Chapter 33

100 6 0
                                    

Thirty Third Kiss

===================

"Mabuti at nag kita na pala kayo, maganda yan at mag kasundo kayo agad." nakangiting umupo si Mama sa swivel chair. Nakita ko naman tong kulugong nasa tapat ko na nakikinig kay Mama. Mukha siguro akong siraulo dito ngayon. Mukha kasi akong nalugi, paano ba naman kasi!? Of all the people na pwedeng mag turo sa akin ay sya pa? Bakit? Sya lang ba ang praktisado na sa ganito? Hello? Madami naman kaya dyan!

"Anak!" napalingon naman ako kay Mama na may inaabot sa aking papeles. Tsk

"Ano to?" tanong ko. Napakunot naman ang noo ni Mama kaya inunahan ko sya.

"Alam kong Papel to, what I mean is para saan ito." napangiti itong muli at hinarap ang tukmol na nasa gilid ko na nakangisi sa akin.

"That will help you both. Paano? Mr. Co you may go." pag de-dismiss ni Mama kay Panget.

"Oo nga umuwi ka na at wag nang mag pakita" bulong ko kaso napalingon naman si Mama sa akin at nilakihan ako ng mata. Kaya nginitian ko lang sya. Nag paalam ng matino si tukmol at umalis na.

Pansin ko lang ang dami ko palang tawag sa kanya. Hindi naman na ko bitter sa kanya. Move on na ko no! Level 99999999 mga ganun!

Pag kasara ng pinto ay hinarap ko si Mama na naka ngisi sa akin.

"MAMA!!!!!!!! " naiinis kasi ako sa kanya, actually ay nabwi-bwisit ako.

"Ano?"

"Ma? Ang dami-daming pwedeng kuhaning trainer dyan! Bakit sya pa? Of all the people! Ma? You know me. I already moved on. Pero ma! Alam mo naman na may past kami diba? Ang awkward lang kasi ang chaka ng break up namin." pasimple akong napairap at napa iling.

"Ayun na nga! Malay mo mag kabalikan kayo!" naka ngiti pa nyang sabi. Tinignan ko sya ng seryoso.

"Ma, hindi ako nag bibiro. Hindi nakakatuwa yung ginagawa mo, nakakairita." tumayo ako at kinuha ang bag ko.

Umalis ako sa building namin at pumunta sa parking lot. Dala ko ang Hilux ko at balak kong umuwi na talaga. What the f*ck lang diba? Unang araw ko sa Pinas ay nakita ko na agad sya. Kota pa na mag kakatrabaho pa kami. Akala ko pa naman ay ligtas na ko sa sumpa ni Payatot. Pisti talaga yun.

Naisip kong mag drive thru dahil nagutom ako bigla. Kasalanan ko bang gutumin diba? Kukunin ko na ang order ko ng mag ring ang phone ko. Agad kong kinuha ang inorder ko at inilagay sa tabi ko. Inis kong sinagot ang tawag.

"Hello!"

"Hey babe!" napa irap ako at ngumisi. Si Calvin lang pala.

"Ano!?"

"Punta ka dito sa Haze." ano namang ginagawa nito sa bar?

"At bakit? "

"Nagkita kami ni.... Louie. She's with her girl." sabi nya. Napataas ang kilay ko. Nag kita na din pala sila.

"Sige give me an hour." binaba ko ang cellphone ko at nag drive na.

Dapat na kong mag shower, mag bihis ng supah hot and all.

Angat dapat ako. You know what I mean.....

****

"Late ka babe." nakasimangot na sabi ni Calvin sa akin ng tumayo sya at niyakap ako. Tinapik ko sya at umupo na sa tabi nya.

"I'm sorry, supper traffic." bumungisngis ako ng nakita ko syang nag frown. 

"Na miss kita, di mo ko hinintay kanina sa recording." bulong nya. Inirapan ko sya at tinampal ng mahina.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon