Twenty Seventh Kiss
---------------------
"Okay na ba to?" pinasadahan ko ng tingin ang damit kong suot sa salamin. Si Kei ang kasama ko na bumili nito kahapon sa Trinoma. Nag palibre pa nga ng lunch sa akin ang bruha.
"Oo naman, ganda nga e." napatingin ako sa pinto ng kwarto ko, may maligno kasi este may pogi'ng bading.
"Shit ka Baks! Nandyan ka na pala. Di ka man lang kumatok." sumimangot sya at umupo sa sofa.
"Ewan ko sayo! Tigilan mo nga pag tawag sa akin ng bakla. Mamaya wala pa kong maging girlfriend nyan e." ngumisi ako at dinampot ang pouch kong kulay black na match sa suot kong color black na tiny dress. Bagay naman sa birthday diba? Black?
"Girlfriend? Naku! Wala ng may kaya pang tumagal sayo kundi ako. Sa mood mong mas mabilis pang mag bago kesa sa panahon." tumawa ako kasi sinamaan nya ko ng tingin.
"Edi wow? Tara na nga! Kanina pa ko tinatawagan ni Joselle. Gutom na daw sya." ngumuso naman ako sa sinabi nya. Matagal nga ata akong mag prepare.
"Para talagang hindi anak mayaman ang isang yun! Parang walang pang kain. San ba sila?" inalalayan naman nya kong pumasok sa sasakyan nya. Ang bango talaga ng sasakyan nito. Amoy Apple.
"Nasa SB sila. Nasaan si Tita?" ngumisi ako. Uyy! Papalibre akong kape mamaya pag karating namin dun mwehehe.
"Si Mama? Nasa G&D ngayon yun kasama si Papa. May ila-launch silang concert e. Maroon V ata." napapikit naman ako. Crush ko kasi si Adam Levine. Pogi pogi.
"Busy pala. Buti nag kakasundo sila ano?" umusog ako ng konti at binuksan ang stereo nya.
"Sometimes,yes. Sometimes,No. Ganun sila e. Nag kakasundo lang yun pag about na sa amin ni Gensen." nakita ko namang tumango sya at tinapiktapik ang manibela.
Tumulala nalang ako sa bintana, madilim na din yung langit. Nakakapagtaka nga kasi gabi gaganapin yung birthday samantalang dapat umaga diba? Pero okay na. Mabubusog naman namin ang kumakalam na sikmura ng mahal kong kaibigan.
Nakarating naman din kami sa SB sa North Edsa. Nakita ko namang walang poise na umupo si Myla sa labas. Pantanga talaga to.
"Pst!" tumingin naman agad sa akin si Kei at humalik sa pisngi ko.
"Wow! Ganda natin ah? Dress to kill?" nakangising sabi ni Kei. Tumayo naman na sila at aambang didiretso na sa sasakyan.
"Oops! Wait lang guys. Bibili akong kape." aamba na sana kong papasok sa loob ng higitin na ko ni Joselle .
"Mamayaka na mag coffee. I'm fucking hungry." kumunot naman ang noo ko.
"Di ko naman sinabing wag kang kumain." umirap sya sa akin at binitawan ako. Hinarap ko si Kei na tinitignan pa din ako.
"Oo dress to kill yang si Lulu, literal na papatay yan mamaya." sabay-sabay silang tumawa.
"Excuse me! Hindi ako papa apekto sa sahog na yun. Hindi ako bitter." ngumiwi naman si Jessalyn sa sinabi ko bago kami sumakay sa kotse ni Calvin.
"Weh? Kaya pala kung makatawag ka ng sahog." inirapan ko nga.
"AH BASTA! MAKAKALIMUTAN KO DIN TO." ngumisi ako at kinurot si Gil sa gilid.
"King ina! Ano ba? Kulit mo!" tumawa ako. Mami-miss ko sila sobra."Oy! Minura ako o?" hinampas naman sya ni Jessalyn kaya binelatan ko sya. Buti nga.
--
"Baba na!" nagtinginan naman kaming lahat. Sabay-sabay naming tinulak si Joselle.
