Thirty Seventh Kiss
====================Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa salamin. Ilang taon na nga ba ng huli ko itong gawin? Tatlo? Apat?
Inayos ko ang pag kakatali ng aking buhok. Ngayong gabi ay ang gabi ng major concert ng The Kicks. Nandito na ang mga taga suporta nila sa Araneta.
Malaki ang naging pag babago sa buhay-buhay namin. Mula ng madiskubre ko sila, hanggang ngayon na kapatid na ang turingan namin.
"Ma'am! Start na po sila in 5 minutes. Clocks ticking!" nilingon ko ang isa sa mga staff ng kumpanya. Papaalis na ito at aligagang-aligaga.
Pinasadahan kong muli ang aking itsura at lumabas na. Nakita kong nag sisitanguan na lamang ang mga tauhan namin. Nasa kabilang kwarto pa ang mga kolokoy. Hanggang ngayon nga ay hindi pa kami nakakapag usap ni Calvin. Malamang ay may galit iyon sa akin.
Lumabas na ako ng backstage at naupo na sa unahan ng entalado. Napaka ganda ng ayos at dekorasyon ngayong concert. Hiniling ko ito kay Mama bilang regalo at pakunswelo sa hirpa ng buong banda.
Ilang minuto ay maririnig mo na ang sigawan at tilian ng mga tao. Ilan ang may dala ng banners ang iba naman ay may dalang pa ilaw. Nakakatuwa lang na ganoon ka lakas ang suporta nila sa grupong syang binuo ko.
Dumoble ang sigawan ng magsimula ng tumugtog ang banda. Napapangiti ako at napapangisi.
Hindi ko na tinapos ang concert. Tumayo ako at lumabas na. Ngayon ang unang pag kakataon na hindi ko tinapos ang concert. Ewan ko ba, wala doon ang utak ko. Nasa mas magulong bagay ito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tumipa.
To Calvin:
Meet me aftr concert. Garden blues.I'll wait :)Napatingala ako at nag dasal, sana tama ang desisyon ko.
***
"Bakit?" nilingon ko ang nag salita. Tatlong oras ako nag hintay dito sa swing. Ngayon lang sya dumating.
"I want to talk to you" bumuntong hininga sya at umupo sa kabilang swing.
"What bout it?" ngumiti ako ng mapakla at tinignan sya, nakatingin sya sa malayo.
"I'm setting you free." ngumisi sya inugoy ng kaunti ang duyan nya.
"Bakit? Ano bang nangyare? We're fine naman ah?" napailing ako at hinarap sya.
"It's was always him. Hindi na nawala. And I don't want you to expect and get hurt in the end." hindi ko na napigilang mapaluha. Calvin has been my hero, napaka walang kwenta kong tao. He's been all good to me. Pero ito ang gusto ng puso ko.
"Lagi naman e, I've always been the second choice. The second best. Kahit putulin mo pa ngayon kung anong meron tayo. Masakit pa din. Ganun pa din. Same impact. No changes. Ang sakit-sakit pa din." tumayo ako sa duyan ko at niyakap sya. Ayokong nakikita syang umiiyak ng dahil sakin. Hindi ako worth it. Nasasaktan ako. Mahal ko sya, pero hindi kasing tindi ng pag mamahal ko kay Louie. This man in front of me is my soul mate. But Louie will always be my true love.
"Sorry.... Sorry.." niyakap nya ko ng sobrang higpit. Iyak lang sya ng iyak. Ano bang ginawa kong maganda para magkaroon ng ganitong pag mamahal na bigay nya? I'm not worth it.
"Mahal kita Gerilou. You will always be the one for me. Ako nalang...... Please... Ako nalang." napailing nalang ako.
Gusto ko syang piliin pero hindi iyon ang gusto ng puso ko. I hate to hurt him. I hate it so much. I loathe it."Hindi pwede. Gustuhin ko man, pero ayaw nito..... Ayaw nito." pinukpok ko ng pinukpok ang dibdib ko. Hanggang sa pinigilan na nya ko at ngumiti. Pinagmasdan ko sya. Mukhang pagod na pagod sya. Nan lalalim ang mga mata nya,obvious na wala pang tulog. Maayos ang damit nya, galing pa talaga sya ng concert. Napailing nanaman ako. Wala akong kasing sama.