Tenth Kiss
"Boringgggg" bulong ko sa sarili ko, bakit nga ba kasi ako nandito? Tsk.
Masama na nga pakiramdam ko e, kaya dapat nag papahinga na ko pero I'm here. Nasaan ako? Malamang nasa mansyon ng mga Co! Fruta kasi si Kei e! Hinatak hatak ako. Sinabi ko na ngang nahihilo ako!
"What's with the face!?" sabay-sabay nagtawanan sina Jessalyn at Myla sa tanong ni Gil. Isa rin to e. Kanina pa ko binabadtrip! Dumada-moves lang naman kay Myla. Kala naman nya!
"Tiglan nyo kong mga hinatupak kayo! Nahihilo ako! Sinama-sama nyo pa kasi ako, pag sasagutin nyo lang ako sa trigo! Tsk... Nakakaistorbo nga lang kasi tayo dito!" napipikon na nako kaya tumayo ako at lumabas ng library. Pababa ako sa kitchen ng makasalubong ko si Joselle at Kei na may dalang mga pagkain at nagtatawanan. Binigyan naman ako ni Kei ng Saan-ka-pupunta-look? , I just shrugged at bumaba na. Kailangan ko kasi ng gamot, may mga bagay kasi akong nagagawa na hindi dapat pag may sakit ako. Y'know...
"I thought you're sick, ba't sumama ka pa?" muntik ko ng mabitiwan yung basong hawak ko ng may biglang magsalita. Naku! Wala akong panahon para patulan ang mga pinagsasabi nyang walang sense na ang use lang ay pasamain ang loob ko. Iniwan ko sya doon ng hindi nagsasalita, feeling ko lalong sumama yung pakiramdam ko! Putspa naman oh~
Naglalakad ako paakyat sa taas ng maramdaman ko bigla yung hilo. Ayoko ng ganito e! Para kong lasing tapos... Tapos....
3rd person's POV
Walang balak sundan ni Louie ang ating bida paakyat ng second floor pero may isang side sa utak nya na tinutulak sya at kinokonsensya na baka nga may mangyari dito. Agad nya itong sinundan paakyat, namataan nya pa nga ito na nakahawak sa railings ng hagdan nang aktong kakalabitin naman nya ito ay bigla naman nabuwal... Cliche bulong ng bebeloves ng bayan.
Hindi na niya inabala pa ang mga kaibigan na naghaharutan sa study room, kaya inihiga na nya muna si Gerilou sa kanyang kama.
Napangiwi pa siya ng maalala ang huling tagpo nila noon dito mismo sa kwarto, nabato nya pa ng tissue box sa sobrang takot nya. Napaisip tuloy sya, bukod sa pag papakilig dito ay wala na syang nagagawang tama pa sa babaeng nasa harap nya. Bigla naman syang ngumiti at napailing. Ibang klase talaga ito, isip nya. Nawala sya sa pag iisip ng biglang tumunog ang kanyang telepono, agad nyang kinuha iyon sa kanyang bulsa at nagtatakang tinignan ang caller.
Mama ni Lulu calling...
" hello po tita? "
"Ayy! Salamat naman, favor naman ijo? Pwede bang dyan nalang muna si Gerilou kasi bibitayin ko sandali ang tatay nyang magaling. Pleaseeeee. Salamat" toooooot. At doon natapos ang favor ng mama ni Gerilou.Kunot noo at poker face lang ang mababasa sa mukha ni Louie matapos ang tawag. Hindi na nya binalikan pa ang mga kaibigan sa study room at inasikaso ang girlfriend nya kuno.
Gerilou's POV
" wake up, kumain ka na muna" agad akong napamulat ng mata at agad na napa upo na naging dahilan ng pag kahilo ko. Frutaaa. Ayoko ng magkasakit!
Nakita ko naman si bebeloves ko na may dalang tray ng....ewan? Di ko naman alam e.
Agad akong umupo ng diretso ng umupo sya sa harap ko. Nakita kong lugaw na mukhang sinaing na malabnaw yung luto nya. Napansin nya siguro na tinititigan ko yung luto nya na mukhang kahindik-hindik na bagay.