First Kiss
-Buti na lang talaga pinayagan ako ni Mama na dito na lang ako mag-aral kesa sa Western at maging babysitter ni Gensen na incoming grade six ata, di ko sure. Ayoko dun. Gusto ko dito para nandito ang Forever ko na si Louie ko.
Napa aga ata ako ah? Sabi ko naman kay Mama na mag lalakad na lang ako para hindi ako mahalatang excited makita ang Louie ko. Kaso sabi nya 6:20 na daw. Eh ano naman? Ma aga pa yun para sa akin.
Swerte na nga kung makapag flag ceremony ako e'.
"Bye po Mang Ben!" nag paalam na ko sa driver namin at lumakad na papuntang gate. Ang layo ng Front gate badtrip! Hmpff. Pero, wag ka! Ganda ng bago kong school! Ang laki. Kawawa paa ko sa paglalakad grabe. Pero para kay Louie ko, kaya to hehehe.
Naputol naman ang pag iisip ko ng biglang nag ring yung bell at nag takbuhan yung mga estudyante samantalang ako parang namamasyal lang, ina-appreciate ang ganda ng umaga. Pero hinarang ako ng teacher at sinabing wag daw akong makupad. Swerte nitong school na 'to ah, mapapakanta nila ako ng bayang magiliw este Lupang hinirang at mag papanatang makabayan pa ko. Ang bait ko talaga. Pero umpisa pa lang inaantok na ko. Para kong hinihele sa kanta ng choir nila. Sa pag kaka alam ko hindi ito Catholic school kaya bakit merong ganyan?. Nung natapos naman yung ceremony nag speech pa yung principal naming si Ginang Mercado. Para namang hindi nya kami makikita tuwing Monday.
Noong pinaakyat na nya yung mga estudyante e'hindi muna ko umakyat dahil baka maapakan yung shoes ko. Bungangaan pa ko ni Mama,sakit pa naman sa tenga yun. Pero na shock talaga ko kasi Fourth floor pala ang room ko. So pag fourth year, fourth floor din ang room? Ganon? Ang sakit ng binti ko at ang init. Ang dami ko bang arte? It's okay. Madami pa yan.
Papasok na sana ako sa room pero may pumigil sa akin at tinaasan ako ng kilay. Grabe naman to.
"May I help you? " tanong nya. Tinignan ko naman sya. Mukha syang errrr Teacher? Nag tataka pa ko kasi ang ikli talaga ng palda nya at ang kapal ng make up nya, mukha tuloy syang clown.
" Ahmm, I'm a transferee." sabi ko sa kanya at tinaasan din sya ng kilay. Akala nya! Wag syang ano! Ninong Ganda ko ang may ari ng school na'to, kung siniswerte lang talaga ako!
"Ahh, ikaw pala yung nabanggit ni Sir. I'm Duanne Bartolome, class adviser ng section na'to. Tara? " anyaya niya.
Pagpasok naman namin sa room sumipol naman 'tong mga lalaki sa unahan. Pero ako? Napako agad-agad ang tingin ko sa pinaka poging lalaking naka upo sa likod. Sino pa ba? Edi ang Louie ko! Ang saya naman nito! Fruta! Araw-araw sasabog ang ovaries ko! Yung tuwa ko mga nasa level 99999999!
Pero bago ang lahat ay kailangan ko munang mag pakilala para cool ako sa kanila.
"Hi everyone. I'm Gerilou Daza. Please be nice to me. " after kong mag pakilala binigyan na ko ng seat ni Ma'am? Duhat?
Ay! Basta. Pero syempre hindi ako pumayag. Tinuro ko agad yung upuan sa tabi ng Louie ko. Ayaw pa sana nya pero I REALLY DID INSIST.Malapit na ko sa upuan na nasa tabi ni bebeloves ko ng bigla nyang nilagyan ng bag. Ang rude nya. Pero lalo akong na i-inlove e. Kaya ang ginawa ko? Kinandong ang bag nya. Wag ka,rich kid ang lolo mo! Naka mamahaling bag. Bibili din ako nyan para couple bag mwehehe.
Pero bigla naman nyang kinuha ang bag nya at inirapan ako. Grabe kinikilig ako! Kaso wala akong mahampas.
"Pst! Kapal naman ng face mong umupo d'yan talaga ha! " napalingon naman agad ako dun sa kaliwa ko. At laking tuwa ko ng makita si Kei! Buti naman at nandito sya. Bff ko yan noong bata pa ako. Nahiwalay lang ako sa barkada namin nung nag hiwalay sina Mama at Papa.