Chapter 26

118 6 0
                                    

Twenty Sixth Kiss

---

"Napadaan ka be? At ikaw din Celestine?" tanong ko matapos kong iabot sakanila yung ice cream na binili ko.

" Salamat dito ate, well.... May nabalitaan kasi ako." ngumiti ito at yumuko.

"Balita? Ano yun. Nako! Baka hindi naman ako pinunta mo dito ah. Baka yung kuya mo!" ngumisi ako at sumubo ng ice cream ko. Yummy!

"Alam ko na yung inyo ni Kuya. Yaan mo yun, mag dusa sya. Ang fugly naman ng new girl nya e. Saka ito... " ngumisi sya at ipinakita sa akin ang phone nya. Kumunot naman ang noo ko.

"Huy! Hindi ako bumibili ng nakaw na cellphone! Nuh ka ba?" ngumiwi sya at hinampas ako.

"Ate naman e. Hindi to nakaw. Phone ko to, may ipapanood ako." tumawa sya at pinindot ang play.

Tinignan kong maigi yung pinapanood ko. Ahhh, video ko to ah!? Astig ko pa din makipag bugbugan men!!! Artista na ko!

"Oh? San mo nakuha to?" kumunot naman ang noo nya at tumawa.

" Pinapanood nina kuya Voltaire e, pina pasa ko. Idol na kita, saka ito yung new girl diba? Dapat lang yung ginawa mo. Hehehe, y'know what ate? You should go with us sometimes. Gusto ka namin maka bond." ngumisi siya at may tinawag sa kabilang dako. Yung bff nya slash cousin nya na si Celestine na naka salamin pero hindi mukhang nerd.

"Hi ate!" humalik ito sa pisngi ko at ngumiti. Gaganda ng lahi ng mga tao. Takte! Sana pala nag pa ampon nalang ako sa mga magulang nitong mga to. Mwehehe

"Hi! Ba't ba kasi kayo napadpad talaga dito? Maliban dyan sa video na yan?" kumunot ang noo ko at tinignan sila. Ngumisi naman sila at tinignan ako.

"Birthday ko kasi ate, i-invite sana kita sa bahay. Pwede ka ba? " tanong ni Celestine na inaayos ang salamin nya.

"H-huh? Ako? Haru jusku! Nakakahiya. Baka ma OP ako dun" umiling ako at ngumiwi. Nakakahiya naman nuh, for sure nandoon ang haliparot na girlfriend ng ex ko diba? Ayoko naman na syang makasalamuha pa. Masakit kasi. Sobra kaya.

"Ate naman e, invited naman din yung mga friends mo. May invitation na sila. Please? " pinagsalikop ni Celine ang kamay niya at nag puppy eyes. Sino daw? Mga kaibigan ko may invitations na? Parang di ko naman alam na close sila. Hmp? I smell something fishy.

"Ito ate o. Pumunta ka ah? Bye!" tumayo na sila at umalis.

Ano pa bang magagawa ko? Iniwan na sa akin tong invitation. Haru jusko! Sigurado ako mag kikita kami dun. Ano ba itong pinasok ko?

--

"Oy! Kayo! May atraso kayo sa akin!" ngumisi naman sa akin si Joselle at umakbay pa. Gunggung na to.

"Alam namin, pero grasya yun! Free foodie ! " tumawa sya at nakipag apir pa kay Ruperth. Siniko ko nga.

"Tumigil ka nga dyan Jos! Parang di ka mayaman. Free foodie ka pang nalalaman" inirapan naman siya ni Kei kaya ako tumawa. Tiklop si mokong.

"Sumama kami don kasi syempre inimbitahan kami. Saka y'know baka may pogi doon." hinarap ko naman si Myla na ngingisi-ngisi sa kawalan. Baliw to, sino kausap nyan? Tinignan ko din si Kei na naka kunot ang noo kay labanos.

"Baliw." bulong niya. Kala mo naman sya hindi.

"Nagugutom na ko! Tara Ruperth!" tinignan ko naman si Gil na nakahawak sa tiyan niya.

"Oys! Waittttt. Wag kayo masyadong kumain ng madami. Kakain tayo, libre ko." tumayo na ko sa inuupuan ko at kinuha na ang mga libro ko. Haist! Mag fa-finals na!

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon