Chapter 13

158 6 0
                                    

Thirteenth Kiss
---

"Ano?!" Grabe na high blood ako sa sinabi nila!.

"Oo nga, di nya ba nasabi sayo? Aalis sya. May tournament kasi sila sa China no! " natatawang sabi ni Kei.

"Di nya ba nabanggit sayo? " tanong naman ni Joselle.

"Mukha bang itatanong ko kung bakit wala sya dito kung alam ko? What do you think of me? Baliw? " huhuhu, hindi man lang nya sinabi sakin. Ganoon na ba ko kawalang kwenta?

"Nagtatanong lang e, init ng ulo mo! " sabi ni Kei sabag tulak sa akin. Sinamaan ko nga ng tingin. Magsama sila ni Joselle! Tutal bagay sila. Tsk. Huhuhuhu.

Anong meron? Simple lang! Nawawala ang bebeloves ko! Umalis ng hindi man lang nagsasabi. Fruta, girlfriend nya ko e! Masakit dre! Masakit! Wala naman syang nabanggit tungkol dun e. May tournent pala sila... Sana sumama ko *pout

Ang lungkot ko tuloy ngayon, wala akong partner, samantalang si Kei may Joselle, si Jessalyn meron ng Gil, si Ruperth meron ng... Cindy'monyo at si... Uyyy si Myla at Calvin pala wala Mwehehe. May kasama pala ko. Pero si Myla? Imposibleng walang boylet! Tsk. Yan pa? Si Calvin? Bakla ata yan e. Di ko pa nakikitang may kasama yan. Fruta naman... Nami-miss ko na si Louie ko ╥﹏╥. Hindi ko talaga matanggap na hindi nya talaga sinabi sa akin.

**

"Huy, babaita penge ¼. Dalian mo naman mahuli ako ni Sir Ico! " gaga din tong si Jessalyn ano? Kapal talaga neto e. Pero mahal ko sya kaya hinampas ko muna ng pad paper bago bigyan. Ngumuso sya saka mabilis na umalis. Matawag ko nga sin si Kei, Math yan e. Wala naman si bebeloves ko na pwede kong tanungan kaya kay Kei ako mag papatulong.

"Kei! Dito ka bilis bigyan kita ¼ bilis! " pero si Gaga dumila lang, huhuhu paano ako? Zero nanaman score ko nyan. Di pa naman ako nakinig... Ahhh, alam ko na! I-oopen ko fb ko tapos ime-message ko si bebeloves tutal friends na kami dun.

Gerilou Daza : bebeloves ko! Math na ngayon, msg. Ko sayo yung tanong sagutin mo a? ^^ wag mo ko seen maiitlog me :'(
Louie Co : seen 8:30 am
Gerilou Daza : ⊙_⊙ wag mo ko iseen! Bebeloves naman e. Pag ako na zero...o(╥﹏╥)o
Louie Co : seen 8:35 am.

Nag log out nako. Wala akong pag asa. Sobrang kind talaga nang boyfriend ko Lord! Sya na seen lord. Tsk. Paano nako nito. Huhuhu

"Ms. Daza is there any problem? " nagulat ako nung tinuktuk na ni Sir Ico yung stick nya sa table ko. Fruta! Katapusan ko na ata.

"W-w-wala sir. Oks na oks ako he..he" nakita ko naman ang mga hinatupak kong kaibigan na tinatawanan ako. Mga hayup sila, babangon ako at tutunawin ko sila sa Lye solution. Mga gunggung na to.

Pinapasa palang yung test questionnaires nagpapawis na kamay ko. Mag excuse kaya ako? Nah. Ginawa ko na dati yun e, nilaglag naman ako ni Kei. Kung sabihin ko kayang natatae ako? Tsk. Nakakadiri naman. Mag panggap kaya akong nahimatay? Andrama naman. Huhuhu no choice ako kundi sagutan tong Math.

"Lulu o, test paper " alok nung nasa harapan ko. No choice kundi abutin ko, hindi ko magawang ngumiti.Tsk. Naiiyak ako. Tinignan ko yung katabi kong upuan. Walang pag asa. Inimaynimo~
Sagot...
Bura...
Palit sagot....
Ayun nakita ko sagot nung nasa harap
...
Tingin sa gilid...
Naka takip yung paper.... Damot!

*Ringggggggggggggggggggggggg.

"Okay class, pass all your papers. Class dismissed" at pinasa ko na ang papel ko, ngingiti-ngiti naman tong nasa harap ko.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon