Chapter 39

108 6 1
                                    

Thirty Nineth Kiss

==================

"Ba't ba ang daming tao na naman dito?" naka kunot noong tanong niya sa amin. Nag tinginan kami ni Tita at tumango sya sa akin. Pinuntahan ko ang doktor ni Gerilou. This can't be. This is ridiculous.

Nanghihina kong nilakad ang pasilyong iyon papunta sa opisina ng doktor. Marahan akong kumatok bago nya ko pinapasok. The doctor is young as my mom. She's nice.

"Mr.Co? How's your friend? Okay na ba sya? Naka adopt na ba?" sunud-sunod nyang tanong sa akin. Ngumiti ako at umupo sa harap nya.

"No doc, she can't remember us. How come na okay sya? Ano bang solusyon. Damn! I can't take this." ngumiti ng mapait sa akin ang doktora.

"Just like what I said. She's traumatized. Emotionally? I guess. Dahil iyon sa impact ng accident sa kanya. This may not too much time for her to recollect her memories." ngumiti ang doktora sa akin. Like what she said weeks ago. Ganun pa din ang natanggap ko. It seems legit.

***

"San tayo pupunta?" tinignan ko ng nag tataka si Mama. Mama ko daw sya e. Kahit na hindi ko sila matandaan. Sumasakit na nga ang ulo ko kaka alala.

"Sa bahay,uuwi na tayo" nakita kong ngumiti sya at inalalayan ako. Hindi rin ako makapaniwala noong una na sya ang Mama ko, hindi kami mag kamukha. Pati iyong kapatid ko daw. Parang mas maganda ang lahi ko doon. Di ko ata kapatid iyon.

Hindi naman masyadong matagal ang byahe pauwi sa bahay daw namin. Nang makarating kami ay nakita kong may banderitas pa sa loob ng salas ng bahay. Ang dami nanamang tao. Tsk. Ayoko ng madaming tao. Ayoko sila makita kasi sumasakit ang brain cells ko.

"Anong meron?" nag sipag ngiwi ang mga lalaki sa tanong ko. Pero isang lalaki ang ngumiti sa akin at inakay ako papalapit sa kanya. Mukha syang intsik. Hindi ko sya nakita noong nakaraan.

"Ako nga pala si Calvin. We're b-best este close friend. Ako kasama mo sa ibang bansa. You build a band. Ako yung vocalist mo. Ito si Mix, Chad at James." tumango ako tinignan sila. Hindi ko sila maalala. Ano bang bago? Wala akong matandaan.
Wala daw sila noong nakaraan dahil sa concert. Taray! Nagagawa ko ng mag pa concert!

Inakay naman nila ko papuntang kusina at nakita kong parang may birthday sa dami ng handa. Ano ba naman to?

"Hi!" napalingon naman ako sa pinto at napabuntong hininga. Nakakainis, nandito nanaman yan. Nakakairita na ang mukha nyan. Naiinis ako.

"Ano nanamang ginagawa mo dito. Hindi ka pa ba nag sasawa sa mukha ko?" bulong ko ng makalapit sya sa akin at aakmang hahalik sa pisngi ko.

Nakita kong napatikhim din ang mga Bestfriends ko kuno. Itong si Jessalyn ay napa iling nalang.

"Hindi ako mag sasawa sa mukha mo." bulong nya at hinalikan ang ulunan ko. Napangiwi ako at napalayo. Nanlaki ang mata ni Mama sa gilid.

"Ka ano-ano ba kita? Napaka close ba natin at ang clingy mo e." ngumiti sya at aakmang magsasalita ng may biglang tumawa sa gilid. Si Calvin.

"Pfft. Ayaw sayo bro." namumula pa syang nag pipigil ng tawa. Naiinis din ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

"Ayoko din naman sa company mo, ninyo.... " iniwan ko sila at kumuha na ng pagkain. Naramdaman kong natigilan silang lahat. Lumakad ako palabas ng kusina ng mapansin kong nakayuko yung Louie.

Hindi ko nalang pinansin ang mga naroroon. I don't really understand why I'm like this to them. Especially, to those boys inside.

Baka may nagawa sila sa akin noon? Baka naman may atraso sila. Or may boyfriend ako sa kanilang dalawa then ex ko yung isa? Ewan.

"Gerilou.... " napalingon naman ako kay Kei. She's getting married na daw, with our friend.

"Yep?" ngumiti lang sya at hinawakan ang kamay ko.

"Louie is my cousin, if you don't remember." bulong nya at inaya na kong pumasok sa loob dahil makikipag catch up nga raw ako. Napakunot noo ako, ano naman ngayon kung pinsan nya?

"Hey guys. Kain na tayo!" narinig kong tawag ni Mama sa mga bisita namin. They all look alive now. Nakabawi na ata sila.

***

Tatlong linggo na ko dito sa bahay at wala pa din akong maalala. Mga panaginip lang tulad ng pool,school and ibang bansa. Yun lang. Blurry pa ang vision ko sa mga iyon. Haist.

"Nak, sama ka?" tinignan ko si Mama na naka sandal sa hamba ng pintuan ko. Umiling ako at kumaway nalang. Hindi buo ang pamilya ko, they separated Eons ago. My Dad had her second marriage then my Mom kept herself single.

Ang kapatid ko ay nasa school. Hindi ko alam kung bakit, baka nag ma-masters.

Inopen ko ang fb ko sa phone ko daw. Hindi ko naman ni log out kaya naka log in pa din. Nakita ko ang mga madra-drama kong post sa fb.

"We're meant to be"
"Love at the wrong time"
"Hoping for the nice outcome"
"Bebeloves" ewwww. Napaka kadiri ng post ko. Ang emo.

Pero kahit ganoon, nararamdaman ko pa din naman na may kulang sa akin. Iyong part na alam kong may dapat akong maalala doon. Alam ko at nararamdaman ko din na meron akong unresolved problem bago ang aksidente. Sabi nila, nalaglag daw sa bangin ang minamaneho ko. May hawak akong phone at iyon na yun. Hanggang doon na lang ang alam ko.

Bago pa sumabog ang utak ko ay napag isip-isip kong lumabas ng bahay at mag libot sa mall.

Nang makarating naman ako ay mahilo-hilo ako sa luwag ng mall, walang masyadong tao ngayon. Weekdays kasi.

Nakaramdam ako ng gutom kayatqnag hanap ako ng makakainan. Napadaan ako sa McDo, Jollibee at KF....... C.......

"Yung iPhone ko....."

"Just eat okay? "

"Miss okay ka lang?" napalingon akong bigla sa bababeng kumalabit sa akin. I exhaled. Ano ba yun? Memories?
Binaliwala ko ang gutom at umuwi na lang. Binuksan ko ang fb ko at nag search.

I found old photos and all. Kasama ko nga silang lahat.... But what caught my attention is this pictures. Taken way back when I was still in high school.

Prom, battles, graduation, intramurals. And a date in KFC.






With Louie......

Napatulala ako sa kawalan. Ano bang koneksyon namin!?

Hindi ako napakali kaya't halos itaob ko ang buong bahay para makahanap ng ebidensya na nag uugnay sa aming dalawa.

I went to my Mom's room then to Gensen's room. Halos mawalan na ko kumpyansa ng wala akong mahanap. Nakakainis.....

"Eto ba hinahanap mo Panget?" napalingon ako sa may pinto. Nahuli na ko ng mabait kong kapatid.

May hawak syang kahon. Mukhang luma na.

"Eto yung binalik mong kahon kay Kuya noon, then nung umalis ka... Binalik nya sakin. Sabi nya, iyo yan" binagsak nya sa harap ko ang kahon at tumalikod na.

I opened the box and saw some memorabilias. Bag na red na sumisigaw ng kilalang tatak, mga pictures at ilang gamit. Kwintas at kung ano pa

Kinuha ko ang mga picture na nandodoon at tinignan. Those picture, where there is me and him. Louie. So we have a past? Yeah, we have a past.

Binasa ko ang ilang sweet letters na nasa likod. Those cheesy lines and all.

I stood up. Pupuntahan ko sya. I need to ask him if ano pa bang nangyari sa amin noon. Why didn't we end up together? What happened?

What happened to us?

••••
Hello! Sorry natagalan ang Update. Been busy, nag kasakit pa ko T.T tara iyak. Tapos prelim na ngayon. Haist buhay college nga naman pero worth it to at the end.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon