Nineteenth Kiss
--
"Bakit ka umalis kanina?"
"Asar ka ba? "
"Galit ka? "
"Huyy, is there any prablem? "
"Pansinin mo naman ako"
Ilan lang yan sa mga tanong na tinanong ko sa kanya. Hmpf. Di naman nya sinagot. Nag tatampo tuloy ako sa bebeloves ko. Di nya kasi ako pinapansin saka naka kunot yung noo nya last week pa. Simula nung dumating si Flappy Bird este si Camille.
Ngayong araw ay Biyernes, hulin araw ng pasok. Imbis na mag saya ako. Eto ako at nakaupo sa bleachers sa may likod ng building namin at mag isa. Di ko din knows kung bakit e. Napapaisip kasi ako. Ang weird ng mga tao sa room namin. Pati narin halos lahat? Emeged, itinapon pa nila ko dito sa likod ng school na ang daming mag kasintahan. Like ewwwww. Naiingit ako. Mwehehehe.
"Oh? Nandyan ka pala!" napalingon naman ako sa nasa likod ko. Si Calvin pala,kala ko naman kung sino. "Bakit? Hanap mo ko? " ngumisi sya at umupo sa lamesa. Bastos din pala ang isang ito,kaya nga may upuan para upuan at hindi ang lamesa.
"Wala ka kasi sa room at hindi ka naman kasama sa ginagawa nila sa room. Tara practice tayo? " iniharap nya sa akin ang gitara nya at ginulo ang buhok ko. "Ano bang ginagawa nila doon?" hindi nya sinagot ang tanong ko at nag shrug lang sya. Nag strum sya sa gitara at noon pa lang alam ko na kung anong kanta yun.
Anong ligaya ang nadarama,Pag ika'y kasama na puso ko'y walang
pangamba.
Pangako ko, pag-ibig ko'y iyong iyo
Saan man makarating, ikaw lang ang
mamahalin.Napapapikit ako habang kinakanta ko yung isa sa mga paborito kong kanta. Nakakatuwa at alam pala ni Calvin ang isang ito.
Habambuhay, ikaw at ako ang magkasama
Sa hirap at ginhawa
Habambuhay, sumpa ko'y ikaw lang walang iba.
Pangako ko ito, habambuhay.
Pangako ko'y, pag-ibig ko'y iyong iyo
Saan man makarating, ikaw lang ang
mamahalin..."Oh!? Tapos na jamming! Tara na 'Tol!" napamulat ako ng bigla akong hatakin ni Kei sa upuan at iniwan namin si Calvin na araw-araw may dalaw sa bleachers na napapailing nalang.
Hingal na hingal kami habang mabilis na nag lalakad sa corridor ng forth floor. Monggis talaga tong isang to e.
"Ano ba yan Kei! Bastos ka talaga. Tignan mong damang-dama ko yung pag kanta kanina diba? Tsk. Azar to" ngumisi nalang sya at binuksan ang pinto ng room namin, ang nakakabigla ay itinulak ako ng hampaslupang ito kaya ako na pa upo.
"Fruta kang Hayup ka Kei Inam ....."
"No cursing please." napalingon naman ako sa nag salita sa unahan ko. Ay? Si bebeloves? Naka polo? Lahat sila naka porma? Aba....
"Hala? May fitting ba ngayon ng susuotin sa JS?" napa iling si Ruperth sa likod. Bakit? Sila nga itong parang tangang naka bihis e, pero di ko naman masabi sa kanila kasi baka ma hirt yung feelings nila diba? Bait ko ba? Minsan lang yan! Mwehehhee.
"Ang tanga mo talaga friend..." naka busangot na sagot ni Payatot sa akin. Aba! Naka dress din sya. Hahaha mukha syang abay. "Hoy! Ikaw tigilan mo ko payatot. Kahit mahal kita mukha ka pa ring aabay sa suot mo!" napabusangot lalo ang mukha ni Jessalyn at inalo naman sya ni Gil. "Umpisahan mo na nga Bro, medyo bopis si Girlfriend e" napangiwi naman si Joselle sa mga sinasabi nya. Tinignan ko naman ang bebeloves kong pormadong naka tayo sa harap ko. Nakalimutan ko tuloy na masakit ang tuhod ko.