Chapter 14

221 9 4
                                    

Fourteenth Kiss

~balak ko pa talaga ay sa Feb.14 pa to. Lolz hahaha kidding :D Late Update. Nag paka studyante muna ako:) votes and comment:) sorry sa typos(*>.<*)

Enjoy♥♥

**

"Hindi ba uulan?" bulong ko sa sarili ko. Mag lu-lunch break na at Wednesday ngayon. Kailangang umulan.Paano na?

"Huy! Para kang tanga dyan! Tara na kain na tayo sa cafeteria tol!" agad naman akong sumunod kina Jessalyn at inakbayan naman ito ni Gil. Mga pakshit na to! Nang iinggit. Hmpf, uulan yan tiwala lang.

Pagkarating namin sa cafeteria ay nakita namin ang iba doon,nag haharutan. Tsk parang mga gunggung tong mga to. "Hey, tol! WazzupGee!" bati sa akin ni Kei pag kaupo ko sa tabi ni Ruperth. Tinanguan ko lang sya at umubob. Wala akong ganang kumain e.

"Para kang sira! Kumain ka nga. Sipain ka namin dyan e drama mo talaga e " singhal ni Jessalyn sa akin bago ako binigyan ng sandwich.... Naaalala ko tuloy ang bebeloves ko sa sandwich. Huhuhu miss ko na sya e, sana umulan. " Miss mo no? Naku! Uuwi din yun sa tamang panahon!" sabay sabay silang nag tawanan sa sinabi ni Joselle. Tinitigan ko lang sya at binato ng kutsara ni Ruperth. "Gago ka. Alam mo yun?" napipikon ako sa mga to, kala mo naman! Sasabihan ko nga si Kei na layuan yang babaeng lalaki na yan.

"Hindi ako gago, gwapo ako." sabi ni Joselle at humagikgik. "Bakla ka gunggong!" sabi ko at binato sa kanya ang plastik ng sandwich ko. Tumayo ako at iniwan na sila. Naiistress ako sa pag iisip ng pwedeng mag cause ng ulan. Pag ako nabadtrip mag absent na ko ngayon din! Kaso natatakot ako na bumagsak. Tsk

Nauna akong pumunta sa classroom at nag cellphone nalang. Tamang tama baka online si Louie ko! .....eh? Bakit wala sya!? Kanina pa hindi naka online yun a!

Nilagay ko nalang ang cellphone ko sa bulsa at tumingin sa labas ng bintana. Tirik na tirik yung araw. Haist. Para namang hindi talaga ko makakapuntang China. Ayaw umulan!

**

"Ms. Daza ano na? Akala ko ay aalis ka?" nang aasar na tanong ng teacher ko. "Hindi po umulan diba po?" sabi ko at hindi na nakinig pa sakanya. Nang iinis ata si ma'am e. Nang bubuska! Tsk. Atleast ako may pang punta sa China. Mwehehehehe.

"Tol, wag mo ng pangaraping umulan. Wala akong dalang payong. " maya mayang bulong sa akin ni Jessalyn. Hinarap ko naman sya at nginisihan.

"Wala akong pake kahit mabasa ka tol, basta kailangang umulan." sabi ko at tumalikod na sa kanya. Ngumuso sya at tumabi kay Kei. Mag susumbong nanaman yan haist.

.

.

.

"Ano? Tatawagan mo nalang si Louie? " tanong ni Kei ng sabay sabay kaming lumabas ng gate ng school. Pshhh.. Grabe naman nakakapanlumo! Hindi manlang umambon o kahit ano. Tsk. Ayaw talaga akong papuntahin ni Lord sa China baka daw kasi ma kidnap ako kasi diyosa ako. Naiintindihan ko naman kung ganoon nga. Mwehehehe.

"Hindi, ewan. Bahala na. Ba-bye na! " paalam ko sa kanila. Hanggang sa pag uwi ko ay hindi matapos ang pag dadasal ko na umulan.

**

"Nak! Bakit hindi mo pa nililigpit yung bagahe mo?" tanong ni Mama pagka pasok nya sa kwarto ko. " hindi Mama! Uulan pa yan. Wag ka magulo Ma! " sabi ko at tinulak na sya palabas. Naka dunghaw lang ako sa bintana at nag darasal na sana ay umulan.

Lord,balato mo na to sa akin. Pleaseeeeeeeeee♥♥. Ito lang ,yung umulan lang(╥╯﹏╰╥)ง...

"ATE! YUNG SINAMPAY MO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" narinig kong bulahaw ng kapatid ko sa labas ng kwarto .

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon