Señora Malumayi De Silva,
Hindi man naging maganda ang ating naging simula, ako'y labis na nagpapasalamat sapagkat ika'y dumating sa buhay ng aming pamilya. Kung hindi marahil kay Vicente ay hindi ko matatagpuan ang isang kaibigan sa iyong katauhan. Hindi ko lubos inasahan ang mabuting pagtrato mo sa akin at sa aking pamilya. Sa iyo narin lamang nanggaling, hindi ninyo kami kailangan itrato ng tama upang pagbayaran ang naging bunga ng inyong pagmamahalan. Iyo sanang tandaan na wala kang sinirang pagsasama bagaman ay mas nabuo pa ito sa iyong pagdating, bilang bagong miyembro.
Malumayi, kay ganda ng iyong ngalan gaya ng iyong kagandahan na kay sarap pagmasdan.Sa maikling panahon na tayo'y magkakilala ay akin ng natukoy ang mga katangiang minahal sa iyo ni Vicente. Isa kang binibining kaibig-ibig.
Paumanhin kung kami ay lilisan, bagaman ika'y mahalaga sa amin iyon din ang siyang dahilan ng aming paglayo sa iyo. Nagawang Ipagtapat sa akin ni Vicente ang lahat tungkol sa iyong pagkatao, isang linggo bago ang kanyang pagkawala. Mga alaala na hinabi at pinagtagni-tagni. Mga kahapong kanyang itinanim at sayo'y kasalukuyan padin.
Simula pa lamang ay hindi na ako nagkaroon ng karapatang hadlangan ang inyong pagiibigan, sapagkat ikaw ang nauna, hindi man sa buhay na ito ngunit ikaw ang tanging dahilan ng kanyang pagbabalik. Sa muling pagtatagpo ninyong dalawa, lubos kong hinihiling nawa'y inyong makamit ang dulo kung saan naroon ang inyong tunay na kaligayahan at kapayapaan. Nawa'y sa huli ninyong pagtatagpo upang tuldukan ang huling talata ng inyong kuwento ay naroon muli ako upang tunghayan kayo. Ilang buhay man ang mayroon ako at ilang buhay man ang ipagkaloob sa akin, paulit ulit kong hihilingin na sa buhay na iyon sana'y matagpuan ulit kita, Señora Malumayi.
Ipagdarasal ko ang iyong kaligayahan, huwag sanang mawalan ng pagasa na makita at makamit ang bagay na iyong hinahangad. Hindi ka man nagtagumpay ngayon, alam kong darating ang panahon ika'y magwawagi sa nasimulang laban ng buhay at kapalaran.
Ang inyong kaibigan,
Elisa Crusinaide
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Historical FictionShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.
![Because This Is My Last Life[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/187738842-64-k924124.jpg)