Thirty Fifth Kiss
================="Miss wala na talaga space."
"Meron pa yan. Umusog kasi kayo!"
"Kulit mo naman miss e. Pang labing anim'an lang tong jeep. Hintay ka nalang."
"Oo nga miss. Gusto na naming umuwi." napairap ako at bumaba na ng jeep. Inirapan ko din yung barker ng jeep. Nakakainis gusto kong umuwi. Hindi ako pwedeng magtagal kasama ang lalaking iyon. Baka ano pang mangyare. Mahirap na.
"Mga 30 minutes bago dumating yung next." nakangising asong sabi ng barker. Nag papadyak ako ng nag papadyak sa asar. Kulang nalang ay mag lupasay ako sa sahig. Hindi nila alam kung gaano kahirap ang tumakas sa mga kamay ng kumag kong ex. Juskolerd.
"What are doing here outside?" napamura nalang ako at tumayo ng tuwid. Ang bagal ko kasing gumalaw. Lintek naabutan tuloy ako.
"NAG LALABA!" umirap ako at tumakbo palayo sa kanya. Naramdaman kong hinahabol din nya ko. Pero infairness! Naka sweat pants lang yan. Ayyy! Ano ba yan.
"Aray!" tungunung life tu. Naputol pa ang takong ko. Hanemal, tinignan ko kung may tao pa sa paligid. Mag uumaga na kasi kaya wala pang masyadong dumadaan. Nagulat nalang ako ng may bumuhat sa akin na parang bagong kasal. Yummy ng abs ni koya. Wtf? Ano bang nangyayare sakin lord?
"See what happened to your feet? Nabalian ka pa ata. Ano bang pumasok dyan sa maliit mong utak at tumakas ka?" napairap ako. Kapal nitong mag salitang maliit ng utak. Grabe ah. Graduate ako sa ibang bansa no!
"Wag kang magulo. Hold on tightly." bulong nya ng mejo lumuwag ang kapit ko sa leeg nya. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib nyang walang saplot. Nakakainis, yung puso ko! Ba't ganito!? Lakas ng lagabog. Para kong na eewan sa nangyayare.
"Ba't ganto?" napalingon sya sa akin kaya't napatigil sya sa pagbukas ng pintuan ng condo nya.
"Huh?" napailing ako at binuksan na ang pintuan nya. Inilapag nya ko sa sofa kaya't mejo sumakit ang paa ko. Hindi naman mukhang pilay, nabugbug lang siguro. Tinignan ko ang sapatos kong mukhang ewan na. Mahal pa naman ng pag kakabili ko nyan.
"Akin na yang paa mo. Ipatong mo muna dito." inilagay nya ang paa ko sa ibabaw ng center table at pumuntang kusina. Napaisip tuloy ako. Mali ito, Maling-mali. Ayokong makasakit ng iba. Dapat ng Itigil ang kahibangang ito bago lumalim muli at hindi ko na tigilan pa. Para syang drugs na pag sinimulan ko baka hindi ko kayanin pag huminto ako. Kaya't habang mababaw pa. Puputulin ko na. Hindi dapat ako mag pa apekto. Ayokong makasakit at never kong gugustuhin.
Hindi ko namalayan na nakatulala na ko sa kawalan at nasa harap ko na sya dala ang isang planggana na may bimpo. Tiningala ko sya at nakita ko na malungkot sya. Kitang-kita sa mga mata nya.
Lumuhod sya sa paanan ko at pinunasan ang paa kong natapilok.
"Ganoon mo ba ka ayaw sakin Lulu? Is that how much you hate me for doing this?" napabuntong hininga sya at tinitigan ang mga paa ko bago muling punasan ito.
" Hindi naman sa ganun...." napayuko ako at napaiwas ng tingin. Napaigtad ako ng ihagis nya ang bimpo sa sahig. Napatingin ako sa kanya at Kitang-kita ko ang lungkot, galit, frustrations at inis sa mga mata nya. Kinabahan ako ng kaunti dahil noong huli ko itong makita ay noong inaway ako ni Camille noong js namin.
"Anong hindi sa ganoon? You're neglecting me Lulu. Am I not that acceptable????" napayuko sya at nilamukos ang ilang hibla ng buhok nya. Nag pantig ang tenga ko at hinarap sya.
" Alam mo? Kung bakit ayaw ko? It's because of this. Hindi puro ikaw ang dapat! Noon nga grabe ka kung maka neglect sakin. Hindi mo ko masisi kung ganito ako! It's you who made me like this. At hindi ganoon ka dali na tanggapin ka. After all you did to me?? Ngayon you're going to walk into my life again just like nothing's happened. " nag iwas ako ng tingin at pinunasan ang ilang luhang bumagsak galing sa mata ko. Hindi ko inisip na ganito ang outcome nito. Hindi."Akala ko ba alam mo na kung anong meron noon kaya't nagawa ko sayo yun?" hinrap ko sya at tumango. Yeah, I knew about it.
"Ayokong makasakit Louie. Sa laban na sinusuong mo ngayon. Madaming pwedeng masaktan. Madaming pwedeng mawala satin. Sayo. And you know that Calvin wants me right? Tapos itutuloy mo to?" napailing sya at hinarap ako."Calvin and I talked about this. We're going to have this fair square." tumalikod sya at pumasok sa kwarto ng walang paalam. I just stare at the door. Wondering if this fight would be worth it or not. But think about this. Years ago, ito yung laban na gusto kong suungin. But how can I fight it if ako lang ang lalaban. Ngayong si Louie naman ang gustong suungin ito. Lalaban ba ko kasama sya? Or not?
****
"Tara, hahatid na kita. Baka magalit pa sakin si tita" nakayuko syang lumapit sa akin at inalalayan ako.
"Wag na. Mag ta taxi nalang ako" umirap sya at binuhat ulit ako. Napairap nalang din ako at sumabay nalang sa agos.
Kami na siguro ang irap couple? What the heck!? Ba't may couple!?
Naging mabilis ang byahe, mejo maaliwalas na din ang kalangitan. Para bang walang bagyong dumaan.
"Nandito na tayo" bumaba agad sya sa sasakyan at inalalayan ako. Mukhang wala pang gising sa mga kasama ko sa bahay. Baka nasarapan nanaman sa tulog ang mga kolokoy at hindi man lang ako hinanap.
"Ano? Dito nalang ako." inirapan nya ko at binuksan ang pintuan namin sa bahay. Pag pasok ay malinis ang sala? Bakit? Di ba sila dito natulog?
"Uupo nalang ako doon." itinuro ko ang sofa kaya't ibinaba na nya ko doon. Saktong pag babako sa upuan ay syang pagbukas ng pintuan ng front door. Pumasok ang apat na hingal na hingal pa at mukhang walang tulog.
Nagulat ako ng sugudin ni Calvin si Louie at aambahan ng suntok ng awatin ito ni Mix sa gilid.
"Tangina mo Co! Hindi ka patas lumaban. Gago ka! Ba't mo tinakas si Gerilou! " nag sisisigaw si Calvin doon.
Nakita kong napangisi si Louie at nagsalita.
"Sa ating dalawa, noon pa man ikaw ang bantay salakay. Wag kang mag kaila. Kilala kita gago." napairap ako sa inis. Ang aga-aga"Ano ba!? Tumigil na nga kayo!" napatingin sa akin si Calvin at napailing. Kitang kita ang pagod sa mukha nya. Mukhang wala pang tulog.
"Dyan ka magaling Gerilou. Pag nasasaktan na si Louie. Saka ka lang mag rereact. Nice." tumalikod ito at lumavas ng bahay. Rinig na rinig ko ang harurot ng sasakyan nya.
Napailing ako at napairap.
Ano bang nang yari nanaman!?
~•~
Hello!❤
