Forth Kiss
"Nakikita mo ba to'ng fountain pen ko? Gusto mo bang tumagos to sa balat mo?" nasa mood ako kanina tapos makita-kita ko ba naman to? Tsk! Pakyu.
At Oo, nang bu-bully ako! Mwehehehe
"A-ayaw.ko.. Sige.. "sabay takbo. Hmpf! Lakas ng loob lumapit sa bebeloves ko kanina, takot naman pala sa ballpen. Kung gusto sana nya ako nalang mag tuturo ng archery sa kanya basta sya yung target ko e. Mwehehee
"Oi! San ka ba galing at kanina ka pa hinahanap nina Jessalyn sa akin!" Naku! eto namang babaeng ito e hindi mapigil ang bibig. Saka nakaka rami nadin sa akin to e. Pansin ko na umaaligid din to sa Louie ko. Bangasan ko kaya to? Hmm?
"Hoy, ako'y tigil-tigilan mo Kei a! Nakaka rami ka na!. Nasaan na ba yung payatot na si Jessalyn ha?! " nag iinit ang bumbunan ko dito e.
"Problema mo 'tol? Init ng ulo neto! " aba, sya pa ang may ganang mang ganyan! Nako maka alis na nga ako nalang ang mag hahanap kay payatot.
"Eto naman! Nag bibiro lang. Ano bang ipinuputok ng butsi mo ah? " nakasunod nanaman sya, dyosme.
"E kasi ikaw! Harot mo din e, banatan kita dyan! Lapit ka ng lapit sa bebeloves ko! Bakit ba!? Tinatalo mo ba ko?! You don't do that to me! " kaso binatukan nya lang ako. Problema nya?!
"Kei! Sigi na please!, samahan na kita papunta dun. Ha? Ha? " naku! Kailangan ako'ng isama ng isang ito! Opportunity na rin yun.
"Heh! Matapos mo ko'ng pag isipan ng masama? Grabe ka naman 'tol. It hurts you know?? " binatukan ko nga. Dami arte sa katawan.
"Dami mong arte! Isama mo nalang ako. Saka kasalanan ko ba yun? Sino bang hindi nag sasabe? Ako ba?? " grabe! Yung asar ko mga level 99999 na! Azar e.
"Ang bonak mo din kasi ano? Alam mo yung middle initial ko? Co din yun. Saka, that's the point! Wala kang tiwala sa akin! Hmpf." sabay irap sa akin. Oo na! Mag pinsan pala sila ni bebeloves ko. Kaya medyo close sila.
"Malandi! Basta isama mo ko ah! Titigpasin ko yang ulo mo pag iniwan mo ko!.Later! Hahanapin ko pa si Payatot." late na din kasi ako sa glee practice namin e. Mwehehehe.
.
.
.
.
"Huy! Calvs' Anong grupo mo?" nakaka asar bakit ako nahiwalay kina Jessalyn at Myla?
"romantic genre, bakit? " akala ko friends na kami nito'ng si Calvin e. Kaso badtrip,masungit. Talo nya pa ang may dalaw araw-araw, sarap palamunin ng whisper with wings!
"Ano?! Mag ka group tayo?! Lord! Bakit?! " grabe naman lord? Sa kanya mo talaga ko igrinoup? Kakasabi ko lang na may dalaw sya Araw-araw e.
"Angal ka? Arte mo naman! Maganda ba boses mo?" aba! Ako pa tinanong nya nyan? Gunggung ito'ng kaharap ko. Sa dyosa ko'ng mukha e maganda din ang boses ko, almost perfect na nga e! Sa Math lang talaga pumalya! Tsk. Tsk.
"Pakyu ka! Hati kayo ni Mayor! " iniwan ko na nga. Daming dakdak. Parang babae, dapat mag sama sila ni Joselle.
Kakalabas ko lang e, nakita ko na si bebeloves ko na nag lalakad papunta sa way ko. Ay sus! Susunduin nya pa ko? No need naman ah. Napaka thoughtful talaga nya, kaya ako nai-inlove e.
"bebeloves ko! Ikaw talaga sinundo mo pa talaga ako? Grabe kaman! Kiniki-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nilagpasan ako. Nahihiya pa sya sa mga tao? Sa ganda ko na to? Ikakahiya nya? Fruta naman talaga ohh!
"huy! Louie ko! Pupunta ko sa bahay nyo ah. Kasama ko si Kei e. Huy! Ha? Pupunta ko. E kung gusto mo sasama nalang ako sayo!,Oo! Sasabay nalang ako. " naku, medyo nakakahingal din pala yung lakad takbo tapos nag sasalita? Nakakahingal din ah.