"Huy! Alagad gumising ka na nga dyan! Huy! Crusinaide!"
Naramdaman kong sinipasipa niya pa ang tagiliran ko. Nagpupungas na bumangon ako. I glared at her.Doesn't she know how to respect a sleeping person. Nilibot ko ang paningin sa maliit na espasyong kinaroroonan namin ngayon. Ito pala ang bakanteng kubo ni Mang Froilan na walang umuokupa.
Naalala ko na matapos naming kumain ng pananghaliang adobong kangkong at nilagang okra sa bagoong bilang ulam ay saka ko pa lamang naramdaman ang pagkapagod sa mahabang lakaran na ginawa namin ni De Silva. Kung tutuusin pabuhat lang ang babaeng ito.Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Ano pang tinutunganga mo riyan. Let's go."
Tumaas ang pareho kong kilay sa kanya at pinanlakihan ko siya ng mata. Napakabossy niya ata ngayon. No, she's been bossy ever since.
"Where are you planning on taking me this time?" irita kong tanong sa kanya. Imbes na sagutin ay lumabas siyang walang imik kaya naiwan akong magisa sa loob ng kubo.
Nagunat unat ako. Ang sakit matulog sa sahig na gawa sa kawayan pero presko naman sa pakiramdam dahil nakaangat sa lupa ang sahig ng barong barong.Nakalimutan ko na wala pala akong suot na pang itaas, kaya sinuot ko muna ang shirt na sinampay ko sa bukas na bintana, saka ako lumabas. Nadatnan kong nakatayo lang at nakatalikod sa gawi ko si De Silva. Lumapit ako para malaman kung ano ang tinitingnan ng mga mata sa minutong iyon. Kung puwede lang ay nais kong malaman ang iniisip niya na sumasalamin sa malungkot niyang mga mata.
"Hey old brat. Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo."
"Shut up,I have a name and it's BRANDISH you piece of shit."
Inapakan niya pa ang hinliliit sa paa ko kaya nagulat ako sa sakit na dulot niyon. Nakastenelas lang kasi ako. Pinukol ko siya ng masamang tingin pero hindi siya niyon tinablahan.
Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad sa likuran niya. Sa liit niya nakikita ko na ang maputi niyang anit. How old is she when she stop growing? She's just like a bean's sprout. Nakaladlad ang mahaba niyang itim na buhok that seems odd dahil parang may bahid ng ibang kulay doon. Para siyang chibi.
Sa ilang minuto ay narating namin napakalawak na lupain ng iba't ibang uri ng halaman,in short it's a wide and huge garden at isang ektarya siguro ang sakop nito. Naamoy ko ang halo halong mabangong amoy dahil sinabayan ng malakas na simoy ng hangin ang aming pagdating doon just like it's welcoming us there. I don't know why but it feels so nostalgic.
I saw De Silva in the midst of those sunflowers. I can't believe that she grew those ones. Halos mas matangkad pa ang mga ito sa kanya. Nagmuka siyang nuno sa punso. Napangiti ako ng palihim dahil baka balian ako ng leeg ng babaeng iyon kapag nabasa niya ang nasa isip ko.
"I can tell what you're thinking right now you idiot!"
"I thought I completely concealed it."
"Bastard." she commented.
Tumalikod ako sa gawi niya dahil hindi ko mapigilang matawa sa galit niyang hitsura. Nagkunwari nalang akong tiningnan ang mga bonsai dito sa gawi ko. Naaalala ko si De Silva sa mga bonsai na ito, kung paano siya lalong lumiliit sa paningin ko at idagdag pa ang namumula niyang pisngi at tuktok ng ilong.
"Sinong nagaalaga ng mga ito? Is this a kind of hobby or business?" kapagkuway tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa paligid ng mga rosas na mayroong iba't ibang kulay sa designated area.
"Both. Dahil dito may nabibigyan ako ng trabaho. Marami ang mga tauhan ko na nagsasaka dito sa hacienda muka lang wala dahil day off nila ngayon. Day off nila kapag dumarating ako. I hate to communicate with my people, besides I don't want to complicate things. Mas maigi ng iilang tao lang ang nakakakilala sa akin. You know, baka lahat na sila patanda na ako mukang bata parin. Baka mahabol na naman ako ng mga tao at pagkamalang mangkukulam. Naiintindihan mo naman diba?" sabi niya sabay inamoy ang bulaklak na hugis bell na kulay puti.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Ficção HistóricaShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.