Chapter 11

159 7 5
                                    

Eleventh Kiss

-

Kinakabahan ako, ngayon kasi lalabas yung results ng periodical exam namin e. Para tuloy akong lumilipad habang papunta sa quadrangle, gusto ko kasing makita kung nasa top ako. Syempre no! Gusto ko din namang mapabilang dun, yung bebeloves ko nandun tapos ako wala?.Naku! Pag nagkataon, kaiinggitan na naman kami. Pareho ba namang matalino e?! Tsk. Mwehehe.

"Huy! San ka pupunta? Tara na makipag chikahan kina Myla!" etong damuhong si Jessalyn e nakita nanaman ako. Tsk. Wala bang magawang matino ang isang ito. Nasaan ba ang boyfriend nito?

"Hoy,ako Payatot tigilan mo! Titignan ko pa yung results ng exam no. Mauna ka na dun" tinataboy ko na tong isang ito. Kaso sinimangutan lang ako at inakay na ko papunta sa quadrangle, aba! Himala hindi naman sumasama sa akin ito e. Kambal tuko ni Kei ang isang ito at hindi akin. Habang naglalakad kami ay lalong kinakabahan ang buong pag katao ko. Fruta! First time ito na naging conscious ako sa top ng result ko. Dyosme! Kung noong dati ay panay daldalan lang ang gawa naming barkada. Pero ngayon iba na, syempre may ever so genius akong bebeloves no!

"First time mong titingin sa results! Bakit grade conscious ka na? Ayyyyy. I know na! Dahil ba ito sa ever poging si Louie Co? " nag tititiling sabi ni Jessalyn. Sinamaan ko sya ng tingin nakaka pantig ng tenga yung huli nyang sinabi e.

"Payatot, wag mo nga syang tawagin sa pangalan nya with his surname! Ako lang ang pwedeng magsabi ng Co okay?" binelatan nya lang ako at humagik-gik. Bakit ba? Possessive ako e!

Nakarting na kami sa may bulletin at andaming tao!. Naku, umaasa pa sila! Ako nga easy lang e. Alam ko namang kasama ako dyan e! Alam nyo na pag dyosa? Maganda na matalin—

"Tol! Nakasama ko oh! Mantaki mo yun, Top 8 ka sa klase o! Congrats! World record yan hahahaha" Binatukan ko nga, feeling nya naman hindi ko kaya makapunta dyan. Inirapan nya lang ako at umalis na. Nakita nya kasi boyfriend nya e. Tinulak ko na lahat ng pwedeng itulak kasi nakaharang sila sa dadaanan ko. Gustk kong makita yung grade ko sa Math! Dun talaga ko medyo pumapalya e. Medyo lang naman kaya nga naka emphasize yan e.

"To—too b-ba yan!?" grabe! Gusto kong umiyak! Fruta! First time yan! Record breaker ituu! My Gadd! Thank you Lord! Thank you sa nag turo sa akin!

Well eto lang naman ang nakita ko...
"¤•*~Math:41/60~*•¤"

"Oy." nilingon ko naman yung tumatawag sa akin. Wahhhh.

"Bebeloves ko! "agad ko syang niyakap at inirapan nya lang ako, hinihiwalay nya din ako sakanya. Sus! Nahiya pa to! Kinikilig din naman e.

"Are you happy because of 41/60?" tanong nya matapos nya kong maitulak. Nginitian ko lang siya at paulit-ulit na tumango. Napa iling nalang siya at hinatak ako.

"Di mo na ba titignan yung results? Naku baka nawala ka sa one!" inaasar ko lang naman sya, masyado kasing mataas ang confidence nya kaso...

"Don't you trust me? I'm too good to lose my top." nginisihan nya lang ako at inirapan. See? Pogi talagang bebeloves ko. Nakikita ko na rin na sobrang progressive na nga ng relationship namin. Alam mo yung tipong hindi na nya ko masyadong inii-snob? Hindi nya ko iniiwan pag kakain na, actually iniiwan pa din naman kaso lagi na kaming mag kakasabay. Diba sweet?! Kaso may chakang papalapit sa amin ngayon! Buhay pa pala itong hitad na ito? Hmpf.

"Louie! Congrats, na maintain mo parin ang top mo." ngingiti-ngiti naman itong si Cindy'monyo. Kala mo naman maganda. Maputi lang naman! Maputi din naman ako ah!

"Thanks" tignan mo tong si bebeloves ko! Ang bait sa iba, sa akin hindi. Pero okay na yun! Atleast may kaibahan sa iba diba!? Diba!? Mweheeeeee.

"Oh? Pano ba yan, nakapag congratulate ka na. You can go. " inirapan ko nga sya kaso inirapan din ako. Aba! Sipain ko sya dyan e, flying kick ko to e. Lalapitan ko na sana kaso hinawakan ni bebeloves ko yung kamay ko kaya hindi ako nakalapit. Nginisihan lang ako ni Cindy'monyo at lumayas.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon