•KABANATA 12•

278 21 0
                                    


"What?!" bulalas ko. Sino ang taong basta basta nalang itatapon ang buhay nila kay kamatayan.

"Sa bloodline niyo, ikaw at si Vicente lang ang kaya akong patayin. You ask me why? Cause Im unkillable." napatanga ako sa kanya. Mahirap pa din ang maniwala sa mga lumalabas na salita galing sa bibig niya.

"Yeah sure, gusto mo ng mamatay ngayon? I'll gladly serve you." i smirk. Umiling iling naman si De Silva na parang sinasabing kapag ginawa ko iyon parehas lang kami madidisappoint.

"Not in your current condition." lumapit siya sa akin  then undo these ties. Tumayo ako at nagunat ng katawan. Nagbaba ako ng tingin sa kanya. She barely reach my shoulder, hanggang dibdib ko lang siya or lower. How can she be so tiny and petite with her age?

Kapagkuwan ay binato niya sa akin ang isang baril. Teka. This is my gun. Bakit niya ibinibigay sa akin ito?

"Shoot me."

"Huh? Are you still sane?" bulalas ko. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay.

"What if sabihin ko sayo na miyembro ako ng Organization and I'm here to kill you dahil wala ka ng silbi sa kanila?"

"Then I'll kill you. Pero ibig sabihin nun lahat ng kuwento at sinabi mo ay pawang kasinungalingan lamang." pinukol ko siya ng masamang tingin,hindi naman nabura sa kanya ang mapaglarong ekspresyong pinapakita niya ngayon.

"Ano ang paniniwalaan mo. Why not confirm it yourself. Eitherway, killing me is all that it takes."

Tama ang sinabi niya. Madali lang naman na gawin iyon at kalabitin ang gatilyo pero sa tuwing nakikita ko ang muka niya naalala ko ang lahat lahat sa kanya. The way she smiled na parang nagliliwanag ang paligid niya. Ang mga mata niyang sa malayo nakatingin na puno at bahid ng kalungkutan. Her weird attitudes towards me and things around her. Those nostalgic feelings when she's around na hindi ko kayang ma explain. Lalong umuusbong ang pagdadalawang isip ko na kalabitin ang baril.

Madali lang iyon para sa iyo Chrome kaya bakit?

Parang bumalik ako sa katinuan ng hawakan ni De Silva ang kamay ko at ginabayan iyon para itutok sa dibdib niya ang baril na hawak ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at ganon din siya sa akin. Nakikita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya na parang sinasabing magtiwala lang sa kanya. But how should I? Gusto kong umatras at lumayo sa kanya dahil nagaalangan ako. Magpapakamatay ba talaga siya? Hindi ako nakatutol ng pumutok na ang baril at nakita kong nakahandusay na siya sa sahig at unti unti ng nagkalat ang dugo niya doon. She aim at her own heart. Napatanga ako. Parang pinagpawisan ako ng malamig.

"My, my. Your deadly serious aren't you?" napabuntong hininga nalang ako. Suicidal pala ang babaeng ito, siguro ay kinakain na siya ng depresyon. Itinabi ko ang baril sa upuan bago maghagilap ng tela sa loob ng kabahayan. Hay naku hassle talaga magligpit ng bangkay. Hindi ko naman maaaring papuntahin dito si Solano baka anong isipin ni Peyton na ginagawa ko sa kapatid niya. Hassle. Naghanap na din ako ng pala na naswertehan kong makita sa likod ng bakuran. Mahangin ngayon at maulap. Naririnig ko ang huni ng mga ibon. Magandang araw para sa paglilibing ng bangkay na hindi ko naman madalas nagagawa.

Tinanaw ko ang paligid. Saan siya magandang ilibing? I'll think about that later kailangan ko muna sigurong dalhin nito ang bangkay ni De Silva. Ang babaeng iyon ganoon na ba kanais niyang magpaalam sa mundo? Nakakatawa dahil mukang depressed nga siguro siya at hanggang sa pagkamatay niya naghahanap padin siya ng karamay at ako nag napili niyang pestehen.

Bumalik ako sa loob ng mansion para kunin ang wala ng buhay na katawan ni De Silva na hanggang ngayon ay nakahandusay padin doon. Wala akong panahon para titigan siya kaya tinabunan ko na siya ng kobre kama dahil wala naman akong ibang makitang tela. Binuhat ko na siya papunta sa likod ng bakuran saka nagumpisa na akong maghukay. Sa lawak ng hacienda na ito wala man lang isang tauhan ang lumalapit dito sa mansion o sadyang walang tauhan at tuluyan ng napabayaan ang lugar na ito. Kung ganon ay bakit?

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon