng bakuran. Mukang pinarestore ni Aunt ang itsura ng bahay dahil kung anong nakita ko sa picture ay ganon padin ang exterior design nito. Muka padin itong heritage house. Hindi man masyadong mayabong ang halaman sa mini garden sa tapat ng bahay ay naroon padin naman ito.Mayroong harang at mini gate na hanggang dibdib ko lamang kaya madaling abutin mula sa labas ang bukasan at agad ka na makapasok. Mabuti nalang ay bukas na iyon kaya tinulak ko nalang saka ako tumuloy na sa kabahayan.
Halatang pinalilinisan pa ito ni tita dahil hindi madumi ang loob ng bahay. Pagpasok mo para kang dinala sa makalumang mundo. Pinarestored din pala ni aunt ang loob at mukang pinapinturahan niya ng vintage ang mga dapat may kulay na. Bumungad sa akin ang malaking flag ng Pilipinas na nakaframed at nakadikit sa pader katapat ng pintuan. May mga makalumang figurines doon na buhay na ata kahit wala pa ako sa itlog ng tatay ko. Mayroon din malaking portrait ng pamilya ang isang bahagi ng wall bago makaakyat sa second floor. Ang iba naman doon ay non colored picture pa na parang kinunan noong bandang kasarinlan na.
Sa kaliwa't kanang hagdanan ay magmemeet naman parehas sa pangalawang palapag ng bahay at mula doon ay kaya ko ng dungawin ang sino mang bisita at tingnan sila ng may mapagmataas na noo mula dito sa taas.
May kaunti kang lalakaran na espasyo bago ang karugtong na pasilyo. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinagilap ko na agad ang silid ni Aunt. Though it became an empty room now hindi naman ako nagkamali na may mga mahahalagang files and whatnot na nakatago sa mga cabinets niya. Napaka kampante naman ata ni Aunt sa mga bagay na ganito. She did not even lock everything in here even her own room door.
Dumako naman ako sa library ng bahay na nasa huling pintuan sa kaliwang pasilyo. Minsan na akong nakapasok sa loob niyon at wala padin itong ipinagbago. Dalawang matataas na bookshelves ang nasa magkabilang gilid na may hagdan na kahoy na nakasandal lang doon. Sa pagkakaalam ko ay dati itong opisina at hanggang ngayon nadito padin ang narra table at kapares nitong executive chair. Sa likod naman nun ang malaki at sina lumang style ng bintana.
"Yo.Chrome." nagulat ako sa pagharap ng executive chair. Bumungad sa akin si De Silva na nakasandal doon, nakaekis ang braso sa dibdib at nakabente kwatro pa ang bruha. Hindi agad ako nakakibo. Siya ang huling taong aasahan ko na makita sa pamamahay na ito at susulpot sa harapan ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Pinaghandaan ko lang ang pagdating mo. Pinagbuksan lang naman kita ng gate at mga pintuan. Why? Kasi sa akin iniwan ni Nancy ang mga susi. She know that you'll be going in this place."kampante niyang sagot at may binuksan siyang isang drawer sa table at ipinatong niya sa table ang isang maliit na envelope.
Kumunot ang noo ko. Alam ni Aunt na pupunta ako dito and I will seek for something someday and she predicted it. She knew that one day something will happened to her and she needs someone to overlook her keepsakes inorder for it to reach me, and that's her, Brandish.
"She doesn't remember your existence. What the hell happened to her De Silva?"
Tanong ko. Nagindian seat naman siya sa kinauupuan niya saka pinaikot ikot ang swivel chair,at para bang nagiisip siya ng mga sasabihin sa akin or kung sasabihin ba niya ang mga bagay na alam niya.Nang tumigil sa pagikot ay saka palang siya nagsalita.
"Remember the bombing?" she asked. I nodded. "She had lost all her memories related to me when I recovered." she said na hindi ko maisaisip kung anong ibig niyang sabihin.
"Linawin mo nga tanda." iritado kong anas sa kanya. Bumuntong hininga naman siya.
"In short, and generally speaking, when I died and recovered myself someone dear to me will lost his or her memories with me. Their memories will became blank or re-written. Depende sa pinsala na natamo ko,maski ang ibang tao na nakakakilala sa akin ay maapektuhan din." she said and I was shocked. Hindi ako nakakibo. Is that kind of thing even possible?
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Исторические романыShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.