Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko at nasundan iyon ng marami pang pagputok ng pagpapalitan nila ng mga bala. Pagdilat ko ng mata ay may nakita akong nakahandusay sa sahig, sa paanan ko naroon ang katawan ni De Silva,duguan at wala ng malay. Hindi lamang si De Silva ang nakita kong nakahandusay ngunit maging ang ilan sa mga tauhan ni Juan Luna IV. Napakuyom ako ng kamao nang makita kong tumatakas na si Luna sa back door ng estbalisimiyento pero sinuyapan ko lang iyon.Mahina parin pala ako. Wala akong pinagbago. Kailangan ko ang isang taong makakapitan ko sa oras na nanganganib ako sa daang tinatahak ko. Ano pa nga ba, no man is an island.
Dinaluhan ko si Brandish na nakahandusay doon. Mukang sinalo niya ang mga bala na para dapat sa akin. Wala ng tali ang mga kamay at paa niya. Kaya pala nananahimik lamang siya doon kanina ay dahil may pinaplano siyang kumawala.
Bago pumasok ang miyembro ng rescue team ay itinakas ko na si De Silva. Sa backdoor kung saan mukang sa kakahuyan nagtungo para makatakas si Juan Luna IV. Pumasok na din ako sa kakahuyan at limang minuto kong hinanap ang daan palabas niyon at bumungad sa akin ang isang kalsada. Nakita ko ang papaalis na helicopter at sigurado akong lulan niyon si Luna. Napamura ako sa sobrang inis dahil sa pagkakataon na ito ay wala man lang akong magawa.
Hindi ko naman pwedeng hayaan na lamang si De Silva dahil malaki ang utang ko sa pagsagip niya ng buhay ko,isa pa maaring mangyari na biglang mabuhay ang bangkay ni Brandish sa Hospital sa oras na damputin siya ng rescue team para dalhin doon. Sa mga vital area siya nabaril at flat na heart rate nito ngayon.
Biglaan ang pagparada ng sasakyan sa mismong harap ko nang makarating kami sa kalsada. Wala akong panahon na magulat nang makita kong si Racer ang nagdrive niyon.
"Sakay na dali." anas pa ni Gunner na naka mask at shades. Hindi ko na kailangan manduan pa dahil iyon naman talaga ang gagawin ko. They both gasp when I put De Silva into the back seat. Umikot pa ako sa kabilang pintuan para sa kabilang side ako maupo at magsilbing unan ang mga binti ko sa walang buhay na si De Silva. Pinaharurot agad ni Racer ang sasakyan napasigaw pa sa excitement si Nofuente.
"Anong ginagawa niyo dito?! And with my car?!" pasigaw kong tanong.
"To rescue you halata ba?" Gunner said as he put his bonnet. Ang mga pulis kanina mukang si Peyton ang nag tip sa kanila ng kinaroroonan namin. Mukang balak niya pa akong idamay sa hulihan. Sa oras na ma exposed sa mga pulis ang pangalan ko ay posibleng may makatunog at magsagawa sila ng imbestigasyon sa akin.
"Magaling ang mga parak na iyon ah. Madami din ang napatumba nila." anas pa ni Alicante habang pacool na minaniobra ang manibela. Saka ko palang naalala si Hammurabi. Tinanong ko ang dalawang bugok kung anong nangyari kay Hammurabi, sabi nila ay kasabay ng palitan kanina sa abandonadong bahay ay siyang pagdating naman ni Google sa bahay nila na may kasamang mga pulis. Napahilamos ako ng palad. Mabuti nalang at walang nangyaring masama kay Hammurabi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko at lalong ililibing ako ng buhay ni Google.
I once loved Hammurabi, pero simula noong pinasok ko ng madilim na mundong ito ay napuno na ako ng galit at poot. Siguro nga ay dahil nagbago ako kaya nawala ang nararamdaman niya noon para sa akin. Akala ko walang mali, kahit na malanding ugnayan lang iyon mayroon naman kaming mutual feelings para sa isa't isa. Labis kong inakala na kapag umalis ako at bumalik ulit ay may isang tao pa akong babalikan pero wala na pala. Akala ko din na normal lang ang ganoong trato ko sa kanya pero isang malaking pagkukulang pala iyon at napakalaking pagkakamali. I was thankful na hindi kami nagkatuluyan ni Hammurabi dahil mahihirapan lang siya sa buhay na mayroon ako. For that, I was thankful to Google, hindi man ako ay nakilala naman niya ang isang Crusinaide na nararapat para sa kanya.
"Imbes na alalahanin mo si Hammurabi man, bakit hindi ka man lang nagaalala sa babaeng iyan. She's dying man." pukaw ni Alicante sa malalim kong pagiisip.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Historical FictionShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.