Makalipas ng ilang linggo, sa wakas nagbalak pa na bumalik dito ang bagong mag asawa. Akala ko susuyurin nila ang buong mundo pagkatapos nilang isa isahin bawat isla sa Pilipinas eh. Ewan ko lang kung ilang bata ang mabuo. Napaismid nalang ako.Kakagising ko lang at may narinig akong nagdoorbell kaya kahit pupungas pungas pa ako ay binuksan ko ang pintuan namin. Napakunot ang noo ko dahil nakita ko si Google sa labas ng gate. My mood suddenly shifted. Matik na tumaas ang kilay ko sa nakakasura niyang muka.
He just gave me a goddamn smirk for his penis' sake. Hindi na siya marunong magbukas ng gate ng dati niyang bahay? The heck. Wala ba siyang access sa lecheng gate na yan.He waved at me. Mabigat ang katawan ko na naglakad sa papunta sa gate at pabagsak na binuksan iyon.
"Para saan pa at may kamay ka." anas ko.
"Para kawayan ang mga taong ngayon ko lang ulit nakita. Miss you bro!"
Hindi ko na siya pinansin at bumalik na sa loob ng bahay. Dumirekta ako sa kusina saka uminom ng tubig.
"OMGiihhh!" tili ni tita, nabuga ko iyong natirang tubig sa bunganga ko at naubo-ubo pa ako.
"Hi Tita of all times! Miss me?!I super miss you!"
"Me too my gwapitong pamangkin!"Akala ko kung ano ng nangyari kay tita Nancy nakakita lang pala ng tukmol.
Napasilip ako sa sala. Nakita ko silang nagtatalon na usually ginagawa lang ng magbestfriend na babae na nagkita naman kanina pero parang hindi nagkita ng labinlimang taon pag nagkita ulit. Napairap nalang ako.
Sabay kaming kumain ng umagahan na tatlo. Hindi kasi pumayag si Tita Nancy na umalis si Google hangga't di kami magkakasabay sa hapag. Kukunin lang naman daw niya iyong natira niyang gamit sa kuwarto niya dahil bumukod na sila ng bahay ng asawa niya. Lungkot na lungkot naman si tita dahil malalayo na sa kanya ang mabait niyang pamangkin. Nalulungkot din siya dahil magisa nalang daw siyang kakain. Kadalasan kasi si Google ang kasabay niya palagi dahil madalas akong wala sa bahay. Tinatamad naman siyang magbakasyon magisa, kaya kanina napagusapan nila na magrenta mg pekeng kaibigan para isama sa travel. Aunt is not getting any younger kaya dapat niyang sulitin ang oras niya. Tatakbo naman ang kumpanya niya kahit wala siya dahil pinagmerge na ang company ng mga magulang namin at company niya and therefore she has the almighty Google to run the whole company. Mabaog sana sa stress ang mokong. Me? I don't want to run a company. I want a simple life just like most people in this country. Hindi ko pinaghirapan ang kompanya, napamana lang yan. I want something na nakuha ko gamit ang dugo, pawis at sarili kong laman.
I look at myself in the body-size mirror while fixing my tie. Huling araw na to ng pagtitiis ko sa pagpasok sa office. Magbabalik trabaho na si Google sa makalawa after fixing their home, though ayos naman na iyon.
I spread my long and slender arms para makita ko kung bitin ba ang suit. I also check my black pants to make sure they suited with my slender legs. Hindi mamuscle ang katawan ko cause I don't do that gym thing. Tumatakbo lang ako sa treadmill or do joggings as a routine. Pang korean o chinese nga daw ang build katawan ko,pinagkikibit balikat ko nalang iyon. Pag sa ibang bansa ma appeal pag dito sa atin payatot ang tawag dun o kaya naman tingting not that umabot na sa ganon ang katawan ko.
Nagbike lang ako papasok ng opisina. Trip kong asarin ngayon iyong secretary ni Google,nakabulyaw iyon kapag late ako eh parang bull na mansusungag. Feeling ko siya na iyong boss minsan. Chill lang ang pagpapatakbo ko sa bisekleta at sinigurado kong hindi ako pinagpawisan. Pagdating ko sa lobby pinarada ko nalang sa tabi yong bike ko saka prenteng sumakay ng elevator.
Kumunot ang noo ko dahil sa dalawang babae sa tabi ko. Nagtatawanan sila, nagbubulungan na may kasamang hampasan. Napansin ata nilang sumulyap ako sa dako nila kaya nanahimik na nagkurutan nalang. Sometimes ladies are weird. Napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
Because This Is My Last Life[COMPLETED]
Fiksi SejarahShe's living like forever, infinitely watching him die. This time, will finally be their last Hi and Goodbye.