Chapter 28

90 6 0
                                    

Twenty Eighth Kiss

---

"Kei! Hindi ako makakasama ngayon huh?" tumingin ito sa akin at dahan dahang tumango. Kakatapos lang ng subject namin ngayon para sa araw na ito. At nag aaya silang uninom.

"Ano ba yan!? Last na nga to e." nakangusong kinurot ako ni Myla sa tagiliran kaya ako napatayo. Punyets talaga to e.

"May importante lang akong aasikasuhin. Last na to, promise." ngumisi ako at di ko na sila hinintay pa na maka sagot dahil for sure iintrigahin ako ng nga yun kung anong gagawin ko.

Maaga akong nakauei sa bahay namin. Wala si Mama doon,as usual naman e. Si Gensen ay nasa labas raw sabi ng katulong namin.

"Madam? Saan mo ba dadalhin yang box na iyan? Sus maryosep ang bigat ata niyan. Ipasundo mo nalang o mag pahati ka sa boypren mo." napatitig ako sa katulong namin. Nasanay na nga siguro silang lahat na pag may lakad ako noon e palagi akong de sundo ni Louie. Pero ngayon hindi na. Napa iling ako at napa ngisi. He's been good to me ever since we're together. Pero di ko nalaman or I guess wala akong idea na sasaktan nya ko. Pero, seriously? Alam ko na darating ang time na iyon. Why? Obviously! Ni hindi sya nag hirap na makuha ako. Cheap nga siguro ako. Easy to get.

"Iha! Napadaan ka?" nanlalaking matang sinalubong ako ni Tita Medley. Naririto ako ngayon sa bahay nila. Na lugar ko rin noon.

"Bawal na po ba ako dito? Tsk, kakatampo ka naman tita" ngumisi ako at aakmang tatalikod ng ngumiti ito sa akin at niyakap ako.

"Ano ka ba! Kahit na matulog ka pa dito. Welcome ka!" ngumiti itong muli at hinatak ako papasok sa mansion nila. Nakita ko si Lian na nag ba basketball sa garden nila. Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na nga sa loob.

"Napadaan ka ba?" iniabot sa akin ni Tita ang isang platitong may chocolate cake na galing sa ref. Tinikman ko ito at napangiti. Si Ate Louisa ang nag bake nito. For sure.

"May ibabalik lang sana ko tita. Nandyan po ba si Louie! " napawi ang ngiti nya at ngumiti ng mapakla.

"Hayyy, wala sya rito iha. Umalis kasama nanaman ang babaing iyon. Sa totoo lang? Hindi ko sya kinakausap. We didn't talk ever since he broke up with you." napawi din ang ngiti ko. What? Super duper close sila tapos ganito na?
"Tita..... " balak ko sanang mag salita kaso pinutol na nya.

"No, masama ang ginawa nya. Pinapangaralan ko sya noon pa man na iba ang business sa personal life. Hindi na nya problema ang problema namin ng dad nya sa kompanya. By what!? Pa bida? Gusto nyang may patunayan? He's....I don't know anymore" ngumiwi ito at tumayo na. Iniwan nya ako para puntahan sa kusina ang mga katulong.

Napa iling ako at tumayo na, pupuntahan ko na ang kwarto nya iiwan ko na tong mga remembrance nya. Hindi ako martir para itago ito at umiyak pag nakikita ko sila. Wow ha? Level 9999999 naman ng super ka desperadahan iyon.

I opened his room, wala namang changes maliban sa side table nya at ang wall of memories nya. Wala na ang mga pictures namin.

Dahan-dahan akong lumakad papunta doon at tinignan ang mga bagong naroroon. Wala na ang pictures ko doon. Picture na ni Maggie. At kung ano-ano pa.

Napabuntong hininga ako, nanghihinyang. Nakakapanglumo. But we can't do anything about it. It happened, been done.

"What are you doing here?" napalingon ako at nakita ko sya na pagod na pagod na naka dantay sa hamba ng pinto nya. He's really handsome, matalino and all. But then, nothing can change the fact that he's a cheating ass.

"Well, I'm here because.... I'm going to return those stuffs." nginuso ko naman ang isang box na nakalagay sa ibabaw ng kama nya. I'm trying to act cool.

Lumapit sya papunta sa kama at binuksan ang box. He dig on it.

"Bakit mo pa sinoli?"tanong nya at umupo sa kama. He's eyeing me. Not because he likes me but because I'm weird. I guess?

"Well, ikaw na ang nagsabing over na. Move on na diba? So... Yan" ngumiti ako at kinalikot ang daliri ko.

"You should have thrown it." sabi nya at tumalikod na. Wow.

"Ikaw na mag tapon, tutal sayo na ulit yan diba!? Go on, motherf*cker!" tumalikod ako at nag martsa palabas ng kwarto nya. Hayop sya, never na kong babalik sa loob ng kwarto nya.

Pababa ako ng hagdan ng salubungin ako ni Lian na lalong tumangkad.

"Bakit di mo pag laban si kuya? Why let go easily?" tanong nya na naka kunot ang noo. Tinitigan ko sya ng maigi, he really looks like Louie when we're in highschool.

"Sige nga Lian. Paano ka kakapit sa isang bagay na sya ng bumitaw mismo? How? Tell me." ngumisi ako. Hindi sya makasagot.

"See? Hindi mo din alam." lumakad ako pababa at lalabas na sana ng pinto nila ng mag salita ulit sya.

"Tandaan mo, pag pinag hirapan mo. Hindi agad mawawala. Diba pinag hirapan mo si kuya?" tanong niya. Napatawa ako agad.

"Oo nga, pinaghirapan ko. Super. Pero paano naman kung hindi para sa akin iyon." kumaway ako at lumabas na ng tuluyan. Ng maka layo ako ay tumigil ako sa pag lalakad. Dapat nag papahinga na ako para bukas dahil laban na. Na move kasi e.

Napa halukipkip ako sa gilid ng kalsada. Bilib na ko sa sarili ko, nagawa ko syang harapin e.

----

"READY NA BA LAHAT NG BANDA!? NASAAN ANG PANGHULI? HINDRANCE!?" napangiwi naman ako sa tinis ng boses noong MC namin.

"Nandito ho!! "sigaw ko.

"Great!" sabi nya at tumalikod na. Binalikan ko na lang ulit ang pag aayos ko ng buhok ko. Naka all black ako, huling performance ko na to bilang vocal ng Hindrance. Bilin ko naman sa kanila na pag umalis na ko e humanap na sila ng iba.

"Bakla! Ang pretty mo!" nakadungaw sa gilid ko si Jessalyn.

"Lagi naman e." tumawa ako at niyakap niya ako.

"I'm gonna miss you" tinapik ko naman sya at sinabihang manahimik sya.

"Oo na." tumalikod ito at tumawa.

Maya-maya ay nag simula na ang battle of the bands. Rinig na rinig ang hiyawan sa labas. Kami pa naman ang huli. Kahit na medyo kilala na kami dahil na din sa connection ni papa sa ganitong larangan ay marami pa din ang mas magaling or should I say kaya naming pantayan.

"THE LAST BUT NOT THE LEAST..... THE HINDRANCE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! "

Malakas na nag hiyawan ang mga tao sa auditorium ng tinawag na ang banda namin.

Nakangising pumasok kami sa stage, halatang kinakabahan din kami. Pero nginitian din ako ni Calvin at Joselle na naka itim din.

"Goodluck to us!!! " sabi ko at sumigaw na para simulan ang labang ito.

~•~
Hoho! Lpng time no see. Or no update. Sorry walang wifi ditey e. Love love❤✌

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon