Chapter 34

96 6 0
                                    

Thirty Forth Kiss

=================

"Tumabi ka dyan Berny baka ikaw ang di ko matantya." napasimangot si Berny ng iginilid ko sya at binuksan ang pinto ng boss nya. Aba! Sitting pretty.

"What's your problem?" tanong ko. Nakita kong ngumunguya sya ng donuts na nakalagay sa bilog na plato na nasa tabi ng dalawang kape.

Sinenyasan nya si Berny na lumabas na.

Umupo ako sa visitors chair nya.

"Kumain ka na muna." iniabot nya sa akin ang isang donut na may strawberries sa loob at isang coffee.

"Akala ko ba may sasabihin ka" sinimangutan ko sya at kinagatan ang donut ko. Pansin ko kasing sitting pretty sya e.

"Oo nga. Importante" ngumisi sya at lumapit sa akin. Dahan-dahan syang lumapit sa akin kaya muntik ng matapon ang donut ko. Napangisi sya ng makita nyang hindi ako Komportable sa ayos naming dalawa. Naka alalay ang dalawa nyang kamay sa arm rest ng inuupuan ko kaya hindi ako maka alis. Sinamaan ko na sya ng tingin at medyo tinulak pero wala pa rin. Napaka epal talaga nito. Pero ang bango nya.... Ano ba yan!!!!!

"U-umalis ka nga. Panget!" lalong lumaki ang ngisi nya. Fruta, bakit ako nag sta-stutter!?

"You're still readable" ngumisi ito lalo at lumayo na. Napahawak agad ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok. Taeeee

"Ano bang kailangan mo peste ka! " inirapan ko sya at ininom na ang coffee ko.

"I want you. Still" nakatalikod sya noon at nakaharap sa view ng syudad. Napairap ako at nag liliyab ang galit sa loob ko. Hinagis ko ang kape sa salamin na nasa tabi nya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko kaya napaharap sya.

"Punyeta ka, wala ka nanamang mapag tripan ha!? Ako nanaman! Ganon? Leche. Wag ako, matagal na kong tapos sayo. At trabaho ang pinunta ko dito." tumayo na ako at nag mamadaling pumunta sa pintuan ng mag salita sya. Agad ko syang nilingon at sinamaan ng tingin

"I never get over you. Since the day I kissed you. I won't get over you. At kung kayo ni Calvin. Aagawin kita. You are mine. At kung pinunta mo dito ay trabaho. Then ako na ang trabaho mo. Sisiguraduhin kong akin ka." ngumisi sya at pinaglaruan ang labi nya. Nanggigil akong ibinagsak ang pintuan ng opisina nya.

Sa labas ako nag labas ng galit ko. Inis na inis ako kaya ako nag tititili.

"Madam?okay ka lang? " tinignan ko si Berny na nakangiting nag tanong

"Mukha bang okay yung ganitong mukha sayo? Paki explain ha?" sumimangot ito at umalis na sa gilid ko. Naiinis talaga ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Calvin .

"Oh? "

"I need you"

"Where are you!?"

"Office." matapos iyon ay bumaba na ako ng floor at pumunta na sa opisina ko. Oo, may sarili akong opisina bakit ba?

Pag karating ko sa office ko ay naghubad ako ng sapatos ko at sumalampak na sa sofa. Ilang minuto lang ay dumating na si Calvin na may dalang paper bag at ilang box.

"Eto na ang alak at pulutan. Tara chill." umupo na sya sa tabi ko at binuksan na ang alak. Nag kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyare kanina. Mamaya ay mag ka away pa sila. Ayoko ng gulo.

Ilang oras din kaming ganoon ni Calvin. Naubos namin ang tatlong bote ng black label at ilang pagkain. Lasing na kaming pareho at bulol ng magsalita si Calvin. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ko.

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon