Masakit ang katawan ko pagkagising. Kakabalik lang namin ni De Silva dito sa bahay at as usual parang walang nangyari kaguluhan noong nakaraang linggo.
Nakatulugan ko pala kagabi ang lumang diary na binigay ni tita Nancy sa akin. Hindi ko na nabasa ang sumunod na mga pahina kung saan iba na ang naging sulat kamay. Mabuti nalang at hindi ko iyon nasira habang tulog dahil kaunting tibag ay wasak na ang pinagtagni tagni pahina niyon.
Nadatnan kong nanonood ng tv sa salas si De Silva. Prente ang pagkakasandal niya sa sofa at yakap ang isang unan habang nasa tabi naman niya ang isang tupper ng ice cream. Napailing nalang ako sa klase ng almusal niya.
"Oh gising ka na pala? Anong oras na?" pumintig ng malakas ang puso ko nang makita siya. What is that face? Humarap sa akin ang muka ng isang taong walang tulog. Napakalaki ng nagiitimang eyebags at namumula ang mga mata. Para siyang babaeng lumabas mula sa balon, nakatabon pa sa muka niya ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok.
"Alas otso pasado na. Seriously? Hindi ba kailangan din matulog ng mga imortal?"
Maaga akong humilata sa kuwarto kagabi nang magpaalam siya na manonood lang dahil walang tv sa kuwarto niya. Hinayaan ko lang naman siya sa gusto niyang mag movie marathon. Hindi ko naman inakalang ganyan pala siya kalupit."Kakatapos lang ng pinapanood kong k-drama. Ang sakit ng ending bakit naman ganon. Pakiramdam ko mamatay na ako eh." nagpeke pa siya ng hikbi. Unbelievable, this woman is a monster.
"Mamatay ka na walang may paki."
Hinayaan ko nalang ulit siya doon at nagpunta sa kusina."Ang harsh mo! Oppa!Yah! Saranghae... Yie!" napahilamos ako ng palad sa muka. Isang malaking kulang kulang ang babaeng ito. Pagkatapos kong magluto ng sinangag ay naghain ako para sa aming dalawa. Sa salas nadin ako kumain at nakisalampak ako sa sofa.
"Ano yan, bakit may ketchup yang itlog ko. Saka bakit hindi yan nakascrumbled? Bakit may bawang yang fried rice?" pagtatuntrums niya. Inilayo ko ang plato sa kanya na nakalagay sa ibabaw ng center table.
"Dont eat then. Hindi bagay sayo ang nagiinarte."
"Char lang huy, amin na yan kumakain pa nga ako ng palaka at daga noong unang panahon." binawi niya ang plato.
"Seriously bakit hindi ka pa namatay?"
"Gustong gusto mo na akong mamatay ano? Baka umiyak ka pag nawala ako. Kayo talagang bagong henerasyon ang dami niyong kuda sa buhay baka paluhain niyo lahat ng bayaning nagbuwis ng buhay nila para sa kalayaan ng Pilipinas kapag nalaman nilang ganto ang naging resulta ng pagsasakripisyo nila." sinipa niya pa niya ang paa ko at pinandilatan ako. I just shrugged. What is she my freaking grandmother?
"Ibig kong sabihin, malay mo kung may lason pala ung nakain mong palaka na hindi maganda sa katawan ng tao."
"Ah! Basta ang mahalaga busog ako. I dunno which is which,beside I couldn't die anyway." sabi niya at nagtuloy sa pagkain.
Tahimik lang kami habang kumakain at nakamata sa flat screen. Travel vlog ang nakaplay doon na nakakuha naman ng atensyon niya.
"Alipin, tubig nga pasuyo." pormal niyang saad. Bumuntong hininga nalang ako dahil naistorbo ang pagkain ko. Kumuha ako ng tubig at inabot sa kanya. Punong puno ang baso kaya may kaunting natapon sa kanya. Pinukol niya ako ng matalim na tingin. Nginisihan ko lang siya then back to where I started.
"Ooh! Ano yun?!" turo niya sa flat screen.
"Carousel?"
"Hindi, ayan oh ayan wala na, iyong parang uod."
"Roller coaster."
"Eh iyong parang malaking umiikot na gulong."
"Ferris wheel."
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Historische RomaneShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.