Twentieth KissSpg: sa lenggwahe.
--As our relationship go stronger. Doon din dumadating yung mga problema namin. Nag kakaaway, madalas ako ang nakikipag bati. Never ata syang lumapit sa akin para mag sorry. Or? It was just really me na laging may kasalanan. Habang tumatagal kami sa Highschool, mas masaya ang barkadahan namin at ang kulitan. Ganoon pa din naman, laging may kontrabida lalo na si Flappy Bird Camille. Noong JS nga ay tinulak nya ko noon dahil lang sa naka limousine pa kami noon ni Louie ko at dahil nga sa sinundo nya ko, buti nalang at nandoon si bebeloves ko. Ngisingisi pa sya yan tuloy pina guidance sya nina Kei. Mwehehehe.
After ng JS namin, nag start na ang career orientation namin. Nararamdaman ko na yung pag tatapos ng masasayang oras namin dito sa highschool. Even if magkakasama din naman kami sa College ay iba pa rin naman. Nag graduation na at lahat ay nag iiyakan na halos lahat,mangungulila daw sila. Naku! Kung alam ko lang ay baon lang ang gusto nila.
At noong summer that time ay pumunta kami sa resort nina bebeloves ko. Kasama ang buong barkada, nag enjoy kaming lahat. Party kami ng party at ingay kami ng ingay. Mas naging masaya noong sagutin na din ni Jessalyn si Gil. Si Kei at si Joselle naman ay ganoon parin at nag paparamdaman parin noon. Sarap nga nilang batukan e. Arte much.
Si Myla? ayun. Wala parin. Si Ruperth, ayon nasa Cindy'monyo nyang girlfriend. Na hindi ko alam kung paano nangyare. Palaisipan mwehehe. XD
Ako at si bebeloves naman ay pa easy easy lang noon. Ganoon lang kami enjoy-enjoy. Hanggang sa oras na para bumalik kami sa Manila. Nag enroll kaming lahat, business administration ang kinuha naming lahat maliban kay Jessalyn na Accountancy. Tutal may mga business naman ang mga pamilya namin.
Sabay-sabay pa kaming namili ng schedule para swak pak! Mwehehe. Syempre di din naman ako papayag na mihiwalay sa bebeloves ko e.Until this one unfaithful day came, one student has arrived to our class. Freetime na nga dapat noon after. Pero after ipakilala sa amin si Magie Tamayo ay bigla nalang pumakla ang timpla nitong katabi ko. Sino pa ba? Edi si Louie.
" Anong problema ng jowa mo? Kanina pa yan ha?" tanong ni Myla na kumakain ng chips nya. Tinignan ko sya at ngumuso, malay ko din naman kasi. Kanina pa sya may kausap sa phone. Di na nga nya nagalaw ang food na niluto ko for him e.
"Hi mga ateng! Ba't kayo naka busangot?" naglingunan kami kay Jessalyn na kakarating lang at umupo sa tabi ni Gil. Gil kissed him on her cheek. Louie never do those stuffs.
"Wala, chismosa ka talaga payatot. Musta 2nd sem? "binaling ko ang pansin ko sa kanya.
"Tangina, gusto ko nalang mag HRM e. Tara? Para kasing di ako tatagal hahahaha!" nag tawanan naman kaming lahat. Jessalyn is known for hating mathematics."Bida bida ka kasi, dika na nag bago tol" singit naman ni Kei na nag susulat ng notes nya. "Leche, ayoko na. Hahaha hindi na carry na brain cells ko! " niyugyug pa nya si Myla na natatawa nalang sa tabi ko. Hindi ko sila pinansin at tumayo nalang lalapitan ko sana si Bebeloves ko kaso humarap na sya sakin at inirapan ako. Ganoon naman sya e. Lage. Hahahaha.
"Init ulo?" tanong ko pag ka upo ko sa tabi nya. Hindi nya man lang ako tinapunan ng tingin.
"Wag ka nalang mag salita please." napabuka ang bibig ko sa gulat. Anong sabi nya? Grabe. Maingay ba ko?
"Oyy, problema?" napansin ata ni Kei ang nangyayari sa amin kaya sumingit na sya at pumagitna. "Wala, ewan ko dyan. Inaaway nanaman ako." nag bibiro lang naman sana ako kaso bigla syang tumayo at nasanggi pa nga nya yung kinainan nya na linuto ko. Tinignan nya lang yun na matapon at umalis na rin. Syempre nasaktan ako no! Pero ano bang magagawa ko diba?.After ng incident na yun. Ako na nakipag bati, ayaw ko ng mag ka away kami. Hindi ako makatulog, saka hindi ako nakakapag practice ng banda namin. Hindi ko din sya napapanood sa practice nya ng swimming. "Bebeloves, init ng ulo mo nanaman. Tara dun tayo sa bahay nyo? Movie date." inaaya ko sya noon pa man pero ayaw nya. Nagulat pa nga ko ng pumayag sya. Pinanood lang namin yung Love Rosie, super nakakakilig. After naman nun e nag kwentuhan kami. Mga random things lang din naman. Hanggang sa nag excuse sya para mag cr. I let him, biglang tumunog yung phone nya. It was a call. Sinagot ko nalang, ganun kasi lagi kong initial reaction pag may call sya sa phone since then.
"Hello?, uhmmm. Lou? Its Maggie, can you please come with me this Sat? May pupuntahan kasi ako. And your Dad actually agreed with it. So? what do you think bout it? "
I cut the line, Maggie? Yung classmate namin?. How come na close sila. How?
"Uyy? Ba't ka naka tulala dyan. And why are you holding my phone?" he snatched his phone in my hand. Nag salubong pa nga ang kilay nya at kumunot ang noo. "Sino tumawag? " tanong nya at umupo sa kama. " S-si Maggie, paano kayo naging close? Pano nya nalaman number mo? Diba sa close mo lang binibigay yun? Close kayo?" hindi ko napigilan ang bibig ko na mag tanong, napapaisip kasi ako. Hindi ako mapanatag, hindi ako used sa ganito e. Pero ang nakakagulat ay yung bigla nalang niyang hinagis ang unan nya sa pader.
"Ba't ba ang dami mong tanong Gerilou? Just let it go will you?" sabi nya at tinalikuran ako. Sa gulat ko ay napaiyak ako.
"Are you fvcking cheating on me Louie Co?! Are you!?" Nagulat siguro sya sa pag sigaw ko at napalingon sya. He tried to close the space between us pero umatras ako.
"You know what? Kung ginagago mo ko say it to my face! " sabi ko sakanya at tumakbo pa alis ng bahay nila. And the worst is, he never follow me. Masakit, damn. It hurts. Wala pa naman syang sinasabing nag loloko sya but, masakit pa din. Para kasing hindi ko kaya na wala sya sakin. Iniisip ko palang hindi ko na kaya.The next day, puyat na puyat ako. Hinihintay ko syang mag text but no. He didn't. Hindi na rin sya sumasama sa amin. Lagi syang maagang umaalis during break. Nag tataka nga ang barkada kung bakit e. I told them everything, they got angry. "Leche! Frutang Maggie yan, bagay talaga yang pangalan nya sa kanya e. Mahilig sumahog. Punyeta sya kamo." singhal ni Kei sa akin at ngumuso. Nakita kasi namin si Bebeloves ko na paalis. Natapos nanaman ang araw na iyon at Saturday na kinabukasan. I fetched my phone at dinial ang number ni Bebeloves ko. Pero nag ri-ring lang. So I typed a message.
To:bebeloves
"Bebeloves? Kita tayo tom? Miss you na kasi. Let's fix this okay? I can't live without you. Stay safe, I love you. Please reply asap. I really do miss you alot.❤"
And sent.After that,he texted me. Busy daw sya. Fine. Alam ko kung saan sya pupunta. Kay Maggie. Napapansin ko din sa babaeng iyon na medyo jolly sya this past few days. Siguraduhin nyang hindi sya papahuli sa akin. Kinaumagahan ay maaga talaga kong gumising. Ginising ko ang driver namin, di nga kasi ako marunong mag drive.
Nag hintay kami sa tapat ng bahay nila. Then after an hour ay lumabas ang kotse ni Louie, sya na ang nag da-drive noon. We followed him. Hanggang sa loob ng mall. Nag paiwan na ko. Till that time, nakita ko na si Maggie. Wearing her yellow dress.
Leche! Mukha syang Maggie magic sarap. Tangina! Hindi sya masarap!I followed them, nag sho-shopping sila. And my boyfriend? Ngiting-ngiti,parang di kami nag aaway ha!?. Sa inis ko ay sinugod ko sila. Gulat na gulat pa nga si Louie e, sama mo na tong tanginang nasa harap ko.
"Hey boyfriend! How are you? Long time no see?." Napalunok naman si Maggie sa harap ko. Tangina nya, matakot talaga sya. "Oh? No pets allowed here ha? Ba't ay kasama ka?" napailing nalang si Louie, bigla nya kong hiniklat at dinala sa parking lot.
" Ano bang problema mo!? Bakit ka ba nandito!? " sigaw nya. Pinipigilan kong umiyak. I can't do this anymore.
" Tama na. Surrender muna ko ngayon. Saka na tayo mag usap." tinalikuran ko sya. Tinakbo ko ang sasayan namin at pina uwi na.
I want to go to my bed and cry. At ayun nga ang nangyari. I turned off my phone. Nakabukas lang ang laptop ko sa gilid.
~•~
May kasunod pa :")