Thirtieth Kiss
----
"Two strawberry Frappe for Ms. Gerilou and Mr...? "
"Salva" napangiti ako at kinuha ang frappe naming dalawa. Kahit kailan talaga ay tamad ang isang ito. Simula dumating sya dito ay laging ako na ang gumagalaw.
" Hey douche, pansin ko lang ha? Laging ako gumagalaw sa ating dalawa ah? Ipabugbog kaya kita!" napangisi sya at kinurot ang pisngi ko.
We've been together here in London for 4 years turning 5. I've graduated 3 years ago. Natapos ko ang course ko. I'm really happy about it, hindi ko naman kasi inaakala na matatapos ko ang Business Ad at nakapag masters pa ko. Sumunod sa akin ang tukmol na ito noong second year ako dito sa London. Buntot ko na sya ever since.
"Spacing out again." nilingon ko sya at tinapunan ng masamang tingin.
"Stop observing me will you?" napangisi sya at ginulo ang buhok ko.
"You know I won't do that. You know me." kinotongan ko sya at napangisi. Same old him.
"Ewan ko sayo!" tumayo na ko at kinuha ang frappe ko. Male-late na kami sa appointment nila.
"Masyado ka nanamang nag mamadali. Will you slow down? Mamaya pa namang 3 iyon." inakbayan nya ako at tinignan ako.
"Yes it is, but! Mabagal mag bihis yung dalawa at yung isa naman ay nag liliwaliw!" nauna na kong mag lakad papasok sa Itim nyang Jaguar. Meron kasi silang appointment ngayon, at ang kukupad mag sipag galaw ng mga kasama nya sa grupo. Nale-late tuloy kami.
Tinignan ko sya na aaktong mag sisindi ng sigarilyo.
"Will you just get the fvck in!? Ang hard headed mo talaga Calvin!!!" kinindatan nya ako at sumakay na sa sasakyan. Kung hindi ko lang sya talent matagal ko ng sinakal ang isang ito.
"Ang cute mo talaga pag galit." kinurot nya ang pisngi ko at sinuntok ko naman sya.
"Late nanaman kayong dalawa." naka ismid kong sabi sa dalawang mokong na nasa harap ko.
"Well, sorry again. For nth time. Chill ka lang." binatukan ko si James at si Chad.
"Morons, you know naman na may meeting tayo with A.N.Gel please next time. Early naman kayo?" tumango sila at pumasok na sa office ko. I'm their manager / co-singer/ Bestfriend / babysitter. Hindi ko din alam kung paano ko napasok ang trabahong ito. Ask my dad, mga talent ng kumpanya namin ang mga to.
"Well, let's start." pasimula ko.
"Wala pa si Mix" daing ni Chad sa gilid ko. Hindi nanaman mahagilap ang isang iyon. Malamang ay nasa outer space na iyon.
"Hayaan mo sya mamaya ay katabi mo na iyon." bulong ko at kinindatan sya.
Pinag meetingan namin ang tungkol sa mga gagawin naming mall Tours at concert. They're know as The Kicks. I told them na mas magiging busy sila ngayon dahil sa papasukin din namin ang Asia."Grabe naman ang schedule." nakangusong bulong ni Chad. Chad has been the kid of the group. Isip bata ito, he reminds me of Joselle. He's half british, half Filipino. Nakuha namin sya ng kumakanta sya sa isang karaoke. Broken hearted daw sya. So, natuwa naman ako kaya pinag audition ko sya noon kay Papa.
"Sinabi mo pa brad! " napangisi ako sa sinabi ni James. James is pure Filipino. Na discover ko sya na kumakain ng balot sa isa sa mga Filipino restau dito. Inalok nya ako noon, noong marinig ko ang boses nya ay doon ko sya sinabihan din na mag audition.
"Ewan ko sa inyo. Gayahin nyo si Calvin easy lang" ngumisi ako at tinignan si Calvin na nag fe-facebook.
"Huy!" napatingala sya at ngumisi.