•KABANATA 4•

752 30 0
                                    


Tulala akong sumimsim ng kape. Pilit kong inaalala ang panaginip ko kagabi pero sadyang napakalabo ng mga imahe niyon. Napakamot ako ng ulo. Ayaw ko pa sanang magising kanina, I even tried to sleep again para lang ituloy ang panaginip na iyon pero wala akong napala. Minsan kailangan mo ding sumuko lalo na kapag nakaramdam ka na ng pagka ihi.

Pagbaba ko kanina dito sa kusina may nakahain ng pagkain. Nagtataka ako kung saan nagpunta si Tita Nancy. Kapag ganitong araw wala siyang zumba session eh.

"Chrome my dearrrr?!" maharot na sigaw ni aunt mula sa sala. Napailing nalang ako. I took a last sip of my coffee before rushing into the sala. Pero natigil ako sa paghakbang ng makita kong may kasamang bata este babae si tita. Napakunot ang noo ko habang pilit inaalala ang muka ng babae na sinunusuyod naman ng tingin ang paligid ng bahay namin.

"Aba'y manong ah, umaarangkada ka agad ah, yieee para paraan ka, wala ka jowa nu?"

"Dahil maganda ang mata mo manong kapag nakangiti ibibigay ko ang pangalan ko, tutal di naman tayo magkikita pero sa isang kundisyon!"

"Brandish manong ang pangalan ko ah, o kaya naman ay Randi. Baka hindi ka makatulog eh."

That hair, those eyes. Hindi ako magaling magtanda ng muka ng tao pero hindi ako pwedeng magkamali. All this time I've been meeting the same person again and again but I'm too stupid to notice it.

" Iho! Nandyan ka na pala! May ipapakilala ako sayo." hinatak ako ni tita papunta doon sa babaeng kakaupo lang sa sofa. Kunot padin ang noo ko na para bang naging constipated ang muka ko. Samantalang nakangiti lang iyong babae sa akin na para bang hindi na siya nagulat na nagkita ulit kami o sadyang hindi niya ako nakikilala.

"Chrome dear, meet Brandish De Silva!Siya ang bagong makakasama natin dito sa bahay. Beautiful isn't she?" sabi ni tita. Hindi naman agad ako nakakibo. Is it necessary to say those? Kailangan pang kurutin ni tita ang tagiliran ko para may lumabas na salita sa bibig ko.

I was amazed and dumbfounded. Did aunt bring a stranger to our house? Never did she bring a friend here yet she brought a total stranger.

"Bakit ka nagdala ng bata dito aunt, hindi tayo bahay ampunan." sounds rude pero iyon ang lumabas sa bunganga ko. Hinampas ako ni tita na kinaaray ko naman.

Hindi ko naman nabakas ang pagkainsulto sa muka ng babaeng nagpakilalang si Randi. She's all smile and calm but too deep and it's dangerous.

"Sa lahat ng applicants siya lang ang pumasa sa taste ko." anang tita Nancy. Napakunot naman ang noo ko.

"Pang all around ako, kaya kong maglaba, maghugas, magluto at linisin ang buong bahay ninyo. Kung gusto mo pa ay kaya din kitang linisan. Call call nalang pag maliligo ka na." kinindatan niya pa ako. Pero parang kumislap ang mata niya na parang itutumba niya na ako. Nakakakilabot.

"See Chrome! Kaya gusto kita Brandish eh!" my face was disgusted when Aunt clangs herself into Brandish's arm. Napailing nalang ako. Nagawa ko pang magnakaw ng huling sulyap kay Randi bago umalis. Para kasing may lalabas na tae sa pwetan ko.

"Hayaan mo't ganyan lang talaga yang batang yan. Suplado. Hindi ko nga alam kung anak ba yan ng kapatid ko baka ampon lang nila yan or maybe napalitan noong nagkasunog sa hospital. Charr." rinig ko pang sabi ni tita habang tumatawa. My eyeballs rolled heavenwards. Wala ng bago doon. Hindi ko nga daw namana ang pag-uugali ng mga magulang ko and I'm too far from being their son. It has been always Google. Para silang pinagbiyak na bunga ni papa. Nakuha naman niya ang pagkajolly ni mama and at the same time pagkakalmado ni papa when comes to serious matters. However when it comes to me wala akong masabi.

"Anak don't be jealous sa kuya mo okay? Pinaghalong mama and papa ang nanalaytay sa dugo mo. Look, you look like papa and me, you got his hairline and you've also got the shape of my lips."

Because This Is My Last Life[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon