Chapter 31

106 5 0
                                    

Thirthy First Kiss

===========

"What?" napatayo ako sa inuupuan ko at hinampas ang lamesa sa harap ni Papa. I just can't believe him.

"You heard me right, tama naman ako hindi ba. Mali ba na next week na?" ngumiti ito at uminom ng kape na nasa harap nya. Napaikot ang mata ko at napa upo ulit. Lately, lagi akong na ii-stress dito kay Papa e.

"Next week? Agad-agad? Marami pa po akong matters dito sa London. Ni hindi mo pa nga na a-approve yung pinasa kong request sayo e." napatingin ako sa kanya ng nilabas nya ang isang envelope at inilapag sa harap ko.

"Iyan na nga e, tapos ko na kanina lang." ngumisi sya at napasimangot ako lalo. Badtripppppppppppp......

"Naisahan mo nanaman ako Papa!" tumawa sya at uminom ulit ng kape.

----

"So aprubado na pala ni Tito?" tanong ni Chad. Tumango ako at hinainan naman sila ng ulam. Nasa pad ko sila. Actually ay tatlo lang sila, nawawala nanaman yung isa.

"So busy na talaga tayo?" tumango ulit ako sa tanong ni James.

"Papasukin na natin ang Asia, but Philippines ang base natin. So doon tayo tutuuon." napatingin ako kay Calvin na ngumunguya ng popcorn.

"Ikaw? Walang pake lang?" tumingin sya sa akin at inilapag sa lamesa ang popcorn nya.

"Wala naman na kong masabe, you're too beautiful. Nakaka speechless." ngumisi ito at inapiran si Chad. Napailing nalang ako at tinalikuran sila.

"San ka pupunta?" tanong ni Chad. Iniangat ko ang phone ko at ipinakita sa kanya.

"Ge!" paalam nya. Nauna akong lumabas sa kwartong iyon at bumaba sa ground floor. Dinial ko agad ang number ng paborito kong kapatid. Nag iisa lang naman yan e.

"hello?"

"Hoy! Babalik na ko dyan." sabi ko at ngumisi. Epic siguro ng mukha nito.

"what!? Ba't ka babalik na dito! Wala ka ng muang dito!"

"Pakyu ka dude. Usap kayo ni hands. Linisin mo kwarto ko ha? Ayoko ng may babae dyan. Labyu! " binabaan ko na sya ng phone. Napaisip tuloy ako. Wala na nga pala akong kwarto doon dahil binakbak na at sinakop na din ni Sensen. Hayup na yun. Kapal ng mukha porque hindi makatagal dito.

"Pst!" napalingon ako kumunot ang noo ko.

"Oyy! Himala at nandito ka Mix. Sang mundo naman ang napuntahan mo." kinurot nya ang braso ko kaya sinuntok ko sya. Ganoon naman kami, harutan dito at doon. Kahit na chismis na ata ako sa buong banda di pa din kami natitibag.

"Ewan ko sayo." sabi nya at umupo sa isang upuan. Umupo din ako doon at tinapik sya para umusod.

"O? Napadaan ka nga pala? Probably you have a problem?" hula ko. Nakita ko syang umirap kaya nayakap ko tuloy ang braso nya. Ewan ko, ako din nagulat.

"Fvck! What the ef!?" napatayo sya at sinamaan ako ng tingin.

"Hahahahaha! Sorry!. Well! Mag empake ka na pala. Matatagalan tayo sa Philippines. " tumalon ako at nag paalam na sa kanya. Andami na kasing nakatingin. Chismis nanaman ito.

***

"Ang sakit ng likod ko! Putapete." bulong ni James at nag unat. Kakalapag palang ng eroplano namin at nag iinarte na ang mga ito. Hindi gayahin si Mix na tahimik lang.

"Tara na nga at maka uwi na tayo inaantok na ko." bulong ko at hinatak na ang trolley ko.

Nag sisunudan naman sila at nagulat kami sa dami ng tao sa airport. Kinailangan pa ng mga guard para lang makadaan kami. Sumakay kami sa Van ni Berny. Katiwala namin sa G&D.

"Hi mga fafas!" tili nya ng maka pasok kami sa van. Arghhh ang ingay talaga ng bading na to.

"Hey!" bati ni Calvin at nakipag apir.

Sumandal ako sa headrest at naka idlip.

"Huyyyy! Bakla. Wake wake na. Boyaw mo bang gumora sa balay!?" napa upo ako at napalingon sa paligid. Hutangina talaga ni Berny.

"Hutaines ka Bernardo Eldifonso Jr." inirapan nya ako at hinatak na ko palabas.

"Nasan sila?" tanong ko. Tinignan ko kung nasaan kami. Nasa bahay pala kami at pansin kong nasa loob na ang mga tukmol. Dito daw sila matutulog.

Sabay kaming pumasok ni Berny habang dala nya ang pink nyang bag. Tsk, bading talaga to.

"Wala bang mag we-welcome man lang sa akin!?" nakaka azar naman ang mga ito. Yung ibang tao na we-welcome samantalang ako na anak!?

"Hoy!" nilingon ko ang baritong boses na iyon at napangiti. Tinalon ko sya dahil mas matangkad na sya sa akin.

"Kuya Gensen!" loko ko sa kanya. Tinulak nya ang mukha ko at napangisi.

"Ewan ko sayo. Kuya ka dyan?" tumawa ako at binitbit nya ko na parang sako kaya napatili ako.

"Ano ba yan!? Ang ingay nyo talagang mag kapatid!" nilingon ko iyon ng maibaba na ako ni Sensen.

"Mama!" hinug ko sya ng sobrang higpit. Na miss ko talaga si Mama. Isang taon na kaming hindi nag kikita. Kaya miss ko talaga sya.

"Ano ba yan Gurang ka na anak!" inirapan ko si Mama. Naku! If I know level 99999999999 ang pag ka miss nyan sa akin.

"kumain ka na sa loob. Naunahan ka na ng mga damulag doon!" tumakbo ako agad at pinagkokotongan sila. Naunahan pa ko ng mga to. Ako ang anak!!!!!!

"oh? Kumain ka nalang!" hinatak na ko ni Chad at nilagyan ng kanin. Goooooooooooooood.

****

" Dito tayo matutulog? " tanong ni Mix. Tinaasan ko sya ng kilay. Dito kami sa sala ng bahay. Walang space e.

"Oo, sorry. Ayokong mag hotel. Ayaw nyo din naman. Saka walang kwarto dito. Wala na yung akin. Sinugapa na nga ng mabait kong kapatid. Kaya lima tayo dito." tinuro ko ang nakalatag na foam at mga unan.

Tumalon doon si Calvin at nauna na kaya nag unahan nanaman kaming apat. Pero, ako nanaman kawawa ako nanaman sa ulunan. Ang lalakas kaya nila! Mga gunggung na to.

"Ako nanaman dito! Ayoko nga dito ang kakati ng buhok nyo." hinatak ko ang buhok ni Calvin kaya napatawa sya.

"Harangan mo nalang. Mahina ka kasi e." bulong ni Mix na nakayakap na sa unan nya. Humanda kayo sa akin. Lintik lang ang walang ganti.

" Ewan ko ba sa inyong apat! Mga pampam kayo. Ang yayaman nyo na, hindi nyo magawang mag hotel!" sinipa ko ang kumot ko at nahiga na.

"Alam mo naman ayaw naming mahiwalay sayo." sabi ni Chad at nag kumot na.

"Ang sisikat nyo walang pang hotel!" sabi ni Mama na bumaba pala at uminom ng gatas. Isa pa sila, ayaw akong patabihin sa kanila.

******

"Hmmmmmm hmm......." inusod ko ang paa ko. Ang sikip naman.

"Whattttttttaaaaaaaa!" napamulat ako at napatayo. Nakita ko si James na pinupunasan ng kumot ang buhok nya.

"B-bakit? " tanong ko pupungas pungas na tanong ko. Nakita ko naman halos hindi na maka hinga si Chad dahil nakapatong pala ang binti ko sa dibdib nya. Kaya inusod ko.

"Kadiri ka naman Ge! Nilawayan mo nanaman ako!!!" umirap ako at napangisi.

"Kasalanan nyo yan." bulong ko at tumayo na. Naapakan ko pa nga si Calvin sa dibdib kaya napa upo sya at napa ubo. Harang-harang e.

Tumayo ako sa harap nila at nag inat. Wala akong pake kung naka panjama ako at naka malaking shirt.

"OHhhhhhhhh Myyyyyyy Godddddddddddd!!!!!!!!!?? " napatingin ako sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko bigla.

"JESSALYN!? WHAT THE HELL ARE YOU. GEEEE! ANONG GINAGAWA NYO DITO!? "

Anong ginagawa nila dito? OMG! Buong barkada?!

~•~
Hello! No proof reading :)

First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon