•KABANATA 6•

460 24 0
                                    


BRANDISH'S

"Kamusta ka na Lakay?"

"Ay hello! Brandish!!" nailayo ko ang selpon sa taenga ko. Punyeta ng babaeng ito ang lakas ng boses!

"Wag ka ngang sumigaw!" anas ko.

"Hala siya ikaw nga itong sinisigawan ako." napasinghot nalang ako ng ilong. Natural pala na malakas ang bunganga ng isang ito.

"Brandish, kamusta pala si mam Nancy? Guwapo ba iyong pamangkin na kinikwento niya? Kyahhh! Ipakilala mo naman ako oh!--hala si ate brandi emperador ba yan?pakausap naman ako--si ate Brandish?!--Hala ate Brandish!!"napailing nalang ako.

Mukang pinagaagawan na naman nila iyong cellphone ni Lakay. Hindi ako nagsalita at ilang saglit bago sila matapos magtalo ay mukang nagkasundo naman na sila kung sinong mauuna.

"Hello ate Brandi emperador! Si Maria ho ito. Kailan ang balik po ninyo dito?"

"Moshimoshi ate Brandish?! Nandyan si Licht lugar ninyo diba? Kung sakaling makita mo siya hingan mo naman ako ng fansign at autograph oh! Thanks!" napakalaki ng Metro para mahagilap ang isang artista Moshi.

"Ate Brandish! Kapit bahay ninyo ito! Wala lang share ko lang!" si Tikay panigurado ito.

"Ate Brandish! Tangina! Hindi kami tinatantanan manliligaw mong si Kite! Sinusuhulan pa kami ng kung ano ano para lang masabi sa kanya ang lugar mo dyan.Akala niya siguro mauuto niya ako sa bagong model ng Iphone! Kahit gaano pa siya kagalante hindi kita ilalaglag! Pero ang ganda ng profile ko sa facebook, check mo na din insta ko ang gaganda ng shots alagang Iphone." napakamot nalang ako ng ulo sa inis sa sinabi ni Gela. Lintek na Kite iyon dinamay pa ang mga bata. Yih! Nakakatakot. Pinutol ko na ang tawag. Mukang ayos naman ang lagay nila doon. Hmm? Nakatanggap ako ng text galing kay Lakay.

"Hindi ko pala napigilan si Zeus,isang araw na siyang hindi umuuwi. Sigurado ka bang hindi iyon mawawala?"

Matik na mabitawan ko ang selpon ko,nalaglag iyon sa kutson. Bumuntong hininga nalang ako. Alasais palang pala ng umaga. Piyesta ngayon sa probinsya kaya siguro maaga nagising ang mga bata para maghanda. Saglit na panahon ko lang silang nakasama dahil napadayo lang naman ako sa lugar nila pero malugod nila akong tinanggap,lalo na si Lakay na mukang nagiisa kong kasing edad na kaibigan sa lugar nila. Napabuntong hininga ako,hindi magtatagal ay malilimutan din nila na minsan din akong nagexist sa buhay nila.

 Lumabas muna ako ng kuwarto balak ko sanang mag jogging kaso tamad ako eh. Hinawakan ko ang naipong kolesterol sa tiyan ko. Napasimangot ako. Nakakainis naman eh! Wala na ngang maganda sa akin dumagdag pa itong taba na hindi naman kailangan. Napatigil ako nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao. Nakita kong nakatayo sa harap ng pintuan ng kuwarto niya si Chrome. Napaismid ako. Lumuwas lang ako mula sa lugar na iyon dahil nandito ang kailangan ko.

Napakaaga muka niya agad bubungad sa akin. Sinong matutuwa. Napansin kong dumako ang tingin niya sa paa ko. Mas lalong sumama ang timpla ko dahil naalala ko kung paano niya ako itrato noong nakaraan. Speaking of paa, maliban sa mukang paa yang si Chrome, maayos na ang paa ko. Kahit baliin mo pa iyan gagaling padin iyan. Di naman poreber na mananatiling bale ang buto, magreregenerate din yan o baka sa akin lang nangyayari iyon.

Walang isang salita ang lumabas sa bibig niya at dinaanan niya lang ako at nagtuloy sa hagdanan. Namalayan ko nalang na nakalabas na siya ng bahay. Magjajogging ata ang kulugong iyon. Nakakainis. Naaalala ko palang ang muka niyang mahirap basahin nababadtrip na ako.

Nagpunta ako sa kusina at nangalkal sa ref. Nakita ko ang ice cream. Nyahaha! Ako lang ang taong kakain ng ice cream sa umagahan.
Kahapon ko pa ito tinatarget, mukang hindi naman ito tinira ni Chitose kagabi. Excited na kumuha ako ng kutsara saka tissue saka nagpunta sa sala at sumampa sa sofa. Ngiting tagumpay akong binuksan ang ice cream. Nadadama ko na ang hiwaga--it's a prank! Pota. Pagbukas ko bumungad sa akin ng chicken curry. Jusko.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon