Seventh Kiss
-
"Nakakahiya ka talaga ate! Kapatid ba talaga kita? " nang aasar na tanong sa akin ni Gensen. Ang hampaslupang ito hindi pa ko tinitigilan, apat na arae na ang nakakaraan at di pasya nakakamove on. Sarap lang sipain sa mukha.
"Oo, hindi kita kapatid! Ampon ka kasi! Blehhh ~" sabay lakad palabas ng bahay kasi nga papasok ako.
Kung nagtatanong kayo kung bakit ganun nalang mang asar ang kapatid kong bugok e kasi nga ganito yun...
Noong gabing natulog si Louie ko sa kwarto e hindi ko mapigilan mag isip ng mga makamundong bagay, ang sexy kasi ng likod nya. At dahil doon kinaumagahan ay nagising akong naka ngisi sya sa akin dahil ba naman sa pwesto kong nakayakap sa kanya. Chansing sana yun! Kaso biglang pumasok si Mama at pinagalitan ako. Ano daw ang pumasok sa isip ko at ng yayakap ako ng bisita. Nakakainis nga e. Yung bebeloves ko ngisi-ngisi lang dun sa gilid. Hmpff.
"Tol! Anyare sa mukha mo? Ba't ganyan yan?" kakatapos lang ng subject namin before break kaya ito'ng asungot na si Jessalyn e'ang lakas mang alaska. Kala naman nya ikinabawas ng kagandahan ko ang panglalait nya sa beauty ko.
"Ako'y tigilan mo Payatot! baka di kita matantya dyan at bigwasan kita dyan" inirapan ko sya at ininom ang juice ko. Ang sarap talaga nitong juice na to.
"Oh, nagkakainitan ata kayo dyan Payatot" biglang dating naman ni Kei kasama si Myla. Nagkakasundo kasi sila sa sayaw kaya baka umalis din ang isang yan sa club ng Glee.
"Ewan ko ba dyan kay Lulu, ang init ng ulo sa akin. Kala nya naman." sabi ni Jessalyn na animo nagtatampo. Agad ko naman syang kinotongan at niyakap. Tinulak lang nya ko, maarte talaga!
"Eh kasi naman! Si Mama nakakaasar. Pinagalitan ba naman ako kasi niyakap ko si Louie ko..... " and my story goes on. Humagalpak pa sila ng tawa matapos kong i kwento sa kanila. Na darag tuloy ako.
Hindi ko sila pinansin hanggang uwian, bahala sila sa buhay nila. Wala silang nakopyahan sa english at physics namin kaya bokya ang scores nila. Naasar kasi ako hindi man lang nila ako dinamayan, ang boring din kasi may laban ang swimming team ng school namin at kasama doon ang bebeloves ko kaya hindi ko sya nakikita as of these days. Natapos lang ang boring time ko ng ipasundo ako ni Joselle dahil hinahanap daw ako ni Calvin dahil may practice daw kami. Hindi na ko nag inarte kay Joselle at sumama nalang sa kanya. Naabutan ko naman si Calvin na kumakanta.
"Ba't mo ko pinatawag calvs? "hindi ko sya hinarap at umupo nalang sa gilid at tumapat sa may mic.
"Mag pra-practice po kasi tayo para sa acquaintance party kamahalan! " at doon ko lang naalala na malapit na nga pala iyon.
"Wala pa kong partner dun a." nakaka stress naman, once na makabalik si Louie ko dito e'aayain ko na sya
"Tigilan mo nga muna ang pag papantasya, mag practice muna tayo! Akala mo ba madali ang ganito? Hindi kasi first time...... " at doon ay nag litanya na sya, para syang nag fli-fliptop. Wala nga lang ka battle
"Blahhhhhhh, tigil na! Ang ingay mo e. Sige na start na tayo. Ano bang kakantahin natin?" nakakatuliro ang boses nito.
-
"Nakabili ka na ba ng damit mo sa party?" parang bata talaga tong si Myla, akala mo naman talaga.
"Oo, ikaw ba?" tanong ko pabalik,hindi kasi yan titigil pag hindi ko kinausap. Ganyan yan!
"Oo naman, ako pa ba? "sabi nya hanggang sa sina Kei at Jessalyn na ang kausap nya.
"Hoy Kei! Sasama ba si Louie ko sa Party?" kasi kung sasama ang bebeloves ko e papabilhin ko sya ng kulay peach na necktie dahil ganoon ang kulay ng dress ko mwehehe.
"Hindi sumasama yun sa mga party na ganito ano! Haha asa ka naman 'tol" para kong dinarag sa sinabi ni Kei. Gumuho ang pangarap ko na makasama sya sa gabing iyon. Fruta ang sama sa pakiramdam dahil alam kong OA ako. Mwehehe pero truthful yun na ang sama sa pakiramdam. Pangarap ko kasi iyon. Yung makasayaw sya, yung makasama sya buong gabi, yung holding hands, yung susunduin at ihahatid nya ko sa bahay pauwe at yung iki-kiss nya ko later that night.
"Huy! Tulala ka dyan? Nag iimagine ka na namang tukmol ka?" sabay batok ni Jessalyn sa akin. Mahal talaga ko nito e. Kaya binatukan ko din sya.
"E kung tigpasin ko ulo ng boyfriend mo? Para hindi sya makapunta at parehas tayong walang date?" sabay irap sa kanya. Kala nya talaga e no?
"Joke lang naman! Dyan ka na nga." sabay talikod din sa akin.
Natapos ang school at practice namin ay nakauwi na din agad ako. Ang sakit sa katawan, na plakda agad ako sa kama at nakatulog. Hindi ko namalayan na umaga na ng kinabukasan. Exactly two days before the party. Siguro ngayon ko aayain si Louie ko. Ngayon kasi sya papasok after ng vacation nila nabigay ng coach nila after ng competition nila. Paano ko nalaman? Kinulit ko sa txt. Wala syang magawa e. Mwehehe :P
Matapos kong mag drama e bumangon na ko. Mala-late ako ng wala sa oras. Iregular class na kasi simula ngayong araw. Kung normal lang na estudyante ako e walang problema kasi hindi na ko papasok kaso dahil ako ay isang Diyosa kalahating tao at may performance pa kami na dapat ipractice. Isama mo na may jowasky akis sa school. Shettt. Kinilig nanaman ako kasi makikita ko na sya!
Kung sinuswerte nga naman ako e papasok pa lang ako sa gate e na spot-an ko na ang bebeloves ko na may hawak na bow. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa pwesto nya. Nakita ko naman ang barkada na nakangisi nung makita nila ako. Agad ko syang niyakap mula sa likod at ngumisi napaharap agad sya sa akin at umirap pero hindi nya tinatanggal ang pag kakayakap ko sa kanya.
"Na-miss kita! Pa-superhug nga!"at niyakap ko pa sya lalo. Inirapan nya lang ako at inangat ang ulo ko. Tinitigan nya ko ng maigi at doon.. Nasuka nanaman ako ng rainbows and butterflies yiee. Mwehehhe yung titig nya tumatagos hanggang kaluluwa ko shett!
"Did you eat your breakfast?" tanong nya na talaga namang nag pataas ng balahibo ko! Shett! Nag aalala sya!? Mwehehehe kinikilig ako! Frutaaaaaaaaaaa
"Whyyyyyy?" tanong ko na hindi pa din inaalis ang yakap ko sakanya, hindi alintana na may mga taong nakatingin sa amin. Yieee.
"You're pale." at doon nya ko hinatak papunta sa canteen. Hawak-hawak nya ang siko ko habang naglalakad kami. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa mga nadadaanan namin, ikaw ba naman makakita ng diyosa at isang adonis e. Mwehehe
Pagkarating namin sa cafeteria ay binilhan nya agad ako ng umagahan samantalang sya ay bumili lang ng sandwich.
"Dapat di mo na ko binilhan, sanay naman ako na hindi nag bre-breakfast e" totoo naman ang sinabi ko, sanay ako na walang kain-kain pag umaga.
"If you want to be my girl then eat well, I don't like petite girls. I want my girl to be healthy " seryoso nyang sabi sabay kagat ng sandwich nya. Napatulala naman ako sa sinabi nya. I just realize na he just acknowledge me as his girl. It's... Undeniably sweet. My sweet bones din pala ang isang Louie Co.
Nawala lang ako sa pag de-day dream ng may makita akong mayonnaise sa gilid ng bibig nya. Walang sabi kong pinunasan ang gilid ng lips nya at ngumite. Bakas sa mukha nya yung pagkabigla pero umiling na lang sya at napangisi. Owwww! Napakilig ko ang isang tulad nya! It's one of my achievements na! Mwehehe.
"Kinilig ka naman! " tudyo ko sa kanya. Pero inirapan nya lang ako at tumayo na. Iniwan ako dun. Mwehehe.
Natapos ko yung umagahan ko ng naka ngiti. Azar! Kinikilig ako kasi naman eeee~~
Yieeeeeeeeeeeeeeeeeeee❤❤
~•~
Here's the UD:)
Sorry late na. Kaka start palang ng Christmas vacation namin e ✌✌
Vote, comment and be a fan