Last Kiss
==================="What is love? What is pain?" tumingala ako at napa iling. I look at him and smiled. Malaki na nga talaga siya. Mas matangkad na nga sakin e!
"Love is something magical that everybody can feel. But only strong people can keep."
" And Pain? Pain is something needed to be felt for you to know that you're alive. Pain is very demanding, hindi pwedeng hindi mo maramdaman. Depende kung wala ka ng buhay. Literal ha!" tumawa sya at inakbayan ako.
Ang kapatid ko, nag kakaroon na ng love problem. Mantaki mo yun! Talo pa ang ate nya. Tatanda pa nga raw akong dalaga!
"Anong connection nilang dalawa?" ngumiwi ako at tinulak syang kaunti. Hay nako.
" There's no love when there's no pain. In every love you experience, there would be millions of feelings that you could feel. Those feelings are just sub elements of pain. I think." tumawa sya.
" Pakakawalan ko sya ate kasi mahal ko." bulong nya matapos kong uminom ng juice sa gilid ko. Nasa gazebo kasi kami ng bahay namin at inaya nya ko na makipag kwentuhan sakanya.
"Mahal mo? E ba't papakawalan mo?" tinignan nya ko sa mata at umiling.
"Ganoon naman diba?" ako naman ang napailing.
"Mali ang prinsipyong yun. Kung mahal mo, ba't mo pa papakawalan? Gawan mo ng paraan para manatili. Hindi solusyon ang mang iwan ng iba. Kahit sang anggulo mo tignan mali ang mang iwan. Unless tapos ka nang ipaglaban sya o kaya naman din e ikaw na lang ang lumalaban." napangisi sya sa akin.
"Naks! Epekto ng wattpad ate! Tanda mo na but you still read those things. Kaya wala kang boyfriend e" natapos ang kwentuhan namin dahil tinawag na kami ni mommy.
Hindi na madalas mangyari ang ganitong eksena sa bahay namin mula noon. I'm 26 years old and busy. Ganoon rin ang kapatid ko. Si Mama naman ay syang namamalagi madalas sa province nila at bihira na lang din mauwi rito. Papa's not in the country. Kasama ang asawa nya.
"Kamusta ang araw ninyo?" napa tingala ako ng magtanong si Mama. Kakatapos lang namin kumain ng dinner at iyon na agad ang tanong nya.
"We're fine." simpleng sagot ko. Ang kapatid ko naman ay tumawa at niyakap si Mama.
"I have a girlfriend Ma, meet her k?" tumango na lang si Mama. Ako naman ay pinamulahanan ng mukha. Nakatingin kasi si Mama sa akin, itatanong niya na naman kung kamusta ang buhay pag ibig ko.
"Ma? I'm better off this way. Don't worry okay?" tumayo ako at niyakap siya. She's been like this mula noon. She was scared na baka hindi ako naka move on. But sorry to say. I already accepted my faith about the relationship and I'm expecting to move forward soon. Surely.
Natapos ang araw ko ng umalis ng muli si Mama. Ang kapatid ko ay umalis na din. I was left out. And I'm used to this.
Hindi ko na pinansin iyon at hinarap na lang ulit ang trabaho ko. I tap my laptop and on. Hindi ko napansin na naka tulog ako.
"Ma'am? Gising na po. Alas nuwebe na po ng umaga, hanap din po kayo ni Ma'am Jessalyn." napa irap ako at umupo ng tuwid. Sumakit ang likod ko.
"Okay manang, paki sabi po na mag hintay sya." ngumiti sa akin si Manang at tumango. Tamad na tamad akong tumayo at naligo. Oras ng tulog ko iyon. Pahinga ko sa buong Linggo!
"Anong atin?" tumawa si Jessalyn sa akin at yumakap. Kasama nya pala ang buong barkada. Wala nga lang si Calvin dahil sa world tour nila. They're with my co manager.
"Grabe! Busy ka masyado at kailangan pa namin ng appointment?!" tumawa ako at hinampas sya. Ang ingay e. Ikakasal na at lahat!
Oo, tama kayo. Ikakasal na halos lahat. Si Kei ay kinasal na at may baby boy na and expecting another one. Si Jessalyn ay ikakasal na in the next couple of months. Si Myla naman ay ikakasal 2 years from now. After ng kontrata ng boyfriend nya sa Milan. Si Cindy ay buntis na sa unang anak nila ni Ruperth.