Fifteenth Kiss
-Lulu's POV
"Ba't ka nakasiksik dyan sa gilid?" kahit kanina ko pa gustong tumabi, di ko magawang gumalaw. Bakit kasi ngayon pa e!? Tsk.
"Huy! You're spacing out, malapit na tayo oh" hindi nya ko tinatantanan sa kakatanong nya, di nya ba feel na hindi talaga kering gunalaw ng dyosa nyang girlfriend? Huhuhu.
"Namumutla ka, come here let me see" walang sabi-sabing hinatak nya ang braso ka at hinipo ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat? Anong nararamdaman mo? Gusto mo uwi nalang tayo. " agad ako umupo ng tuwid at ngumit sa kanya.
"O-kay lang ako ano ka ba bebeloves ko, hahaha masama lang gising ko."sana maniwala sya sa palusot ko, cross fingers. Huhuhu
.
.
.
.
"Eh? Anong ginagawa natin sa planetarium? Wala naman tayong ticket dito ah." nakakapagtaka naman kasi, alam ko ubusan ang tickey dito. Dapat may reservation ka muna bago ka nila mapapasok or mag karoon ng ticket.
"Hindi ko naman kailangan ng ticket e." sabi nya at hinatak na ko pababa sa sasakyan pero pinigilan ko sya, masakit kasi e.
"Bakit? Tara na." aya nya at aakmang hahatakin nanaman ako.
"T-teka lang bebeloves, m-masakit kasi... " nakakahiya naman to. Bulgaran kong sasabihin sa kanya!? Wala namang delikadesa yun tsk.
"Anong masakit? Come on tell me. Papabili tayong gamot kay kuya Berting" sabi nya at tinuro si Mang Berting na naka sandal sa may pintuan.
"Ano.... Ano kasi... Kasi" emeged, di ko masabi nakaka hiya!
.
.
.
"You should have said it earlier, paano kung napaano ka ha? Tsk. You don't really care about me do you? Nag aalala ko kanina pa! Masakit lang pala yang....what do you call that? Tsk. Here's your chocolate. Ito lang pala ang gamot dyan." ang haba naman ng litanya nya. Haist, with matching irap payan. Mwehehehe kenekeleg eke, pekshet nemene eh!
"Ano ka ba naman bebeloves ko, puson ang tawag dito ano ka ba?! Saka, masanay ka na. Ganito ako lagi kapag may dalaw. Namimilipit sa sakit, usually kapag meron ako,hindi mo ko mapapabangon sa kama but for our monthsary's sake. Bumangon talaga ko." oo na, ayun lang yung inaarte ko kanina. Masakit kaya! Try mo, karamihan ganun pag nagkakaroon!ヽ(`⌒')ノ.
"Dapat pala hindi na tayo tumuloy dito, tara na uwi na tayo!" grabe naman to! Init ulo.
"Eeeeeh,tara na. Pasok na tayo! Nasaan ang tickets?" nilahad ko yung kamay ko sa kanya kaso tinitigan nya lang. Eh? Bakit?
"Hindi natin kailangan nyan, tara na. Pinalinis ko pa to sa mga tauhan namin para lang sa araw na to" at doon iniwan na nya ko, so kanila to.... KANILA TO!? ANIMENG! ANG GANDA KAYA!
"Huy! Tara na! " hindi makapag hintay. Maka sabay na nga tutal. Sya naman may ari nito e. Mwehehehe.
**
"Wahhhhhh, ang Ganda! Pwede bang matulog dito? " ang ganda kasi ng ceiling dito, puro stars. Nakaka mangha!
"*kutos, Hindi pwede. Bakit ka naman matutulog dito? " tanong nya. Hinimas ko yung ulo ko, sakit kasi. Kahit na mahina yung kutos nya... Masakit pa din eeeee.
"Ang Ganda-ganda kasi dito. Tara dun tayo sa may loob ng Planetarium, bilisan mo bebeloves ko!" hinigit ko sya at nag pa hatak naman sya. Umupo kami sa may sahig at tumingala. Ang ganda kasi talaga, madilim ang buong lugar tapos stars and planets lang ang umiilaw. Para kong nasa bola.