Chapter 36

101 6 0
                                    

Thirty Sixth Kiss
=================


"Explain mo yan girl." napahinga ako ng malalim ng magsimula na si Payatot na kausapin ako. Nandito na ngayon si Myla, Kei, Cindy. Sila lang na girls.

"Ano?" pag mamaang maangan ko. Napakunot noo naman si Myla at tumabi na sa akin.

"Yung naabutan ni Payatot. Explain mo yun." bulong ni Kei. Napatingin naman ako kay Cindy na nag shrugged lang at kinalikot na ang kung ano. Minsan talaga mas masaya pang kasama si Cindy kasi tahimik lang.

"First of all. Mom's fault. Sya ang nagsabing si Louie ang tutor ko dito. Wala akong kasalanan." kinuha ko ang remote control at binuksan ang TV. Pinanood ko ang PBB pabebe Edition. Naiinis lang ako kaya pinatay ko na agad.

"Ano pa?" dagdag ni Kei habang kumakain ng popcorn.

"Ayun, nag kita kami.Then nagkaayaan pa nga kaming umalis. The day noong nagkita din tayo. Kasama ko si Calvin that time. Kasama din si Maggie so I thought na okay kami. Chill lang ba? Then dun na." napahimas ako sa paa ko. Kanina pa nila pinaalis si Louie. Pag karating na pag karating nilang lahat ay tinulak na nila to palabas ng pinto namin.

"Then?" napangisi ako sa kulit nila. Aba! Talo pa imbestigador kung mag imbestiga.

"Tapos yun nga. Tinawagan nya ko kasi nga may importante daw na matter. So pumunta ko nun. Ayun pala nag explain sya sakin. He told me he loves me. Still. Then nag walk out ako nun. Naiinis ako syempre, alam nyo naman pinag daanan ko noon diba? Then inaya ko si Calvin na mag inuman sa office. Maulan na nga noon e. Nalasing ako tapos kinabukasan di ko na alam kung pano ko napunta sa condo ni Louie. He told me na kinuha nya ko dun sa office dahil ayaw nyang kasama ko si Calvin. Hindi nya ko naihatid ka agad dahil nga may bagyo na pala noon. Napilay naman tong paa ko dahil nag try akong tumakas because of what I thought that night. Na ayaw kong makasakit. But then nahuli nya ko tapos binalik nanaman nya ko sa condo. Noong umayos na yung panahon, inihatid na nga nya ko then yun nga nakita namin si Calvin na nang gagalaiti na sa galit." napagod ako kaya isinandal sa sofa ang ulo ko. Pagod na pagod na ko. Gusto kong mag pahinga.

"Nag alala si Calvin." bulong ni Myla.

"Wala namang ginawang wrong si Louie." nagkibit balikat si Kei.

"Nagkakampihan na ba?" tanong ni Payatot. Sabay na tumango si Kei at Myla.

"Kay Calvin ako." taas kamay ni Myla. Napailing si Kei at sinabing kay Louie sya.

"Team Calou❤" napapalakpak naman si Myla sa sinabi nya. Napairap si Kei at sinabi ang bet nya.

"Team LouLou for the win." nag sign pa sya ng heart shape sa ere.

Napailing nalang si Cindy sa nakita nya.

"Mahal mo ba?" tanong bigla ni Myla.

"Si Louie?" takang tanong ko. Nakita kong napailing si Cindy at ngumisi.

"Si Calvin! Gaga to." nag shrugged lang ulit ako at ngumuya ng popcorn.

"Mahal ka ng dalawa. Haba ng hair mo mareng. Ganda oh?!" pang aasar ni Payatot. Umuwi sila ng magsawa sila sa kakatanong . Naiwan si Cindy dahil susunduin daw sya ni Ruperth dito sa bahay.

Tahimik lang kaming dalawa habang nanonood ng TV. Nagulat nalang ako ng magsalita sya.

"Mahal mo pa sya." napalingon ako sa kanya at nakunot ang noo ko.

"Ha?" ngumisi sya at pinatay ang TV. Hinarap nya ko at ngumiti sa akin.

"Mahal mo parin sya. Si Louie." nanigas ako sa sinabi nya. Hindi dahil sa nagulat ako pero dahil sa hindi ko alam kung tama sya o mali.

"Ha. Ha. Ha. Nakakatawa ka." napa halukipkip ako sa gilid at tinignan sya.

"Alam mo sa sarili mo na tama ako. You're just denying it. Nasaktan ka e. Pero believe me. The way you say his name? Kitang kita. Walang mintis na mahal mo sya. Nag nining ning mga mata e. Nasaktan ka lang talaga Gerilou. Kaya ayaw mo na. Tapos kanina tinanong ka kung mahal mo pa, tanong mo agad kung si Louie. Obvious" nakarinig ako ng busina. Si Ruperth na yun sa malamang dahil tumayo na si Cindy. Ngumiti ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng sala.

"Takot ako. Takot akong makasakit." bulong ko. Huminto sya at napangisi.

"Sort things out. The earlier the better. Para wala ng masaktan ng todo." umiling ako at tinignan sya.

"Ayokong masaktan si Calvin. He loves me so much. Si Louie may girlfriend. Ayoko ng makasakit pag tinolerate ko pa to. Masasaktan si Calvin, Louie, Maggie at lalong ako. Ayokong maging kabit." napakunot ang noo nya at hinawakan ako sa balikat.

"Stop playing safe. Stop hiding in your comfort zone. Hindi yan pag mamahal kung walang pain. Try to be stronger. Face it. Hindi ka naman magiging kabit e. Dahil sa simula pa lang naman. Mahal ka na ni Louie. Iyon ang tandaan mo. At hindi naman iyon hahayaan ni Louie e. Louie is a great guy." napangiti sya at nag kiss na sa pisngi ko. Nakita kong tumakbo sya kay Ruperth at humalik dito.

Kailan ba ko magiging ganoon? Kasing saya ng love life ng mga kaibigan ko? Tangina. Akala ko moved on na ko e. Hindi pa pala.
Nakakainis.
Nakaka urat.
Back to zero ka nanaman GERILOU.
BACK TO ZERO KA NANAMAN NG MAKITA MO SYA! GAANO KA BA KALASING SA PAG IBIG MO SA LALAKING IYON PUNYEMAS!

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Kakaisip na tama ba ang sinabi ni Cindy sa akin. Tama ba? Susundin ko ba ang sinabi nya.

***

" Coffee mo bhe." ngumiti ako kay Berny. Nandito ako sa office ngayon. Tinatapos ko ang ilang paper works dito. Iniwan ako ni Mama ngayon, may seminar ata. Si Gensen naman ay nasa school. Kasabay ko sya kanina. Yung mga alaga ko naman ayun nasa bahay. Nakauwi na daw si Calvin at natulog agad. Si Louie naman ay wala akong balitang nasagap sa kanya.

" May meeting ka mamaya with Mr.Co " napairap naman ako sa tawag nya kay Louie. Lakas maka possessive ng apelyido nya e.

"Oo na. Stop saying Mr.Co nakaka alibadbad sa tenga." napairap si Berny at nag paalam nalang na aalis sya. Sinenyasan ko syang go lang.

Natapos ko ang pag re-review sa ilang papeles na nasa table. Nag inat ako ng kaunti dahil sa ngalay ko. Mag hapon na kong nakaupo dito sa table kong ito kaharap ang mga papel.

"Ehem." napaangat ako ng tingin sa pumasok sa pinto. Bumalik ako sa pag kakayuko.

"What do you want?" nakita ko sa peripheral vision ko na naupo sya sa harapan ko. Sa mismong table ko. Naupuan nya ang ilang papeles na naroroon.
"Umalis ka nga dyan. Nakakainis ka. Nauupuan mo na yung mga papeles ko." hindi man lang sya natinag sa ginawa kong pag tulak ng kaunti sa kanya.

Imbis ay ngumisi sya lalo at tumitig sa akin.

"Hey! Get o—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla syang yumuko sa akin at dinampian ng impit na halik ang mga labi ko. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Paputol-putol na halik ang ibinigay nya sa akin. Kulang nalang ay madala ako at hatakin ko sya papalapit para mapalalim iyon ngunit agad akong napalayo sa kanya ng may lumagabog sa bandnag pintuan. Sabay kaming napatingin doon ni Louie.

Halos malaglag ang panga ko ng makita ko roon si Calvin. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nya at Gulo-gulo ang buhok. Nakita kong may basak na bote sa gilid nya. Patayo na ko sa inuupuan ko ng bigla syang mag walk out.

Akmang susundan ko sya ng hawakan ni Louie ang braso ko. Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata nyang mapupungay.

"Stay. Please? For me." napatitig ako sa kanya.

Bumagsak ako inuupuan ko kanina.

I'm going to stay. Right beside him. This is where I belong. Matagal na.

~•~
Hi! Ola amigos. Choss. May nag babasa pa ba? Hit vote! ❤

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon