Chapter 16

166 5 1
                                    

Sixteenth Kiss

-

6:30 am, sakto ma'frends. Maaga akong papasok ngayon. Hindi dahil sa gusto kong mag flag ceremony,kundi dahil may ishe-share ako kina Kei. Mwehehehe.

Pag karating ko sa room, nakita ko agad ang mukha ni Kei at ni Jessalyn na nag kwe-kwentuhan sa tabi ng bintana. Anong chika nanaman nila?

"Boo! Anong chismis ngayon?" tumabi ako kay Kei at tinignan sila. Tumawa naman si Jessalyn at tumingin muna kay Kei bago sa akin.

"Wala naman 'tol, may ilang bagay lang na hindi pa panahon para malaman mo. Diba Kei? " nag taka naman ako sa sinabi ni Payatot kaya naman tinignan ko din si Kei na umiwas ng tingin. Mamatay na ba sya? Tsk. Sayang naman kung ganoon. Mawawalan na ko ng chiking kaibigan. Mwehehe

"Ayy! Teka lang ma'frends, may ipapakita akong video sa inyo!" binuklat ko ang bag ko at nilabas ang iPhone ko. Tinignan ko naman silang dalawa at bakas sa mukha nilang chiki ang gulat. Ngayon lang siguro sila nakakita ng maganda╰(*'︶'*)╯.

"Ano nanaman yan? Porn? Tapos na ko sa mga yan" aakmang tatayo sana si Jessalyn ng hinatak ko ang palda nya. Ngumiwi sya sa akin at tinignan ang palda nya, sira ang lock. Sinamaan nya ko ng tingin at diningdong ang buhok ko."Gaga ka! Lagot ako kay Mama nito e!". Tinawanan lang sya ni Kei at tumingin na sila sa akin. "Ano na?" tanong nilang dalawa. Pinunta ko agad sa gallery at videos and voila!

"Hala! May s*x video ka?! Ewww" sabi ni Kei at tinulak ako. Agad ko naman syang kinotongan at umirap na sa kanya. Pinanood ko sa kanila ang ohh sooo sweettttt na video namin ni Bebeloves ko~

"Barbie! Ang haba ng hair mo ditey! Sweet nga! " tinulak-tulak pa ko ni Jessalyn at kinilig-kilig pa. Pistiii! Kinikilig na kaming tatlo dito! Wahhhhhhhhhhhhhhh( ˘ ³˘)♥.

"Ang aga-aga ang tamis ng pinapakita mo sa akin! Letshe." dinukot ni Kei ang phone nya at kinuha ang iPhone ko. Iblue-Bluetooth siguro. Mwehehehe basta ako kinikilig♥

**

"Morning Louie"

"Morning L! "

"Morning! "

"Morning Co"

"Morning Pinsan! "

"Binata ka na talaga! "

"Bebeloves! Goodmorning! Mwamwa! "

What's happening??? Wala akong idea kung anong meron. Bakit buhay na buhay ang dugo ng buong barkada, pati na ang buong klase. Lalo na ang isang ito na papalapit sa akin.

"Bebeloves ko! Ang pogi pogi mo talaga!" pinulupot nya ang braso nya sa braso ko. Ngiting-ngiti nya kong hinatak sa upuan namin. May problema ba? Tsk. *irap.

"Is there something wrong?" di ko na mapigilang mag tanong sa katabi ko, o well sa girlfriend ko.

"Wala naman ^o^" agad syang tumalikod sa akin at nag tatatakbong umalis at mukhang.... Kinikilig pa? Bakit ganon ang itsura non? Alam ko namang ganon talaga ang itsura nya. Pero bakit parang iba? May ib-.

"Pinsan, ang sweet mo naman talaga. Ang aga mo pang umuwi sa Pinas. Tsktsk." napapailing na humarap sa akin ang pinsan kong ito, ano bang sinasabi nya?

"Oo nga pare, iba ka pala duma-moves. Lintyak! Iba talaga!" nag tawanan naman sina Ruperth at Gil sa gilid ko.

"May nalalamang kapang kwintas! Ahahhaha iba to mga tol! Master" sabi naman ni Joselle na kulang nalang ay mamatay na sa kakatawa. Teka. Paano nila nalaman iyon?! B-bakit? P-pano?

"Wag ka na mag taka, ikinalat na ng bebeloves mo.hahaha" sumbong ni Ruperth at ngumisi. Ano daw!? Kinalat ng Girlfriend!? Nasaan na ba ang isang iyon!?

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon