Thirty Second Kiss
==================
"Napunta ka lang ng ibang bansa, ang dami mo ng boys!" tinignan ko ng masama si Kei kaso ngumisi lang sya.
"Really? Boys? Tawag nyo sa mga yan? Baka alagain." kinotongan naman ako ni Calvin na nasa gilid. Nandito kami sa isang Cafe malapit sa SM. Ayaw ko sila sa bahay, nandoon ang mga asungot. Saka mas gusto nila dito e.
"Na miss kita gaga ka! Hindi ka na namin ma contact!" nguso ni Myla. Tumawa ako. Kakatapos lang naming mag kamustahan at eto nanaman kami.
"Super busy ako guys! Sobra. Ang hectic ng sched." sabi ko at tinignan si Joselle na hawak ang kamay ni Kei. They're engaged.
"Pero ang di ko talaga ma reach ay itong si Calvin! Nag pro-props na ngayon para di makilala! Iba ka na pre." hinampas naman ni Calvin si Gil sa braso at nag tawanan sila. I stood up and excuse myself. Pumunta ako ng comfort room at nag retouch. Narinig kong bumukas ang pinto and I saw Myla.
"Oh? Ba't sumunod na kayo girls?" tanong ko sa kanila. Nag shrugged lang si Cindy.
"Anong balita sayo for how many effin years?!" naka ngiting tanong ni Payatot.
"Oww, maliban sa sobrang busy at naka graduate ako. And all,wala naman na." nakangisi akong pinisil ang kamay ni Kei na may singsing. Kitang-kita ko sa mata nya na masaya sya sa kung ano mang meron sya ngayon.
"E ano yung mga chismis sa inyo?" tanong ni Myla sa gilid. Inirapan ko sya at kinurot sa pisngi.
"Nino naman?" lumabas kami sabay-sabay at tumambay sa may veranda ng cafe.
"Ni Calvin! Hello?! Noon pa man feel ko na sya!" naka ngising nag tatatalon si Payatot sa gilid ko. Hatakin daw ba yung sleeves ng shirt ko.
"Si Calvin? Yeah. Nag paparamdam but Y'know me naman diba? "
"Hmmmmmm. Eto..... " nakakalokong naka ngisi nanaman si Jessalyn sa akin kaya medyo kinabahan ako.
"Ano yun?"
"Moved on ka na?" tanong ni Kei. Napatawa tuloy ako.
"Sobra! Grabe naman kayo! Tagal na nun!" nangaasar na sabi ko. Nag taasan naman ang kilay nila at pumamewang.
"E kung sabihin naming nandito sya." naka poker face na sabi Ni Cindy sa gilid ko kaya napatingin ako.
Naramdaman kong para akong tatakasan ng ulirat. Hinatupak na babaeng to.
****
"Tigilan mo ko G*go ka!" inis akong pinaandar ang Hilux ko at tinignan sya ng masama. Epal talaga tong si Jessalyn e. Kung di lang ako mabait na isabay na sya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! BAKLA DAPAT NAKITA MO YUNG EPIC MONG MUKHA KANINA!" napairap ako at tinulak sya. Tawa parin sya ng tawa. Hindi ko sya pinansin at hinayaan na sya. Nakita nya kasi na namutla ako kanina kaya hanggang ngayon inaasar nya ko na hindi pa naka move on.
"Shut up. Namutla ako kasi na shocked ako. Y'know tagal na kaya naming hindi nagkita."
"Ang sabihin mo Mahal mo pa." bulong nya at tumawa ulit. Napa irap nalang ako at napa buntong hininga.
"Nandyan na si Calvin....." bulong ko. Napalingon naman si Jessalyn sa akin at ngumiti.
"Mahal mo ba? " tanong nya. Perp hindi ko masagot.......
Ahhhh basta atleast ligtas ako at hindi ko sya nakita. Sana hindi mag krus ang landas namin.
**********
"Ma!" napatingin si Mama sa akin at ngumiti. Tumayo sya sa upuan nya at inayos ang mga papeles nya. Nandito kami ngayon sa office nya at pinuntahan ko kasi sya.
"Buti at nadaan ka na. Lunch muna tayo?" napailing ako.
"Kakatapos lang naming mag babarkada." tumango sya at nag paalam dahil ginugutom na daw sya. Kasabay nya na daw si Gensen sa baba. Tumango ako at binesohan sya.
Nauna syang lumabas, ilang sandali lang ay sumunod na din ako dahil dadalawin ko yung tatlo na nasa radio station ngayon.
"Good afternoon madam!" bati ni Berny ng makita nya kong papasok ng kwartong pinag papahingahan nina Mix. Tinanguan ko sya at isinama na sya sa loob. Nakita kong nag papahinga ang tatlo. Kinuha ko ang isang box ng pizza doon, muntik ng maubusan ako. Isa nalang kasi ang natira. Lalakas talaga kumain ng mga to.
"Hi Babes!" niyakap ako ni James ng napansin nya ako. Oo, ngayon lang nila ko napansin.
"Oo nga babes! Nakita na kita ulit." tinapik naman ako ni Chad at kinuha ang hawak kong pizza. Napasimangot naman ako kaya sumandal nalang ako sa sofa.
"Babes...... " naramdaman ko namang sumiksik si Mix aa leeg ko at niyakap ako. This baby!
"Oyyyy! Pakalong ako babes!" nakita ko naman si Calvin na nag mamadaling pumasok at tumalon sa kandungan ko.
"Pakshit ka bading! Ang bigat moooooooooooooo! " tinulak ko sya at nagtawanan sila. Babes ang tawag nila dahil mataba daw ako. Jusme! Ako mataba!? Never! 34-25-36 pwede na yang vital stat! Choosy pa ba!?
"Tapos na ang break continue na daw. Havol ka nalang Calvin." naka ngiting paalala ni Berny sa kanila. Isa-isa silang tumayo na akala mo ay tamad na tamad na. Pinag papalo ko sila ng dyaryo sa pwet. Gumanti man lang ako diba?
"ang hottttttt!" kagat labing sabi ni Calvin at umalis na. Puyemas talaga yun.
Nag paalam ako kay Berny na mauna na ko sa office ni Mama dahil doon ko na sya hihintayin para ma meet yung mag tre-train sa akin.
*****
"Ano ba to?" naka kunot noo kong tanong sa sarili ko ng makita kong parang hindi maayos ang mga papers ni Mama sa office.
Naisipan kong ayusin ang mga papeles ni Mama sa lamesa. Ang gulo talaga nun mag trabaho.
Ng matapos ako at nalinis ko na ang table nya ay hinubad ko ang heels ko at pinatong iyong paa ko sa upuan. Sarap matulog. Hinubad ko ang blazers ko at ngayon ay naka sando nalang ako at shorts.
Naiidlip ako ng marinig kong may kumatok. Idinilat ko ang aking mata mata.
"Come in.... " inaantok talaga ko, nakatulog na ata ako ng 15 minutes.
Narinig kong may pumasok sa loob ng kwarto at naririnig ko na ang bawat yabag nya. Ang bango pa ng pabango nya, mapapapikit ka talaga...
"Tita pinatawag nyo daw po ako?" napakunot ang noo ko at napadilat ang mata ko. Anong tita!
"Anong Tita ka dyan!?" hinarap ko ang swivel chair ko doon.
Nanlaki ang mata nya sama mo na yung mata ko. Naka nang!
"Louie!?"
"Lulu!?"
Hindi kami nag salita agad.
Narinig ko nanang bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Mama na gumimbal ng pagkatao ko.
"O? Nag kita na pala kayo. Ijo, sya ang tutulungan mong mag manage!"
Im doomed.
~•~
