Chapter 5

169 9 0
                                    

Fifth Kiss

'Sana naman matapos na sya dyan! Ang sakit na ng katawan ko dito! Ayoko na ang sikip dito. Di na po ako uulit papa God. promise yannnnnn'

Tinatanong nyo kung nasaan ako? Nasa ilalim ng kama. Oo, ng kama. Kung tinatanong nyo kung bakit ako nasa ilalim ay dahil iyan sa raging hormones ko! Oo, ulit. Kasi fruta na yan! Ang sakit na ng katawan ko dito e. Di ko na keriiiii.

.
Flashback

"Naku po ma'am! Wag na po kayong umakyat dyan! Hintayin nyo nalang po si ser! Saka po medyo basa po kayo ng ulan ma'am!" ang ingay naman ng katulong nato, pinakuha ko lang ng hagdan nag hysterical na dito!
"Don't mind me,balik na dun! Shooooo!" aakyat na nga kasi ako sa bintana ni Louie ko! Bakit ba kasi to nangingielam!?

Hinayaan ko nalang sya sa may gilid at inakyat na ang pakay ko! Mwehehehe. Na excite tuloy ako. Kaso nakakainis bitin yung hagdan. Ano bang gusto ng author na to? Ang mag ala'spiderman ako?
Kaya sa sobrang pag mamahal ko e'nag ala Spiderman nga ako. Pinag pawisan pa ko. Huhuhu. Dahan dahan ko pang kinatok yung bintana ni bebeloves ko baka kasi mahuli nya ko. Mwehee. Kaso siniswerte ako e. Maganda kasi ako! At nakita ko nga na walang tao sa loob, kasi nga nasa cr sya! Naririnig ko pa yung shower e.

Sinampa ko na yung paa ko dun sa bintana at dahan-dahang pumasok, kaso yung maingay nilang katulong e'nag hysterical nanaman sa baba kaya dumampot ako ng papel sa study table ni bebeloves ko at binato sa kanya. Ayaw pa kasi nyang umalis!! Yung asar ko sakanya mga level 99999 siguro.

*Blag

"aray! Fruta, ansakit sa pwet! Ano ba t—" pero heaven yung nasubsuban ko! Oo! Heaven to! Boxers lang naman ng bebeloves ko to! Wahhhhhhh! Grabe, yung raging hormones ko gusto ng kumawala sa katawan ko! Pero kalma lang muna! Medyo burara din pala sya ano? Tama nga sila nobody's perfect! Kasi ang bebeloves ko kahit mukhang perfect,may kadugyutan din sa katawan ano? Pero I'll keep it as our secret! Namin Lang! Wag kang makisale!

Naputol naman ang pag papantasya ko ng narinig kong tumigil na yung shower nya. FRUTA! LALABAS NA SYA!......MAKIKITA NYA'NG PINAGPAPANTASYAHAN KO YUNG BOXERS NYA!

Kailangan kong mag tago! Nakakahiya,kabago-bago ko palang bilang girlfriend e'nang mamanyak nako sa boyfriend ko. Oo, na boyfriend ko na nga diba!!!!! Paki mo ba!

End of flashback...

Ayun nga ang dahilan at kung bakit ako nag hihirap dito ay dahil nga nag tatago ako. Saka ayaw ko namang bumaba sa bintana kasi yung katulong nila tinanggal na yung hagdan ko! Pakyu'ng yun. Ilang oras pa kaya sya dyan? Ang dami namang arte nito sa katawan nya! May blower pang nalalaman! Huhuhuhu ang inet dito.

3rd Person's POV

Si Louie ang klase ng taong hindi kakausap ng mga walang kwentang tao. Harsh? Oo ganoon na nga. Tumpak, bigcheck, korak. Pero nitong mga nakaraang linggo nga ay may isang babaeng kasing tigas ng abs nya ang muka at talaga namang kinakausap pa sya, No! Talking to him is an understatement kasi stalker nya yun. Simula nung isalba nya ito noong summer mula sa pag kakalunod e'sinundan na sya nito. Kilala nya ang pamilya ng babaeng iyon, business partner nila. Bestfriend pa nga ng mama nya ang Mama nito. At ang ina naman nya ay pinag kakanulo din sya doon, wala syang magawa kundi ang hayaan nalang ito. Inakala pa nga nya na first year lang yun, maliit kasi at mukhang bata kumpara sa edad nya. Napag kamalan nya rin na isa rin iyon sa mga psycho'ng babae na sumusunod sa kanya at gusto syang maging boyfriend. Pero doon sa nag kamali dahil sa sinagot sya nito. Na sya kasi ang nag salba sa kanya at sya si bebeloves nya. Bebeloves? Pag naririnig nya yan. Naalala nya na lang si Gerilou Daza also known as Lulu. Kaparehas nya pa ng Nickname sa bahay nila.

Simula noon e'parang mas gumaan ang pakikisama nya kay Lulu, nararamdaman nya kasi ang pagiging totoo nito sa kabila ng pagiging warfreak at possesive nito pero sweet. Idineklara pa nga nito na boyfriend na sya nito at napapairap nalang sya dahil lakas tama naman talaga. Pero kanina lang ay parang boyfriend na sya kung maka akto dito. Oo, parang boyfriend act na sa kanya yoon.
Pero he'll try to be a good one next time.

BACK TO REALITY..

*KALUSKOSSSSS

Agad naman napatigil si Louie sa pag blo-blower ng buhok at pinakiramdaman ang paligid. Sa pag kaka alam nya e'wala naman syang kasama dito pero imposibleng multo iyon.

*KALUSKOSSSSS

Agad syang napatingin sa kama nya, mabilis ang pintig ng puso nya. Sino ang nasa ilalim noon. Napahakbang sya patalikod ng may makita syang kamay. 'Put*ng i*a' mura nya sa isip nya.

Tuluyan nyang nabato ng tissue box sa ulo yung lumabas sa ilalim ng kama nya. P*ta! First time nyang kabahan ng ganun.

"Aray ko naman bebeloves ko~~~~" sabi ng isang parang nahihirapang boses. Agad syang napatitig sa taong na bato nya ng tissue box sa ulo. Nakasuot ito ng dress na blue at nakatakip ang buhok nito sa mukha nya at ang kamay ay naka taas na nilalajad ang kamay nito.

" ANONG GINAGAWA MO DYAN!!!! "

.

.

.

.

.

.

Patay.... Mainit nanaman ang ulo ng bebeloves ng bayan~

~•~

An// Sorry, been busy. I'll try na sundan ito.✌

Now na alam nyo na ang na fe-feel ni bebeloves kay Lulu diba? How was it? .

Vote and comment and be a fan!❤

Add mo na din sa reading list mo☺☺

No proof reading✌

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon