Thirty Eighth Kiss
==================="Ang tagal naman magising nitong babaeng to." napatingin ako for a while kay Myla. They look so worried towards her. I want to punch myself. It's my fault, it's all my fault. Sana sinabi ko na noon pa man.
Kailan nga ba ko makakawala sa hiling ng papa ko. Kailan? Ng ako naman ang sumaya. But I can't.
"Ano pang ginagawa mo dito?" naka angip na tanong sa akin ng Papa nya. He's been like that for the past 3 months. Oo, three months na ganito kaming lahat.
Galit ako sa sarili ko, kung hindi dahil sa nakita nya ay hindi naman mangyayare ito. Calvin, on the other hand is also cursing his self. Sinasabi nyang sya ang may kasalanan. But then I knew better. But then he's insisting that he was the last one Gerilou talked to.
"Umuwi ka na nga." napatingin ako sa Papa ni Gerilou. I didn't respond. Dito lang ako. Hihintayin ko sya.
"Ano ka ba naman Dominic, ikaw na ang umuwi. May meeting pa tayo. Si Myla ay may trabaho din. Hayaan mo na yan dito. Walang mag babantay sa anak mo." sumingit naman si Tita sa usapan. She's been protecting me since then. Kahit alam kong may sama pa sya ng loob sa akin.
"Hay! Ewan ko sayo Gertude. Kaya namimihasa yan e. Dyan na nga kayo. Mamaya mabigwasan ko pa yan" naunang lumabas si Tito. Malungkot namang ngumiti si Tita at sumunod na kay Tito. Naiwan kami ni Myla doon.
"Masaya ka na?" bulong nya. I know she's pertaining to me. Kaya umiling ako.
"Paano naman ako sasaya?" tanong ko pabalik. Ngumisi sya at halatang inis na sya.
"You know what? Sana hindi nalang ikaw yung minahal nya! You are too complicated. You make things complicated. Hindi na naging masaya yung kaibigan ko." napansin kong nag punas sya ng luha at tumayo na. Naiwan na akong mag isa.
I thought of what she said. Tama sya, I'm the one who complicates the situations. But hindi ko din naman gusto iyon. Never, lalo na at si Gerilou ang nandodoon. At ngayon ay nakaratay sya sa harap ko ay masakit.
I hold her hand and pray. Wala akong maipapangako pero mahal ko sya kaya't sana ay ma survive nya ang kalagayan nya dahil mahal ko sya. Sobra pa sa higit.
Naradaman kong gumalaw ang kamay nya kaya't pinindot ko ang alarm. Agad namang nag sipag datingan ang mga doktor at nurse. Nahimasmasan ako ng sabihin nilang okay na ang vitals nya at anytime soon ay magigising na ito.
Umalis din sila matapos syang i-check. Hinagkan ko ang kamay nya. Sobra kong mahal ang babaeng ito. Gaano kalaki na ba ang kasalanan ko sa kanya? Gaano ko na sya nasaktan. Sobra na ba? Sana kaya nya pa. Kasi mahal ko sya. She needs to hold on.
"Oh? Nandito ka pala cousin" ngumiti ako ng makita ko si Kei. She's all smile. Umupo sya sa harap ko. Naramdaman kong nag stiff sya. Sinabi ko sa kanya ang magandang balita at natuwa naman sya. Nilapag nya ang bag sa gilid nya at umupo ng tuwid.
"That's nice for her" tinapik nya ko at ngumiti. I knew she'll say something.
"Spill it Kei." I told her. Nagulat pa sya at napangisi sandali.
"Ahmmm. But then..... I hate to say this but. Leave her alone when she woke up..... Please? " nalingon ko sya ng wala sa oras. I see sincerity in her eyes.
"W-why?" I asked her.
"You're no good for her. You're a pain in her being." she tried to hold me but I refused.
"NO" hindi ko na sya tinignan pa hanggang sa mag paalam sya. They don't know about us. Wala silang pakielam sa amin. I knew better.
Hapon na ng dumalaw naman si Jessalyn, she doesn't look good seeing me here.
"Nandito ka pa din?" tanong nya. Banayad nyang hinalikan sa pisngi si Gerilou. I told her the news too. Tumango lang sya at inayos ng kaunti si Gerilou. She plays with her hair while telling random stories to Gerilou as if they really can chitchat with each other.
" Sayo naman ako may kwento." tumingin sya sa akin at ngumiti. Napaka totoo ng ngiti nya.
"Gerilou first saw you when we were in first year highschool. Hindi na nga nya matandaan e. Ako nalang ata. Iyon yung kumakain kami ng fish ball sa harap ng school namin noon tapos ikaw kasama mo yung mga pinsan mo. Crush ko pa nga yung isa e. Pero anyways, hiningan ka nya ng 20 pesos kasi wala talaga syang sobrang pera pambayad noon. Kala nya ata libre namin sya noon pero dahil poor kids kami noong araw na yun e yun nga humingi sya sayo. Naka ball cap ka pa ng panahon na yun. Crush ka nga daw nya e. At yun nga binigyan mo sya ng 20 pesos na nakatupi, hulog ka raw ng langit ng panahon na iyon, all smile mo kasi syang binigyan. Yun pala punit yun kaya hindi din sya nakapag bayad kaya ibinigay nya yung relo nya na bigay ng mama nya. Kaya naiinis sya noon. Nag taka nga ako kung bakit di ka na nya maalala. Ikaw naaalala mo ba sya noon?" tumango ako at napangisi.
"All this time akala ko ako nalang ang nakaka alala noon. Naalala mo din pala. Tsk." ngumisi sya at sumandal sa upuan.
"Bakit mo ba sya binigyan ng punit na bente?" ngumisi ako at bahagyang uminit ang tenga ko.
"I wanted her to remember me and hunt me down." napangisi sya at tumingin kay Gerilou at napailing.
"Hindi ko alam kung boto ako sa inyo or what. Mahal ko si Gerilou, She's the best gal ever. I'll support her whenever she needs me. Nag aalangan lang ako kasi, she's been through a lot and I saw how she sulk her self when you left her. Masakit to para samin. And now that you're relationship with her gone worse kasi you're in a relationship with someone while she's been in good terms with Calvin and we're all rooting over them. Kasi we thought na over na sya e. Sayo? Okay na sya e. She told us. But then. Pinatos nya yung opportunity na maging kabit mo. Sorry for the word pero iyon talaga yun e. Kahit anong pigil ko na ihinto na nya pero hindi. Ang dahilan nya? Mahal ka nya. And she can't live life without you." naikuyom ko ang kamao ko.
She's been through a lot and worse. Bumaba ang lebel nya sa mata ng ibang tao. I'm sorry about it. Too sorry for her to forgive me when she woke up.
Tumagal kami na hindi kami nag uusap ni Jessalyn. She pull out her laptop out of her bag and do her works. Ako naman ay nag babasa ng ilang reports. Hindi na ako nakakapasok sa trabaho. Nanggagalaiti na nga si Papa sa akin but then I told him what happened to Gerilou and it's reason. Tahimik nalang si Dad. Hindi pa din sya pinapansin ni Ate ever since mag hiwalay kami noon ni Gerilou. Si Mama naman ay hindi nalang nag sasalita kapag patungkol na sa korporasyon ang usapan.
"..hmm. hmmm" napalingon ako sa higaan ni Gerilou at nakitang nag pipilit na itong umupo. Pinindot ko ang ringer para malaman ng doktor na emergency.
Napatayo din si Jessalyn at agad na lumapit kay Gerilou. Iniwas ni Gerilou ang braso nya kay Jessalyn kaya't ako ang umalalay. Agad nyang inalis ang kamay ko ng makaupo na sya ng maayos. Himala na nakatayo na sya matapos ang matagal na recovery nya.
Nag sipag datingan ang doktor at chineck sya. Panay tango ng doktor.
"What do you want? I'll call Tita later. Nagugutom ka ba? God! I miss you so much." niyakap ko syang bigla. Nagulat ako ng tinulak nya ko at tinitigan ako.
"Who the hell are you? At ikaw. Sino ka?" nakita kong nalaglag ang phone ni Jessalyn. Ang mga doktor ay agad na dinaluhan si Gerilou.
Gumapang ang kaba sa akin. Naramdaman kong namutla ako.
What's happening?
"Sino ba kasi kayo at nandito kayo? Anong nangyare?" takang tanong nya sa doktor. Tinanong sya ng doktor after nun.
"Anong taon na?" tanong ng doktor.
"2009?" taka syang luminga-linga sa paligid.
"Sino ako? Anong name ko?"
~•~
And it's here. End is near everybody.