Chapter 12

165 7 0
                                    

Twelfth Kiss

"Kainin mo yan! Ang aga-aga kong gumising lutuin lang yan!" pano naman kasi... Ganun ba kapangit ang lasa nun? Di naman ahh.

"Ayoko" inirapan nanaman nya ko! Akala ko naman pag boyfriend ko na sya babait na sya sa akin! Pero okay na yun. Loyal sa akin yan!

"Bakit ba? Masama ba talaga yung lasa? Grabe ka naman! Pinaghirapan ko yan a!" naiiyak na ko! Kasi naman kulang na kulang din tulog ko no! Fruta! Nag review ko kasi may long quiz kami kanina e. Buti nalang naka 13/25 ako. Nakalahati ko din yun no!.

"Tignan mo nga kasi yang luto mo! " epal talaga tong si Joselle! Kala mo naman ikinagwapo nya yun. Mukha namang nakakakin.

"Ansama nyo! Grabe kayo. Alam nyo bang pinagpuyatan ko yang i-search sa internet kung paano iluto yang mga yan." inirapan lang ako ni bebeloves ko. Binuksan ko nalang yung ibang ulam at tinikman, pwede naman kainin e. Medyo maalat lang saka medyo matigas yung kanin. Hmpf. Ayaw nya naman e. Kaya babalutin ko nalang at ibibigay kay Calvin! Oo, tama kay Calvin!.

"San ka pupunta?" tanong ni Kei ng makita nya kong binabalot na yung mga niluto ko. Alam nyo ba? Dinura nya yung binigay ko sa kanya! Ganyan sila kasama!

"Che! Alis nga ibibigay ko nalang to kay Calvin,baka sya kainin pa nya to!" tumakbo na ko dala-dala yung mga pagkain na niluto ko. Ang sama-sama ng ugali nila! Bakit!? Ngayon lang ba sila nakakain ng ganito? Kala mo naman masasarap magluto! Pero ako din e, nagtataka kung bakit ganito kinalabasan nito!

Napahinto naman ako ng biglang humatak sa braso ko. Muntik na ko madulas! Fruta!

" hoy Gag—" nagulat ako ng makita ko si bebeloves na nakataas ang kilay sa akin!. Ano nanaman ang ginawa ko? Ganyan na sya simula ng sagutin nya ko e. Lagi akong tataasan ng kilay pag may ginagawang mali. Huhuhu kawawa naman ang diyosang katulad ko! Mwehehehe

"San mo dadalhin yan? " tanong nya. Napayuko nalang tuloy ako, Bingi ba si Louie ko? Di nya ba narinig kanina kaya hinabol nya pa ko. Napa angat tuloy ako ng ulo at tinignan sya.

"Kay Calvin, ayaw mo nam—. Huy! Di ba ayaw mo nyan! Amin na! " kinuha nya kasi ang naglakad na pabalik sa cafeteria. Naku! Makikita ko nanaman mga asungot na kaibigan ko. Pipintasan nanaman nila luto ko. Sa susunod talaga! Bibili nalang ako.

"Hey" napatingin tuloy ako kay bebeloves na naka layo na pala. Haist. Hinabol ko nga saka sumabay na sakanya. Pogi talaga nitong Boyfriend ko! Mwehehehehehehehehehe! Kaso mas nakaka kilig noong hinawakan nya yung kamay ko. Nakaka kiliggggggggggggggg!Pakshit!

Habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria ay nakikita ko nanaman ang mga inggiterang froglets! AHAHA mainggit kayo!  Blehhhh.

"Pag ibig nga naman! " sigaw ni Jessalyn pag karating namin sa table namin kanina. Inggit talaga yan! Naku, porket umalis na yung boyfriend nya kasi mag aaral sa US. 

"Inggit ka nanaman!" asar ni Myla sa kanya kaya binato nya. Hinayaan ko sila at umupo na sa tabi ni bebeloves ko. Hindi ko na hinintay na pag hatak nya pa ko ng upuan kasi puputi lang ang mata ko! Nasubukan ko na yan nung nakaraan at natapos ang lunch break namin ng nakatayo ako! Fruta tapos ang tinaasan nya lang ako ng kilay!

Tinignan ko naman yung mga kaibigan kong tahimik na. Bakit tahimik si Joselle at Kei? Hmpf. Bakit kaya?

Nawala naman ako sa pag iisip ng nakita kong binubuksan ni Louie ko yung lunchbox na may lamang luto ko. Inagaw ko nga! Naku, pipintasan nanaman nila yan. Nakita ko nga si Kei na naka ngisi tapos tumigil kasi..... Tinignan ni bebeloves ng masama. Bakit kaya?

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon