Chapter 3

206 9 0
                                    

Third Kiss
-

"MAMA! Nasaan na yung heels ko? Yung blue kong dress? Mama!? " ano ba yan si Mama! Anong oras na hindi pa gising 6:00 na ng umaga! Baka ma'late ako sa sa date namin ni Louie ko, Oo, date yun. Paki mo ba?!

"Ano nanaman yun Lulu?! Por Diyos Por Santo! Anak ang aga pa! San ka ba pupunta!? " buti naman gising na to'ng si Mama.

"Mama! Buti naman at gising ka na! Nasaan na po yung heels ko? Yung —" excited na talaga ko e.

"Saan ka ba pupunta?!" si Mama, highblood.

"Date." ano ba yan! Kinikilig ako!

"Date? Susme! Ganito ka aga? Saka, sino naman yan?" si Mama talaga! Ang tsismosa!

"Si Bebeloves ko. Si Louie ko." mwehehe. Pag na aalala ko yung pag kausap nya sa akin? Nalalaglag yung ovaries ko! Tignan mo nga d'yan sayo! Baka nandyan hihihi~

"Asus! Mukha mo Nak! Alam ba n'yang may date kayo Or alam nya bang date ang pupuntahan nyo?" Ang dami namang tanong ni Mama! Hindi nalang ako suportahan! Bad trip!

"Hindi nya alam! Oo na! Ako na baliw! To'ng si Mama! Maka alis na nga! " aga-aga binabadtrip ako! Hmpf. Maka kain na nga ng umagahan!

"Hoy! Ilipat mo nga yan sa MYX ang pangit naman nya'ng pinapanood mo e." badtrip din to'ng kapatid ko. Parang abnormal, nanonood ng Dora!

"Pake mo ba?, MAMA OH SI ATE!" sumbungero! Binato ko nga ng unan sa mukha. Nakaka gutom naman mamili ng damit.

"Manang? Ano po umagahan natin? " sana may ham.

"Eto lang ang tinira ni Sensen e, itlog nalang to." Nag iinit na talaga ang ulo ko sa kapatid ko! Ang sarap nyang balatan tapos lagyan ng asin! Kaasarrrr!

.

.

"Hoy! Fruta ka talaga e'no?! Bakit mo inubos yung ham ko?!" hmpf! Ang aga-aga inaasar nila ko dito sa bahay na to!

"Pake mo?" letche! Inaasar talaga ko neto e.

"Hayuff ka! Ampon! Hmpf! " naku! Walang mangyayare sami'ng dalawa! Maliligo nalang ako! Baka malate pa ko. Kailangan mas maaga ako. Nakakahiya naman kung mauna sya diba? Saka, sana makapasok ako sa audition!! Mwehehe

Matapos akong mahatid ni Mang Ben sa school e, wala pa kong Louie na nadadatnan. Hmpf, if I know, baka napuyat yun kasi kinilig sa pang aaya ko sakanya mwehee....

.

.

.

.

.

Dalawang oras na ko nag iintay e, kaso wala pa ding Bebeloves na nag papakita. Huhu, baka hindi nga nakatulog yun ah. Ansakit na din ng paa ko dahil sa heels ko! Sino ba kasing nag sabing mag heels ako e. Lakas din ng ulan sa labas. Susme! Kanina pa ata nailabas ang resulta ng auditon ko! Kinong-gratulate na nga ako ni Kei at ni Jessalyn na kaibigan ko din na kasama din sa Glee. Fruta! Nasaan na ba sya? At naalala ko. Hindi pa pala ko nag bre-breakfast!!

...

Alas onse na ng makita ko syang nag lalakad papunta sa akin. Ako? Ayun na ka tung-tong na yung paa ko sa kabilang upuan, masakit na nga kasi yung paa ko. Tapos na gu-gutom na ko.

"Late na ba ko? " tanong niya pag karating. Mukha syang wala sa mood. Dala nya pa nga yung gym bag nya,mukhang galing pa sa training.

"Huh? Hindi. Kararating ko lang!" kahit na mukha na kong nilipasan ng panahon. Yung buhok ko, nanigas na dahil sa singaw ng ulan. Agad naman syang nag lakad papunta sa bulletin board para makita na ang result nung audition ko, kaso hinatak ko na lang sya kasi nga alam ko naman na yun.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon