WAKAS

1.6K 45 8
                                        

'You're my once upon a time,but not my happy ending...'

"Sir Chrome,ito na pala yung mga papel galing sa kabilang department." Nagangat siya ng tingin kay Amy. Pinalapag nalang niya sa mesa ang makapal na mga papel na dala nito.

"Thanks Am."

"Anything sir." Kinindatan siya nito kaya nawasak ang kanina'y tipid niyang ngiti para dito.

This job is giving him a headache. Pero ito lang din ang naisip niyang stable job,isa pa,siya na ang nagiging kanang kamay ng nakatatanda niyang kapatid na si Google. Matagal na din siyang binubulyawan ng tiyahin tungkol sa bagay na iyon.

He had done an outrageous work in the past. Luckily he came out clean nang mahuli na ang mga taga Organization. He congratulate himself for that.

Napailing nalang siya dahil tuwing aalalahanin niya kung paano siya nakalaya sa Organization ay hindi maaccess ng utak niya ang mga information tungkol doon. Pero alam niyang pinaghirapan niya ang lahat.

"Come home early. Dinner with the whole fam." He just read Aunt Nancy's latest text message. Alam niyang naisend din iyon ng kanyang tita kay Google. Napabuntong hininga nalang siya.

When he came home ay nadatnan niya sina Hammurabi na kabuwanan na ngayon at kanyang Aunt Nancy na nagki-kuwentuhan habang nagaasikaso sa mga ihahaing pagkain.

"Did google came home?"tanong nalang niya nang makita siya ng mga itong nakasilip sa kusina.

"He will be later, aren't you excited for the dinner? 6 palang." Nangiting puna ng kanyang tiya. Hindi na niya sinagot iyon nagtuloy na sa taas.

"Come down after you're done cleaning yourself!" Rinig pa niyang pahabol ni Nancy.

Pagpasok niya sa kuwarto ay nakaramdam siya ng ginhawa. Niluwagan niya ang necktie saka ibinagsak ang sarili sa kama. How can he leave this house when everything here made him feel so relax.

Balak na sana ni Chrome na bumukod pero inaalala niya ang kanyang tiya. She will be lonely when her two nephews are no longer with her.

Ilang minuto bago magdesisyon si Chrome na magshower. Hinubad niya ang lahat ng suot at humarap sa salamin. Naroon padin ang mga pilat ng sugat mula sa car accident na kinasangkutan buwan na ang nakalilipas. Ayon sa report ng pulisya ay sadya daw ang pangyayari, nakakulong na ngayon ang lalaking nagdrive ng truck na umararo kay Chrome sa intersection.

Naisip niyang maswerte pa siya na mabuhay pagkatapos ng lahat ng ginawa niya noon. He killed many people yet he's here so alive and been gifted by a happy family. Kung titingnan niya ay napaka unfair nga niyon pero nagpasalamat nalang siya sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya. Pero kahit anong pilit niya ay hindi niya magawang maging masaya. Parang may malaking kulang sa pagkatao niya.

Habang pinupunasan niya ng tuyong tuwalya ang buhok ay napadako ang tingin niya sa lumang notebook na nakapatong sa bedside table. Pansin niyang ilang araw na iyon naroon.

Pinatong niya sa leeg ang towel saka naupo siya sa gilid ng kama at kinuha ang pinagtagni-tagning lumang kuwaderno. Nabubulok na ang gilid niyon at kaunting buklat ay nalalagas kaya napakaingat niyang binuksan ang cover na wala ni isang letra ang nakalimbag. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng disappointment nang makitang walang laman ang bawat pahina niyon.

Sandali pa ay may kumatok sa pintuan niya. It's his aunt.

"Are you done Chromy? Tulungan mo kaming ihanda ang hapagkainan." She said with all smile habang nakasilip lang sa maliit na siwang ng pintuan. Napailing nalang si Chrome sa isip isip niya,walang pinagbago ang tiyahin sadyang napakacheerful padin nito,her mind never aged.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon