•KABANATA 10•

292 23 0
                                    

"Your master." she seriously said without even blinking. Pagak akong natawa sa biro niya. It sounds cringe man.

"It's not your time to make that stupid joke De Silva." kinalabit ko na ang gatilyo ng baril. Imbes na matinag ay lumapit siya sa akin at tinapat ang noo niya sa bunganga ng baril ko.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Shoot me then kung tingin mo kalaban ako, but that wont work against me. Im telling you." Saad niya na parang binabantaan pa ako. I calm myself though Im still confuse. Binaba ko na ang baril ko at tinapon iyon sa tabing upuan.

"Wala ka bang sakit sa utak De Silva?"

"Ay gong gong na bata ito oh."

"Don't kid me idiot, mas matanda ako sayo." asar na sabi ko saka pinaandar ulit ang sasakyan.

"Alis diyan ako magmamaneho." tumaas ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.

"Huy babae hindi mo abot ang break at accelerator wala akong balak na mamatay sa disgrasya."

"Leche ka ah! long legged ako para sa size ko ipaslak mo yan sa kokote mo. Alis!" napilitan akong maupo sa passenger's seat dahil pinagtulakan niya ako,tinabi ko muna iyong baril. Naupo naman siya sa driver's seat.

"Marunong ka ba talagang mag drive?" parang kinakabahan ako ng bahagya sa kanya. I doubt na mabubuhay pa kami pagkatapos nito.

"Who do you take me for?"

"A bratty girl."

"Go to hell then." she said then pinaharurot na ang sasakyan. Napakapit ako ng mahigpit sa kung ano mang posibleng makakapitan. This damn girl, is this gonna work?

I doubt her pero may parte ng utak ko na gustong hayaan ang sarili ko na magtiwala lang sa kanya. Hindi na ako umimik sa buong byahe namin. Wala din namang sense na magtanong pa dahil wala namang kuwenta ang isasagot niya. Pumikit lang ako saglit ngunit hindi ko namalayan na oras na pala ang lumipas nang dumilat ako. Nakaparada na ang sasakyan sa hindi ko alam kung saang lugar. Madilim at tahimik ang paligid at wala akong natanaw na ilaw maliban sa ilaw ng sasakyan namin. Is she kidnapping me? Seriously.

"Huy De Silva." pabulong lang ang pagtawag ko sa kanya. Yakap niya ang manibela at nakapatong doon ang ulo niya habang natutulog. Seryoso ba siyang ayos lang talaga siya? Natuyo na ang dugo na dumaloy mula sa ulo niya. Bigla akong naasar dahil sa mga pasa at paso sa kanyang muka.

Napansin ko na naging crop top na ang shirt na suot niya, pinunit niya ata at nagmukang ripped jeans ang pantalon niya.

"Kung iniisip mo na pinagsamantalahan ako, nagkakamali ka." bigla siyang dumilat kaya napaatras ako ng bahagya.

"You need to treat yourself. You hurt somewhere?" I asked. Natawa naman siya sa akin na siyang pinagtaka ko.

"Don't concern yourself. I'm more than just fine." saad niya. Nagunat siya saka lumabas ng sasakyan. Natameme naman ako dahil sa kilos niyang hindi normal. Kung ibang babae ang nakaranas ng naranasan niya baka natrauma na sila but her, parang wala lang sa kanya.

Paglabas ko ng sasakyan bumungad sa akin ang malaking lumang Mansiyon. Maliwanag ang buwan and other than that is an infinite darkness na para bang ang mansion lang ang binibigyan nito ng liwanag. Hmmm. Maulap pero mukang hindi naman uulan sa ngayon. Anong ginagawa namin sa labas ng Metro? Dito ba niya ako balak patayin? Napabuntong hininga nalang ako.

"Welcome to Hacienda De Silva and De Silva Mansion. Sumunod ka lang sa akin."

"Kaninong mansion to?"

"Sa akin. Obviously. " sagot niya. Hindi ko inasahan na pagmamay-ari niya ang malaking mansion na ito na mukang nagiisang nakatayo lang dito sa hacienda.

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon