Chapter 23

115 5 0
                                    

Twenty Third Kiss

--

"Ano nang nararamdaman mo? Okay ka na ba? Sabihin mo, para alam ni Mama. " tinignan ko si Mama, itim na itim ang ilalim ng mata nya. Wala pa syang tulog sa malamang.

"Mama, o-okay lang ako. Mag pahinga ka na." sabi ko at pilit na ngumiti. Lumamlam naman ang mata ni Mama at umupo sa gilid ko. Hinawakan nya din ang kamay ko.

"Pumunta sya rito. Noong nakaraan, nandito sya kasunuran nina Kei." umiling ako at ngumisi.

"Ano pang ginagawa nya rito? Tapos na kami Ma." umiling si Mama at niyapos ang kamay ko.

"Mahal ka nya nak, nararamdaman ko." hindi ko napigilang maluha sa sinabi ni Mama.

"Mama, buti ka pa nararamdaman mo. Ako kasi. Hindi. Hindi ko ramdam." pinunasan ko ang luha ko at ngumiti kay Mama. Natigil sya sa pag kwe-kwento sa akin ng bumukas ng marahas ang pintuan ng kwarto ko. Ang mga hanemal, sumugod!
Sunod-sunod silang pumasok at nag tatalon sa kama ko. Nahihilo ako!!!

"Potanginers! Gising ka na Tol! Hayuf. Miss na miss na kita." saktong babatukan na ko ni Jessalyn ng pigilan sya ni Calvin.

"Sige batukasn mo ko Payatot, sa leeg mo itatarak tong suwero ko." ngumisi ako at inirapan sya.

"Oh? Musta tulog mo? Limang araw kang tulog. Ang dami mong hindi nakita lalo na si Magg— ang sakit nun ah!" hindi na natapos ni Joselle ang sasabihin nya ng dikuhin sya ni Kei sa tyan. Ang sweet talaga nila pero marahas.

"Well, ayos naman ang tulog ko. Gusto ko ulit ng ganun." tumawa ko pero ako lang. Di sila tumawa. Sinamaan ako ng tingin ni Myla. "Easy lang! Joke lang uyy." sabi ko at binato sya ng ubas sa mukha.

"Wag mo ng uulitin yun! Gago ka. Imbis na di na ko nag mumura napapamura pa ko sayo. Napapa away pa kami." singhal ni Kei sa akin. Binato ko din sya ng ubas sa mukha. Sinamaan nya naman ako ng tingin at aakmang kokonyatan ako ng harangan sya ni Calvin. Binelatan ko sya. Umupo si Calvin sa tabi ko at hinimas ang ulo ko. Landi talaga nitong si Bakla.

"Ba't ka naman na paaway? Monggis ka talaga. Saka ansarap talagang mag drive. Yung lasing? Try mo bae." kinurot naman ako sa pisngi ni Ruperth kaya hinimas ko iyon at inirapan sya.

"Wag mo ng uulitin yun ha? Nag alala kami. Kahit naman sya." makahulugang ngumiti si Ruperth at Gil sa akin. Napailing ako at tumawa. Hibang na ba sila?

"Hibang na ba kayo? Iyon? Mag aalala? Yung... Gunggong na yun? HAHAHAHA!" natulala sila sa akin at Kitang-kita ko na sabay-sabay silang nalungkot. So? Anong meron?

"Hindi na ba maaayos?" tanong ni Myla sa akin. Sabay na nag tinginan sina Jessalyn at Kei sa kanya.
"Wag kang tanga teh! Diba nabugbog ko na si L— este si fotangners? Nasampal naman na ni Kei si sahog? Tingin mo maaayos pa yun?" kulang nalang mapatid na ang litid ni Jessalyn kaka explain. Saka.... Ano raw? Binugbog at sinampal? Nagulat naman ako ng may binulong si Calvin sa akin.

"Hayaan mo na. Wag ka ng mag tanong. Obviously, ganun naman talaga ang gagawin nila." sabi nito at ngumisi. Tumango ako at tinignan ang mga kabarkada ko. Busy pa din sa pag tatalo at pag kain ng pagkain ko. Oo, kinakain nila. Mga hampaslupang ito! Nakikain lang ata.

"Papasok na ko next week." mahina kong sabi. Agad silang natapos sa pag bubugbugan at nilingon ako.

"Papasok ka na? Wag muna." sabi ni Gil at inakbayan si Jessalyn na nakatunganga sa akin.
"Oo nga baka mabinat ka." sabi ni Ruperth at hinawakan ang girlfriend nyang nakatulala sa labas ng binatana na para bang ewan dun.
"True, baka mabinat ka ateng!" pag sang ayon din ni Joselle kaso hinampas sya ni Kei.
"Bading!!" ngumiwi ako doon. Sadista talaga yang panget na yan.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon