Twenty Fourth Kiss
--
"Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito. Lalo na't kayong mag kakabarkada pa. I'm disappointed, I'm expecting na hindi na ito mauulit pa. Now get out." sabay-sabay kaming lumabas sa office ng guidance. Akala ko paparusahan kami, well apparently sila lang. Hindi naman ako nakipag jomabagan e.
Papalabas palang kami ng pinto ay nag iiringan nanaman ang mga ito, kaya nauna na ko. Mamaya ano pang mangyare e.
"Mga Potangeners naman kayo guys e. May Battles pa kaming papasukan ni Calvin tapos nilagyan nyo ng pasa? Yung totoo?" inirapan ko sila at hinagisan ng tig iisang bimpo. Marami akong bimpo sa bag kasi madalas pag nag pra-praktis si bebe-. Madami lang talaga akong dala. Tapos.
"Ayy? Kulang ng isa. Pano yan?" tinignan nila ko at umiling. Si Ruperth ang unang ngumisi at nag salita.
"O? Louie? Iyo tong mga to dapat e,
Pero hindi na pala. Sa amin na. Wala ka ng puwang kaya sige ingat tol. Nice fight." hinatak ako ni Ruperth paalis doon. Nag tatawanan naman ang mga bugok.Dumiretso kami papunta sa bleachers at tumambay.
"Tarantado kayo, Ba't ba kasi kayo nag susuntukan? Pasalamat kayo at hindi kayo pinarusahan. Oh! Bimpo punas mo sa pasa mo. " hinagis ko yung isang bimpo kay bakla este kay Joselle na putok ang labi.
"Wala, angas e. Pano to? Putok ang labi ko mga tol." naiiling na sabi ni Gil.
"Ano naman kung putok?" tanong ko. Ngumisi sila sabay-sabay at inakbayan ako.
"Syempre, hindi ko mahahalikan si Jessalyn. Diba? Patay na patay pa naman yun sa kiss ko." kinonyatan ko nga.
"E kung isumbong kita? Sarap iliha ng nguso mo. Tabi nga! Ang init e!" ngunuso naman si mokong. Inirapan ko nga. Ang init naman kasi talaga. Jusme, emergerd level 9898989 ang init.
Bigla namang nilapag ni Joselle ang juice sa harap ko, taray balot na balot ng bimpo ah. Ano bang meron dito?
"Ano to, may sakit? Balot na balot e." tumawa ko kaso pinitik lang nya ang ilong ko. Gugu tu uh -_-||.
"Tungaw! Syempre nilagay ko sa freezer yan. Para di matunaw binalutan ko ng bimpo. Ayaw mo ata e. Dami arte!" saktong aagawin nya ng kinagat ko yung kamay nya. PWE! ang alat ng balat.
"Tang*na mo! Amazona ka. Sakit! " pinunasan naman nya ang laway ko at pinahid kay Ruperth na walang ka alam-alam.
"Tang*na mo din. Ang alat mo! Yuk!!!! Shutanginers. May pagawaan ba ng asin dyan!? " nag tawanan naman silang lahat. Ginulo nalang ni Calvin ang buhok. Gugu din to e. ●︿●
"o? Ayos ka na. Ang atupagin naman natin ay ang Battles. Sino Game? "nag taas naman kami ng kamay. Ako, para maiba ay hinampas ko sa kanya ang juice ni Joselle. Matigas pa naman yun.
"Fowta! Sakit. Masama ata epekto sayo ng aksidente. Nag ka saltik ka." inirapan ko lang sya at tumayo kinuha ko din yung juice ko. Babalik na kong room.
Nauna lang ako sandali at kasunod ko na sila. Nag papasan naman ako kay Calvin. Wala lakas topak lang. Sinasabunutan ko pa nga e,kaya hinulog ako. Masakit nga pwet ko e -3-
Papasok pa lang kami ng room na nag tatawanan ng biglang may humablot sa akin at tinulak ako. Buti nalang at nasalo ako ni Joselle.
"Hoy! Anong sapi mo at tinulak mo kaibigan namin!?" susugod na sana si Kei ng hinawakan ko ang braso nya. Ako bahala sa mahaderang sahog na to.
Lumapit ako sa kanya at tumapat sa harap nya. Naka ngisi pa sya at umirap. Malakas loob nito kasi wala si L-louie. Walang pipigil.
"Walang pipigil sa amin ng inggratang to. Tara! Dun tayo sa school grounds! Square fight tayo. King Ina mo! Hindi kita uurungan Maggie." hinila ko sya at kinaladkad pababa ng hagdan. Doon kami sa quadrangle. Tutal maangas sya, hindi ata ako kilala nito e. Hindi ako KILALA NG BABAENG ITO.